Chapter 6

55 2 0
                                    

Oliver woke up early. Kinatok sya nito sa kwarto nya. Mabuti na lang at naka ready na din sya.

Pakiramdam nya nga ay di naman sya nakatulog. Parang magdamag lang syang nagmuni muni tungkol sa mga nangyari sa loob ng dalawang gabi nya dito sa hotel.

"Morning. Let's go." He greeted her politely. Naka pants na naman ito at hoodie ulit na kulay gray at bitbit ang bag.

Naka maong shorts lang sya na tinernuhan ng white shirt. Nag rubber shoes lang din sya dahil pagod na paa nya kakasuot ng heels.

"Wait. I'll just settle my bill." Wika nya nang maisara ang pinto. Nag iwan din sya ng tip sa kwarto.

"I already took care of it Ada."

"What? Eh di may utang na ako sa'yo."

"Bayaran mo na lang ng halik." He said in a playful tone.

"Engineer..." She warned him. Ayaw na muna nyang pag usapan ang nangyari. Medyo nalilito pa sya sa nararamdaman nya.

Pagpasok nila sa elevator ay andun din si Peter.

"Hey Ria! Hi Engineer!"

Di nila ito pinansin. Masyado na namang feeling close si San Pedro.

"May hangover pa ba kayo? You guys were so close last night." Makahulugan ang pagkakasabi nito.

"Are you insinuating something?" Oliver hissed.

She reached for his hand at pinisil iyon para iparating dito na wag nang pansinin ang bwisit na unggoy sa tabi nila.

Peter just shrugged. "Am I?"

"You know what Peter? Can you just fuck off? Nakakasira ka ng araw." Kalmadong wika nya.

"At least hindi nakakasira ng relasyon." Peter smirked.

"What are you trying to say?" Mas kinalmahan nya pa ang pagkakasabi. She saw how Oliver's adam's apple moved.

"Wala naman. Careful, Ria." Tumahimik na din ito at sabay sabay na silang lumabas ng elevator.

Pagka check out ay diretso na sila sa van na maghahatid sa kanila sa airport. Nauna syang pumasok at pumwesto ulit sa may likod ng driver. Tumabi na naman sa kanya si Oliver.

Mabuti naman at hiwalay na sila ng landas ni San Pedro. Nasira na agad araw nya. Di na nya pinansin masyado si Oliver.

Habang nasa byahe papuntang airport ay nagkunwari syang tulog. Napaisip sya sa sinabi ni Peter kanina.

Does Peter know something? Imposible naman ata. Di nito kilala si Oliver. Obvious naman na nung isang araw lang sila nagkakilala.

Pagdating sa airport ay diretso na sila sa boarding area. Mabuti naman at hiwalay na sila ng seat ni Oliver. Sa bandang likod ito ng eroplano. Isang matandang babae naman ang katabi nya.

She fell asleep when the plane took off.

Nang mag landing ay nauna na si Oliver sa kanya. Ito na ang nagdala sa bag nya. Inaantok pa sya kaya di na sya nakipagtalo pa.

Tinext nya na din kanina pa si Blue. On the way na daw.

Paglabas sa airport ay tinungo ni Oliver ang naka paradang motor sa parking space. Naka motor lang pala ito bago umalis nung isang araw.

Sumunod lang sya dito dahil wala pa naman si Blue.

"Ilan ba motor mo?" She asked while eyeing the red motorcycle.

"One. Why?"

"The plate number is different." Pareho ito sa motor na sinakyan nya nung basketball game nila pero iba ang plaka.

My Favorite Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon