Two months passed by quickly. Mahirap man bilang first time mom ay kinakaya nya lahat para sa anak nya. Naka alalay naman palagi si Ella kaya hindi sya nahihirapan.
Her mother cried a lot nang makita ang baby nya. Tahimik pa rin ang Papa nya kaya kabado sya dahil kahit hindi nya aminin kung sino ang tatay ay alam na agad sa unang tingin pa lang sa baby nya.
Dumalaw din ang mga pinsan nya at kung anu-anong regalo agad ang ibinigay kay Ulan.
Si Oliver naman ay hindi na ulit nagpakita sa kanya pero every month ay may perang pumapasok sa account nya. Siguro ay sustento nito na hindi nya naman kailangan. Hindi na nya binanggit kahit kanino ang tungkol sa monthly allowance ni Oliver. Pati na din ang hospital bill nya ay ito pala ang nagbayad.
Ang huling balita nya ay bumalik na sa DelaRosa si Oliver at nagpa renovate ulit ng bahay.
"Madam, tara na. Andito na si Manong Jeff." Tawag ni Ella sa kanya.
Kung dati ay malakas lagi ang boses nito, ngayon naman ay palagi nang malumanay.
Nagbibihis sya dahil monthly check up ngayon ng baby nya. Noon ay pouch lang o shoulder bag ang bitbit nya pag aalis ng bahay. Ngayon naman ay parang isang buong backpack na.
Kung kikay kit ang laman ng bag nya noon, ngayon ay diapers, wipes at kung anu-ano pa.
Lumabas na sya ng kwarto. Naka simpleng floral dress lang sya na pwedeng ibaba sa harap para sa pag breastfeed.
Kinuha nya si baby kay Ella at si Ella na ang nagdala ng bag nya. Sa isang sikat na pediatrician sila nagpapa check up. Recommended ito ng Mama nya dahil kaibigan daw ang may-ari ng clinic.
"Sana all Madam balik alindog agad! Di mo na kailangan mag diet eh! Sexy ulit... grabe!" Puri sa kanya ni Ella habang nasa elevator sila.
She rolled her eyes. "Bolera."
"Totoo nga Madam. Kala mo naman nag jo-joke ako. Kung may asawa ka lang, baka nasundan agad si Ulan."
"Which is malabo kung may asawa man ako. Baka after a year pa ako pwede magpa bang bang kasi sobrang nawasak ang kinabukasan ko 'no! Under major recovery pa!"
Saglit nag isip si Ella. Inabsorb pa 'ata ang sinabi nya bago tumango tango.
"Sabagay, kahit ako din siguro Madam. Naku... parang ayokong maulit yung ganun kahirap na panganganak. Kaya pag ako nagka baby, isa lang."
She snorted. "Sus, baka isang dosena."
"Ang judgemental naman Madam. NBSB pa nga ako eh." Nakangusong wika ni Ella.
"No bang bang since birth?" She laughed.
"No boyfriend kasi yun Madam! Napaka ano mo eh!" Nakanguso pa rin ito.
She laughed. "Parehas lang yun. No boyfriend kaya no bang bang pa."
"Ewan ko sa'yo Madam. Ma bang bang ka sana ulit ni Engineer." Tumawa din si Ella.
She immediately glared at her. Nag peace sign lang ito.
Pinagbuksan sila ng pinto ni Manong Jeff at nag drive na patungong clinic. Kahit private clinic ay medyo marami ang nagpapa check up kaya pang lima na sila sa pila.
Nagising na si Ulan kaya pinadede nya muna saglit. Hindi naman sya nahihiyang mag breastfeed sa ganito karaming tao dahil normal naman yun sa isang ina. Hindi sya nag formula milk kay Ulan dahil magatas naman sya.
Medyo natagalan pa sila sa pila kaya si Ella muna nag karga kay Ulan nang mangalay na sya. Inabot sila ng mahigit thirty minutes sa paghihintay bago sila nakapasok sa clinic.
BINABASA MO ANG
My Favorite Mistake (COMPLETED)
General FictionRed Alcantara hates cheaters! Faithfulness is her number one rule when it comes to relationships. So, when her ex Oliver Villafuerte started flirting with her, she knows she's in danger. She broke her own rule! And she became the person she hates...