Chapter 7

61 3 2
                                    

Isang linggo na ang lumipas simula nang makauwi sya galing sa Tagaytay. At isang linggo na rin nung mag text si Oliver. Di na nasundan ang text nito.

Di rin sya nag reply. Ano namang sasabihin nya?

"Mahal ka nun." Nagulat sya sa pagsulpot ni Lila sa bahay nila. Nasa gilid sya ng pool at nag aalmusal. Pasado alas dyes na nga kaya medyo mainit na sa pwesto nya.

"Gago! Anong mahal pinagsasabi mo dyan?!"

Tumawa ito ng nakakaloko. "You're spacing out."

Tumabi ito sa kanya at kumuha ng cookies na kinakain nya. "Yes, I'm probably spacing out because I'm a constellation." Sarcastic na wika nya.

"Daming alam ni Andromeda."

"Bakit ka ba napadpad dito?"

"Sinusundo ka. Nagpaalam na ako kay Tita. Tinawagan ko pa lang. Bukas pa daw uwi nila ni Tito. Magbihis ka na." Wika nito habang ngumunguya.

"Ano? Saan naman punta natin?" Biglang nabuhayan ang kaluluwa nya. Sakto at bored sya sa buhay.

"Sa resort ni Kuya Greynald."

Na excite sya bigla. Bago lang ang resort ni Green at di pa nya napupuntahan. Last year lang ito nag open at mukhang marami naman ang dumadayo.

"Wait lang. Magbibihis ako." Tumayo na sya at tinungo ang kwarto. Nakasunod naman si Lila. Nakasalubong nya sa sala si Nanay Sita.

"Nay, alis po muna kami. Kayo muna bahala dito sa bahay."

"Sige. Ingat kayo ha."

Sumunod sa kwarto nya si Lila.

"Magdala ka ng swimsuit. Night swimming tayo mamaya." Nahiga ito sa kama nya habang pinapanood syang mag ayos ng damit sa isang maliit na backpack.

"Sure. Alin ba maganda, etong black o blue?" Pinakita nya ang dalawang pares ng swimsuit. One piece yung itim at two piece naman yung blue.

"Yan na lang na blue. Mas sexy tingnan."

"Ok eto na lang. Sino-sino ba kasama natin dun?"

"Papunta na dun sila Kahel pati si Greyham. Kanina pa dun yung pangit na best friend mo. Yung kuripot na may-ari mamaya pa daw susunod. Pina exclusive nya pala yung resort para daw masolo muna natin yung pool. Kotse nyo nga pala gamitin natin. Binaba lang ako dito ni Grey." Mahabang sagot ni Lila.

"Sige. Ikaw na mag drive. Di ko kabisado daan papuntang resort." Nagpatuloy sya sa pag ayos ng gamit.

"Kala mo naman 'di taga DelaRosa. Malapit lang resort. Wala pa ngang 15 minutes andun ka na."

Pumunta syang banyo at nagpalit ng damit. Isang maikling floral dress sinuot nya at itinali lang ang buhok. Kita ang tattoo nya sa likod.

"Bilisan mo nga. Tanghali na kaya. Magluluto pa tayo." Nauna na si Lilang lumabas ng kwarto.

"Bakit tayo yung magluluto?"

"Eh kuripot nga may-ari di ba? Mahal daw serbisyo ng chef nya. Tsaka mag iihaw lang naman ng pulutan."

"Kuya Green talaga." Napailing na lang sya.

"Akin na nga susi ng kotse."

Binuksan nya ang drawer sa tabi ng mesa sa dining kung saan nakalagay mga susi. Inabot nya kay Lila at pumunta na sa garahe.

"Nay, alis na po kami." Sigaw nya para marinig ni Nanay Sita na nasa likod bahay. Sumunod na din sya kay Lila at sinukbit ang backpack sa likod nya.

Sa shotgun seat sya naupo. Medyo mabilis ang patakbo ni Lila. Nagmamadali daw dahil alas diyes na at gusto nang mag walwal.

My Favorite Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon