The doorbell rang!
Nasa kusina sila ni Ella at busy mag prepare ng handa nila mamayang Noche Buena.
Napatili pa si Ella at sinipat ang suot na leggings at red crop top na may maliliit na reindeers.
"Omg Madam! Excited na ako! Buksan mo na ang pinto! Kunwari chill lang ako dito!" Tumalon talon pa ito at inayos din ang buhok.
Napangiti na lang sya. For sure ay ang mga pinsan nya na yun. Nag text na si Blue kaninang nasa elevator ang mga ito.
Nag commute ang mga ito dahil naka leave din si Manong Jeff ngayong holiday. Si Ella naman ay ayaw mag leave at dito na lang magpa Pasko kasama nila dahil nga gustong ma-meet si Greynald.
Excited nyang tinungo ang sala at binuksan ang pinto ng unit. Pumasok agad ang mga pinsan nya.
Si Lila ang unang yumakap sa kanya at humawak sa may kalakihan nyang tiyan.
"Tangina Red! Ang blooming!" Naka shorts lang ito at lavender knitted sweater.
Kahel hugged her too. "I missed you!" Isa din itong naka knitted sweater na kulay orange at maong shorts.
Tinapik naman sya ni Greyham na naka gray hoodie at Greynald na naka green hoodie. Bitbit ng mga ito ang bag ni Lila at Kahel.
Last na pumasok ang bff nyang naka blue hoodie at abot langit ang ngiti nang yakapin sya.
"Mukha ka nang butete." Komento nito at agad na namang uminit ang ulo nya.
"Wala kang regalong hayop ka!" Isinara na nya ang pinto at humawak sa tiyan.
Sumipa pa ang baby nya. Excited din ata sa mga Tito at Tita.
"May color coding pala? Buti na lang naka red naman ako." She said while looking at her red dress printed with an image of Santa Claus.
Greynald snorted. "Lila's idea of a fun Christmas." Naupo ito sa sofa at hinilot ang sentido.
"You're such a boring person, G." Wika ni Kahel sa kapatid.
Kanya kanyang upo sa sofa ang mga ito. Magkatabi si Grey, Green at Kahel sa mahabang sofa. Tig-isa naman sila ni Lila sa single sofa. Hindi nag kasya si Blue dahil sa laki nito kaya dumiretso ito sa kusina.
Pagbalik ay kasama na nito si Ella at parehong may bitbit na juice at pizza.
"Si Ella nga pala. Bagong best friend ko." Wika nya sa mga pinsan.
Ngumiti si Ella at isa-isang nakipag handshake sa mga pinsan nya. Hiyang hiya pa ito kay Green at extra hinhin ang kilos ng bruha.
"Pa'no mo naman naging new best friend yan? Eh mas magaling ako sumayaw dyan." Blue said and settled on the floor.
Nag tawanan ang mga pinsan nya nang maalala ang budots showdown ni Ella at Blue.
"Ganda mo girl!" Komento ni Lila kay Ella.
Ella smiled at nag kunwari pang may sinabit na buhok sa tainga. "Maliit na bagay. Kayo din Ma'am. Wala naman atang pangit sa lahi nyo."
Lila laughed at Ella. "Wala naman talagang pangit. Kuripot at boring meron."
Naupo na din si Ella sa tabi ni Blue at inabutan ni Blue ng juice. Napataas kilay pa si Greyham.
"So, how's your trip?" Tanong nya sa mga pinsan.
Kahel groaned. "Pucha! Heaven sa plane. Hell ang traffic. May hangover pa naman ako."
"Lagi ka naman may hangover. Magkakasakit ka 'ata pag 'di ka nakainom." Lila said while eating pizza.
BINABASA MO ANG
My Favorite Mistake (COMPLETED)
Ficción GeneralRed Alcantara hates cheaters! Faithfulness is her number one rule when it comes to relationships. So, when her ex Oliver Villafuerte started flirting with her, she knows she's in danger. She broke her own rule! And she became the person she hates...