CHAPTER 1:
MIA
"Mia uuwi kana?"tanong sa'kin ni ate Aya na aking katrabaho dito sa restaurant na pinapasukan ko.
"Yes po,"naka-ngiti kong tugon rito.
"Be careful Mia ha. Masyado ka pa naman nang gabi palaging umuuwi ta's wala ka pa namang kasama o kasabay man lang. Dilikado na sa panahon ngayon, kaya magiingat ka,"bilin nitong ani na akin na lamang ikinatango at ngumiti sakaniya.
"Thanks ate sa pag aalala. Medyo malapit lang naman dito yung apartment ko. Isang kembot lang d'yan sa kanto andiyan na,"naka-ngiti 'kong sabi pa 'rito.
"Kahit na, lalo pa't iskinita ang dadaanan mo. Basta mag iingat ka. Dapat palagi kang nagdadala ng patalim o kahit na ano na pwedi mong gamitin pang depensa sa sarili mo,"bilin nito na halata talagang nag aalala para sa'kin.
Hindi naman kasi ganito yung shift ko dati. Inaabot lang ako ng six pm at makaka-uwi na'ko agad pagkatapos ng trabaho o minsan mas maaga pa nga.
Pero simula ng maging patok na ang restaurant na aking pinagta-trabahuan ay halos hating gabi na akong nakaka-uwi. Hindi naman ako nagre-reklamo dahil dun, mas natutuwa pa nga ako kasi pumapatok na ang restaurant na pinagta-trabahuan ko. Kapag madaming kita at mag patuloy pang maging patok ang Restaurant ay tiyak na tataas din ang aming sweldo.
Mabait ang amo namin kahit hindi pa gan'un kakilala yung restaurant dati ay nabibigyan niya na kami ng tamang sahod na kaniyang mga empleyado.
Minsan pa nga e' binibigyan niya 'rin kami ng dagdag sa sahod namin kapag alam niyang masipag ang empleyado na 'yun at nata-timing-ngan na malakas din ang kita, kaya naman tuwang-tuwa ako kapag gan'un at mas lalo ko pang sinisipagan sa pagta-trabaho.
"Oo ate Aya, h'wag ka nang mag alala. Sige na po una na'ko sa'yo," akin na lamang paalam 'rito.
"Sige, basta mag iingat ka,"pahabol pa nito na tinanguhan ko nalang bilang tugon at umalis na.
NANG makarating sa aking apartment ng matiwasay ay agad na'kong nagtungong banyo upang maligo at pagkatapos ng mabilisang ligo ay nag bihis na.
Busog ako, kaya hindi ko na kailangan pang mag luto para sa kakainin ko ngayong gabi. Kasi nakakakain naman ako ng maayos sa restaurant na aking pinagta-trabahuan, pasasa pa nga kung minsan kaya sobrang saya talaga ng aking sikmura.
Na akin 'rin naman talagang ikinatutuwa dahil nakaka tipid ako sa gan'ung sitwasyon. Nababawasan ang problema ko sa pagkain. Dahil sa sobrang dami kong bayaran ay malaking tulong na sa'kin ang maka-awas man lang sa gastosin sa pagkain. Mga bayarang minsan ay hindi pa sumasapat sa isang sahuran lang.
Ngunit ang mas iniintindi 'kong bayaran ay ang upa sa aking apartment, dahil kung hindi ako makakabayad ay tiyak talagang sa kalsada ako titira. Buti na lamang at kahit papano'y minsan maintindihin ang aming landlady, sinisingil lamang ako nito sakto sa araw ng aking sweldo. Kahit pa hindi na ito nasusunod sa tamang araw nang pagbabayad ko ng upa.
Nang sa palagay ko'y tuyo na ang aking buhok ay agad na'kong sumalampak sa kama nang naka-dapa, hindi na inintindi ang kung ano mang pustura sa aking pagkakahiga, dahil sa sobrang kapaguran ay gusto ko na lang talagang mag pahinga. Buti na lamang umayon ang talukap ng aking mga mata dahil nang sa pag-pikit ko ay diretso akong nakatulog.
NAGISING ako nang may marinig akong malakas na kumakatok sa pintuan ng aking apartment, na agad ko namang ikina-bangon sa aking kinahihigaan at lumabas ng kwarto upang magtungong pintuan.
Nang pagbukas ko ay agad na bumungad sa'kin ang mukha ng may-ari nitong apartment na alam kong maniningil na siguro , pero wala pa 'kong sweldo dahil inurong ni ma'am ang pasahod dahil may inasikaso ito kahapon.
"Aling Fe pasensiya na po kayo, 'di pa po--"natigilan ako sa pagsasalita ng itaas nito ang isa niyang kamay, senyales na patahimikin ako sa sasabihin ko na ikinakaba ko naman.
Siguro ngayon ay nahalata niyang namumuro na ako, dahil palagi nalang ganito ang dahilan ko satuwing bayaran ng upa. Hindi na nga ako nakaka bayad ontime. Hindi din minsan sakto ang ibinabayad. Baka nga papalayasin na ako nito. Nang dahil sa aking naisip ay agad naman akong nakaramdam ng lungkot, na akin na nga lamang ikina-yuko at naghihintay na lang sa sasabihin ni Aling Fe.
"Hindi ako pumunta rito para maningil. Pumunta ako rito para ipaalam sayo na may makakasama kana sa apartment na ito,"ani nito na agad namang ikinabuhay ng aking eksperesyon at ikinatingin kay Aling Fe , tingin na paninigurado sa aking na dinig.
"Kung ganun po--" 'di na naman ako pinatapos nito sa pagsasalita dahil muling inangat na naman nito ang kaniyang kamay.
"Oo, gan'un na nga. Meron kanang makakasama at maghahati nalang kayo sa upa, kasi alam ko naman na nahihirapan kang magbayad nang buo o minsan wala pa sa tamang araw. Kaya buti nalamang at may nangupahan,"ani nito.
Agad nalamang akong napangiti dahil sa aking nalaman. Tipid sa pera na naman. Tiyak na makaka-ipon na talaga ako para sa pang-enroll ko para sa susunod na pasokan.
"Kailan po ba lilipat ang ka boardmate ko?"tanong ko rito.
"Mamaya 'ring gabi. Kaya linisin mo nalang 'yung isang kwarto para 'di naman nakaka-hiya. At yung bayad mo sa upa alam ko na ang dahilan mo, dating gawi hihintayin ko nalang ang pagsahod mo,"ani nito.
"Salamat po Aling Fe,"naka-ngiti kong ani rito na kaniya na lamang ikina-tango at tuluyan ng umalis.
Matapos nga nang aming pag-uusap ni Aling Fe, agad na'kong nag-asikaso dahil papasok pa 'ko sa aking trabaho.
Hindi ko na pinagka-abalahan pang linisin yung kabilang kwarto dahil malinis naman iyon. Dahil sa tuwing naglilinis ako ay idinadamay ko ito.
Matapos ngang mag asikaso sa aking sarili ay agad na'kong umalis ng aking apartment at dumiretso na sa trabaho.
"GANDA ng ngiti ah. May maganda bang nangyari?"tanong ni Ate Aya nang mapansin ang malawak 'kong pagkaka-ngiti.
"Yes ate, dahil may makakasama na'ko sa apartment at bukod pa dun ay makaka-awas na'ko sa bayarin sa upa,"sabi ko habang naka-ngiti na ikinatango lamang nito.
"Ano ang ka boardmate mo?"tanong nito.
"Tao,"biro kong ani na ikinatanggap ko naman ng batok mula rito.
"Alam kong tao. Ang ibig kong sabihin kung babae ba o lalaki,"
"Aray ko naman. Linawin mo kasi ate. Atsaka di'ko pa alam kung anong klaseng tao ang makakasama ko. Wala pa namang sinabi sa'kin si Aling Fe, basta 'raw lilipat na ito mamayang gabi,"ani ko nalamang.
Pagkatapos nga nang pag-uusap namin ni Ate Aya ay nagpalit na'ko ng uniform pang restaurant. Pagkatapos ay agad na 'kong lumabas upang magtrabaho
---
YOU ARE READING
The Unexpected Heartbeat
RandomMay WARNING kaya mas EXCITING! --- Thank you po sa pag-gawa ng BC ko! AUTHOR: @Sanedrome❤️🤭