CHAPTER 15:
MATAPOS kumain. Ay napagpasyahan na rin agad nila David at nang kapatid nitong umuwi ng bahay. Si Rex naman ay nanatili pa saglit bago na rin nagpaalam kay Deo na kasintahan nito, maging kay Mia na tanging simpleng pagkaway lang ang ginawa at tipid na ngiti.
Back to normal na naman ang lahat para sa dalawang taong naiwan. Pakiramdam ni Mia parang biglang tumahimik ang paligid nang sila na lang dalawa ni Deo ang naiwan.
Pero imbis na intindihin pa ang tahimik na paligid ay nagtungo na lang siyang kusina para hugasan ang kanilang pinagkainan.
Pinapakiramdaman niya rin ang presensya ng taong iniiwasan niya, na sa palagay niya naman nga ay wala na. Baka naka-pasok na ito sa kwarto nito.
Habang matamang naghuhugas ay di maiwasan ni Mia na malungkot.
Hanggang kailan ba magiging ganito ang sitwasyon nila ng binata? Daig pang walang naka-tira sa bahay sa sobrang tahimik. Hindi na tulad no'ng dati na madalas silang mag asaran at magkulitan. Pero ngayon ni isa ay wala man lang nagiimikan.
Mia was startled when someone unexpectedly hugged her from behind and simultaneously rested his chin on her right shoulder while she was in the middle of thinking. Sa gulat niya ay napahinto siya sa paghuhugas at dama niya ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
"Deo..."tanging naisambit niya, dahil alam niyang ang binata ang nakayakap sa kaniya. Ngunit imbis na sagotin ng binata ay mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya at kasabay nito ay ang pagsubsob ng mukha nito sa kaniyang leeg.
Ngunit imbis na intindihing alisin ni Mia ang braso ng binata na nakapulot sa kaniyang bewang ay hinayaan niya na lang. Dahil na miss niya ang presensya ng binata. Sobrang miss niya.
Naramdaman na lang ni Mia ang pagtulo ng kaniyang munting luha sa kaniyang mata ngunit agad niya din iyong pinahid. Hindi pinahalata sa binata ang nararamdaman na lungkot at pangungulila para rito. Sinimulan na nga lang niyang muli ang paghuhugas ng piggan.
Nang matapos na siya ay nanatili pa ring nakayakap sa kaniya si Deo. At balak niya nang alisin ang pagkakayakap nito. But when she was about to remove it, she was surprised when he turned her around and picked her up to sit on the sink.
"Deo, anong ginagawa mo?"gulat na tanong ni Mia rito. At napahawak pa siya sa mga braso nito na nakahawak sa bewang niya. Ngunit imbis na makarinig ng sagot mula sa binata ay tanging pagtitig lamang sa kaniyang mukha ang ginawa nito.
Hindi niya kaya ang klase ng titig na iginagawad ng binata. Kaya napa-iwas siya ng tingin at nagtatangka nang umalis sa pagkaka-upo niya sa lababo.
Nangbitawan nga ng binata ang pagkakahawak sa kaniyang mga bewang ay agad na siyang nagplanong tumalon upang makababa. Ngunit na udlot ang planong dapat niyang gagawin nang bigla na lamang niyang naramdaman ang pagdampi ng labi ng binata sa kaniyang labi. Sa pagkagulat ay hindi agad nakahuma si Mia.
Ngunit imbis na intindihin ni Deo ang reaksyon ng dalaga ay ipinagpatuloy lang nito ang paghalik rito.
Ngunit ng makahuma naman na si Mia sa ginagawa ng binata ay kusang nagsituloan ang kaniyang mga luha. Namiss niya nga talaga si Deo. Matagal din siyang nangulila sa presensya nito. Matagal din siyang nangulila rito. Matagal din na hindi siya pinansin ng binata, na sobrang ikinalungkot niya.
Namiss niya ang lahat sa binata. Kaya imbis na iwasan ang halik ng binata . Kahit na alam niyang bawal ay tinugunan niya ito ng mas maalab. Upang iparamdam sa binata kung gaano niya ito na miss at kung gaano siya muling kasabik na mahalikan ang binata.
Naging maalab ang halikan. Hindi na iniintindi ang magiging resulta o kahihinatnan sa maaaring mangyari sa pagitan nilang dalawa. Ang tanging nasa isip lang ng mga ito ay tugonan ang halik ng isa't isa.
Ngunit maka-ilang minuto lang ang lumipas ay bigla na lang bumitaw si Deo sa pagkakahalik sa dalaga. Agad na tumalikod at naglakad patungo sa kaniyang kuwarto.
Nagulat man si Mia sa ginawa ng binata. Ngunit bakit hindi pa siya nasanay. Palagi nga pala siyang iniiwan ng binatang bitin.
Ngunit imbis na intindihin pa iyon ay bumaba na lang si Mia sa pagkaka-upo sa lababo. At napa-ngiti na lang. Dahil alam niyang natutukso ang binata. Ngunit pilit nitong nilalabanan.
"Mia! May boyfriend ang tao,"suway niya sa sarili dahil tila natutuwa pa siya sa nagiging epekto niya sa binata.
Feeling niya ang sama niya nang tao. Dahil nagkakaroon sila ng ibang lihim na relasyon ng binata.
Agad na lang siyang napasalampak sa sahig at sinabunotan ang sarili. Dahil sa katangahan na naman na ginawa niya.
"Deo, h'wag mo kong pahirapan ng ganito. Nagugulohan na ko,"bulong niya sa sarili. Ngunit ng kalaunay nang matauhan na, ay agad siyang tumayo at tinapos na ang ginagawa.
Matapos nga ng kaniyang mga gawain sa kusina ay napagpasyahan niya na lang pumasok ng kaniyang k'warto. At gugolin na lang sa pagsusulat ang sarili. Ngunit sa gitna nang pagsusulat ay di maiwasan na mag replay sa utak niya ang nangyari.
Ngunit pilit niyang ibinabalik sa reyalidad ang sarili. At mas ipino- focus niya na ang utak sa ginagawang istorya , kesa ang intindihin ang halik na nangyari kanina lamang.
ILANG ORAS din ang kaniyang ginugol sa kaniyang kuwarto at feeling niya na sobrahan ang utak niya sa kakasulat at kakaisip ng idea para dugtongan ang istoryang ginagawa. Kaya masakit sobra ang kaniyang ulo. Agad niyang kinuha ang biscuit na Chocolate flavor at ang tubig sa mesa para iyon ang gawing meryenda niya after niyang makatapos magsulat para sa ngayong araw.
Balak niya man sanang lumabas para maggala, kaso tinatamad siya. Parang ngayong araw sobrang bagal ng oras. At sobrang boring.
Agad niya na nga lang kinuha ang cellphone at tinawagan ang Ate Aya niya, upang ayain ito na maggala. Gusto niya ring mamasyal para maiwasan niya ang mag isip ng kung ano-ano. At iwasan ang taong matutukso siyang gawan na hindi dapat gawin.
Matapos tawagan ang katrabaho ay agad na siyang nag-asikaso ng sarili. Hapon na, pero maganda nga ang oras sa pag-gagala. Dahil hindi na msakit sa balat ang sikat ng araw.
Nang matapos sa pag-aasikaso sa sarili. Ay agad na siyang lumabas ng k'warto. Nakita niya pa ang binata na nanunuod ng TV sa sala at saglit na napalingon sa direksyon niya ngunit agad ding umiwas ng tingin pagkatapos.
Ngunit imbis na magpaalam pa sa binata ay tinungo niya na lang ang pintuan at tuloyan nang lumabas ng apartment.
YOU ARE READING
The Unexpected Heartbeat
RandomMay WARNING kaya mas EXCITING! --- Thank you po sa pag-gawa ng BC ko! AUTHOR: @Sanedrome❤️🤭