Limang araw na lang, kasal na ni Oliver at Ara!
Kahit busy sa preparations ay halos gabi gabing dumadaan sa coffee shop si Oliver! Balewala ang request nyang lie low muna sila!
Halos gabi gabi na din syang tinatrabaho ni Engineer! Di naman sya tumatanggi dahil gusto nya din ang ginagawa nila.
Kahit maikling oras lang basta nagkasama sila, masaya na sya. Ganun na kababaw ang kaligayahan nya. Kakarampot na oras o atensyon lang, okay na sa kanya.
Sinusulit nya dahil 'di nya alam kung kailan ulit sila magkakaroon ng oras para sa isa't isa.
Lilipat na si Ara sa bahay nila Oliver! Hindi pa kasi tapos ang pinapatayong bahay ng mga ito malapit sa coffee shop nila.
Day off nya ngayon. Nag mukmok lang sya sa kwarto. Kanina pa nya ka text si Oliver.
May bachelor's party pala ito mamayang gabi. Sa Green Heaven daw gaganapin. Kasabay din ang bachelorette's party ni Ara na gaganapin lang sa bahay nito.
Ulan: Can we meet later? I want to see you.
Inaatake na naman sya ng kalandian!
Me: Where?
Ulan: Anywhere with you.
Me: Baliw! Tatakasan mo party mo?
Biglang nag ring phone nya. She answered it while biting the insides of her cheeks to stop herself from smiling.
"Ada... I'd rather see you than party with my friends." Ayan na naman ang husky voice ni Engineer. Makalaglag panty!
"Hindi ka ba hahanapin ng friends mo?"
"They won't mind. I'm sure they'll think I'm with Ara."
She hesitated for a minute. "I'll try."
"Baby..." Naglalambing si Engineer!
"Oo na nga! Dito ka na mag sundo sa bahay. Si Manong guard lang naman andito mamaya."
"Alright. I love you." Bakas na ang tuwa sa boses nito.
Excited din syang makita ulit ito. "See yah. Love you too!"
He ended the call.
Tinatamad pa rin syang bumangon kaya nag scroll scroll lang sya sa Instagram.
Nag story si Greyham kasama si Blue. Nasa resort na pala ang dalawa. Di rin halatang excited sa party mamaya.
Nag post naman si Kahel ng picture ng kamay nito na may ka-holding hands at ang background ay beach. Buti pa si Kahel at lagi na lang may ganap sa buhay.
Gusto nya rin sana mag post ng ganun. Yung tipong cryptic posts. Marami kasi syang stolen shots ni Oliver. Kung hindi kamay ay paa pati likod.
Naka locked folder pa ang pictures nito. Baka kasi may makialam bigla ng phone nya. Mahirap na.
Better safe than sorry!
Natulog lang sya ulit after mag brunch. Wala naman syang gagawin kaya nag beauty rest lang sya. Kailangan nyang mag reserve ng energy for later.
Pasado alas singko na sya gumising. Matagal syang naligo. She made sure she's clean and well shaved. Mabuti na ang maging girl scout, laging handa!
She blowdried her hair and applied some lip tint. Ayaw nya naman mag mukhang haggard. Nag maong shorts lang sya at nag isip pa saglit kung hoodie na naman o crop top.
Oversized black hoodie ang napili nya. May printed stars and moon sa harap. Eto pala yung favorite nyang hoodie kahit sobrang laki. Regalo ito sa kanya ni Blue noon.
BINABASA MO ANG
My Favorite Mistake (COMPLETED)
General FictionRed Alcantara hates cheaters! Faithfulness is her number one rule when it comes to relationships. So, when her ex Oliver Villafuerte started flirting with her, she knows she's in danger. She broke her own rule! And she became the person she hates...