Chapter 23

53 2 3
                                    

"Good weather in Manila..." Anunsyo ng piloto.

Lutang pa rin sya at di makapaniwalang malayo na sya kay Oliver. Halos gabi-gabi syang umiiyak simula nang huli silang mag-usap.

Pakiramdam nya ay hindi sya nauubusan ng luha. Tuwing naaalala nya ang masasayang araw na magkasama sila ay naiiyak sya. Pero mas naiiyak sya dahil binigo nya ang mga magulang nya.

Ang Mama nya lang ang sumama na maghatid sa airport kanina. Hindi naman daw galit ang Papa nya. Hindi lang sumama dahil masakit daw ang ulo. Naniwala na lang sya sa mama nya kahit alam naman nya ang totoo.

Sa GC lang din nag goodbye ang mga pinsan nya. Dadalaw lang daw ang mga ito sa kanya pag may holiday. Dinalaw naman sya ni Lila at Kahel sa kanila nung Martes. Nag-inuman ang dalawa sa kwarto nya habang tamang emote lang sya.

Ang daming bilin sa kanya ng Mama nya. May kinontak na din itong OB gynecologist para sa susunod na check up nya. Malapit lang daw sa condo nya.

Blue held her hand habang pababa sila ng eroplano. Parang abnoy ang gago. Naka pambahay lang ata. Simpleng gray shorts at white sando lang ang suot nito. Sya naman ay naka blue romper.

She stopped walking then inhaled and closed her eyes for a moment. From sad ending to new beginnings.

"Sad girl." Pagpaparinig ni Blue. Panira moment pa rin as usual.

Naglakad na ulit sila patungo sa arrival area. May kotse nang nakaabang sa kanila papunta sa condo nya. Hila-hila ni Blue ang malaking maleta nya at ang backpack nito patungo sa kotse. Sinalubong sila ng Tita Helen nya na carbon copy ni Kia ang mukha. Naka yellow dress ito.

Nag beso sya at ganun din si Blue. "Welcome back to Manila!" Nakangiti ang Tita nya at niyakap pa sya.

"I missed you, Tita." She hugged back.

"I missed you too, Ria. Your mom called me kanina lang. Excited din akong makita ang magiging apo namin! Finally, magkaka-baby na ulit sa family! Mga baby damulag na kasi kayo!" Nakangiti na wika nito. Napawi ang pangangamba nya na baka husgahan sya ng Tita nya.

Bumaling ito kay Bughaw. "Ang gwapo mo na Godo! Ligawan mo nga anak ko! Ang sungit sungit eh!"

Blue laughed. "Kung si Kahel lang naman Tita, huwag na po. Ayoko ng sakit ng ulo."

"Hindi si Helaena ko! Si Greynald! Wala pa atang love life ang panganay ko!" They all laughed. Palabiro din talaga ang Tita nya.

"Irereto ko na lang po sa iba si Green. Di ko type ang kuripot, Tita." Blue said with a smile on his face.

Pumasok na sila sa kotse at sinabihan ng Tita nya ang driver na si Manong Jeff na diretso na sila sa condo. Sa tabi ni Manong naupo ang Tita Helen nya at sa likod naman sila ni Blue.

"Welcome back Ma'am Ria." Bati ni Manong Jeff na naging driver nya nung nag college sya. Naging close nya na din ito dahil taga DelaRosa din ang pamilya nito.

"Salamat ho Manong. Na-miss ko kayo." Wika nya.

"By the way Ria, you can start working next Monday. I will give you a week to adjust. I'll email you the details. Kahit hindi ka na mag office attire. Maternity dress is fine. Ayoko namang hindi ka kumportable sa suot mo." Her Tita said.

"Ok po. Thank you Tita." Balak nya kasing mag shopping sa Lunes ng mga damit at gamit. Sabay grocery na din dahil kailangan nyang mag stock ng pagkain.

"And eto nga palang si Mang Jeff ang maghahatid sundo sa'yo sa office at kung saan mo pa gustong pumunta. Balik serbisyo sya sa'yo dahil bilin ng Mama at Papa mo na huwag kang hayaang magmaneho mag-isa. Naaksidente ka pala nung nakaraan."

My Favorite Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon