Chapter 22

52 3 0
                                    

She woke up early at matagal nagbabad sa banyo bago nagbihis. She wore a simple white mini dress printed with small red flowers. She blowdried her hair at hinayaan lang itong nakalugay. May konting kirot pa kasi ang sugat nya sa ulo pero hindi na kailangan ng bandage.

Maaga din dumating si Nay Sita kaya nadatnan nya na itong nagluluto sa kusina.

"Good morning Nay." Masiglang bati nya. Nag timpla sya ng gatas. Hindi na muna sya magkakape dahil baka makasama sa baby.

"Good morning din. Ang aga mo ata." Nag pi-prito ito ng dried pusit. May nakahain nang scrambled eggs at longganisa. Meron ding garlic rice at hotdogs.

"Di po ako nakatulog ng maayos." Pag-amin nya. Medyo balisa sya kagabi sa dami ng tumatakbo sa isipan nya. Naupo na sya at natatakam na tumingin sa longganisa.

"Nag-usap na ba kayo ng Mama at Papa mo? Nasabi mo na ba ang kalagayan mo?" Tanong ni Nay Sita sa mahinang boses.

Bahagya syang tumango at napabuntong-hininga. "Nasabi ko na po kahapon. Napagkamalan pa nilang si Bughaw ang ama ni baby."

Napangiti si Nay Sita sa sinabi nya. Dinagdagan pa nito ang pinipritong pusit.

"Alam mo Ria, wala kasing ibang lalaking malapit sa'yo maliban kay Godo kaya di na ako magtataka kung napagkamalan sya nila Rio at Andrea. Pero ako, alam ko ang tipo ni Godo. Kaya malabo na ikaw iyon 'nak."

Napangiwi tuloy sya sa sinabi ni Nay Sita. "Ganun na ba ako kapangit Nay? Kaya hindi ako magugustuhan ni Bughaw?"

"Hindi sa ganun." Natawa na si Nay Sita. "Basta. Malalaman mo din kung anong tipo nya."

Nagkibit balikat na lang sya at pinagpatuloy ang pag-inom ng gatas. "Ang dami nyo naman pong niluluto. Tayo lang naman nila Mama at Papa ang kakain." Puna nya nang maihain na nito lahat ng niluto.

"Bakit, bawal ba ako makikain?"

Napalingon sya sa nagsalita. Napairap sya ng makita si Bughaw na abot langit ang ngiti at bagong ligo. Suot na nito ang uniform.

"Pogi na sana. PG nga lang."

Nagmano ito kay Nay Sita at naupo sa tabi nya. "PG as in Poging Gordon?"

Umakto syang naduduwal. "Eww. PG as in Patay Gutom!"

Ginulo nito ang buhok nya at humalakhak. "Makiki-almusal lang naman eh. Nay, pwede po patimpla ng kape? Please..." Nag puppy eyes pa ito kay Nay Sita kaya natawa na lang si Nanay Sita.

Inayos nya ang nagulong buhok at hinila din ang ilang hibla ng buhok ni Bughaw. "Dahan-dahan naman sa buhok ko! Nakalimutan mo atang may sugat pa ako! "

"Ay, sorry! I forgot!" Kumuha ito ng tinidor at tinusok ang longganisa.

Akmang isusubo na ito ni Blue nang agawin nya at kinagat. "Sarap..." Napapikit pa sya habang ngumunguya.

Napakamot sa ulo si Blue. "Don't tell me sa longganisa ka naglilihi?! Toasted yan Andromeda. Baka maitim maging baby mo!"

Sinamaan nya ng tingin si Blue. "Huwag ka ngang ano dyan! Baka mamaya magkatotoo pa!"

Napangiti si Nay Sita habang nilalapag ang kape ni Blue. Nag timpla na din ito ng kape para sa Mama at Papa nya.

Narinig nya ang tikhim ng Papa nya. Palapit na ito pati Mama nya. Both wearing business attires. Sabay itong naupo sa kasalungat nilang upuan.

"Good morning po Tito at Tita." Naka ngiting bati ni Blue. Tumango naman ang mga ito kay Bughaw.

May konting kaba pa rin syang nararamdaman sa presensya ng Papa nya.

My Favorite Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon