CHAPTER 3:

502 37 12
                                    

Chapter 3:

MIA

KINABUKASAN ay maaga akong nagising kaya agad akong bumangon sa aking kinahihigaan at agad na nag-asikaso ng aking sarili dahil may pasok pa 'ko sa aking trabaho. Kaya kahit tinatamad pa man ay bumangon na 'ko at agarang naligo sa CR at pagkatapos ay nagbihis bago tuloyang lumabas ng kwarto.

Saktong paglabas ko ng pinto ng aking kwarto ay agad na nagawi ang aking atensyon sa taong nakasuot lamang ng boxer at ni walang damit pang itaas. Na prenteng naka-upo sa sofa habang sumisimsim ito ng kape at busy sa pagtipa sakaniyang laptop. Kaya siguro hindi agad nito napansin ang aking presensya.

Mula sa aking kinatatayuan sa labas ng aking kwarto ay napatitig ako rito. Pinagmamasdan ko ang kabuuan nito. Kung hindi ko lang alam na binabae o bakla ito ay iisipin ko talagang lalake ito at isang dakilang playboy, dahil sa kag'wapohan ba naman nitong taglay na akin ngang nakikita ngayon ay talaga namang kahit sino ay mapapadalawang lingon, kaya hindi na'ko magtataka kung madaming babae ang nagkandarapa o maghahabol pa rito.

Maging ang katawan ba naman nitong akin 'rin pinapasadahan ng tingin ay mukhang napaka-yummy kung titingnan! Na talaga namang mapapasabi ka nalang sa umaga, na kape nalang talaga ang kulang.

Ngunit bago pa man mapunta sa kung saan o anong kahalayan ang maisip ko, ay agad ko na lamang iniling ang aking ulo upang iwaglit ang mga masasama ko pang iisipin at tumikhim na lamang upang agawin ang atensyon ng bading. Na agad  nga niyang ikina-lingon sa direksiyon ko ng marinig ang aking pagtikhim at napatayo mula sakaniyang pagkaka-upo paharap sa'kin.

Na agad nga namang ikina-init ng aking mukha ng prente ko nang nakikita ang katawan nito. Natutuksong naglandas na naman ang aking makasalanang mga mata sa kahubadan nitong katawan. Katawan nitong nakakatakam na may six pack abs, dibdib nitong mukhang matigas at kay sarap sandalan, gan'un din ang mga balikat nitong siguro ay kay sarap lambitinan at haplosin, maging ang v-line nitong bumabagay sa kahulmaan ng kaniyang katawan. Na'ko jusko po! Napagnanasaan ko na nga ang bading na nasa aking harapan!

Agad ko na lamang binatukan ang aking sarili dahil sa mahalay na pagiisip at agad nalang din na ini-iwas ang tingin mula sa katawan nito na naka-balandra nasa aking harapan, dahil baka 'di na mapigti pa ang kahalayang pumapasok sa aking utak kapag patuloy ko lamang itong tititigan.

"S'an ka pupunta?"biglang tanong nito, na hindi siguro napansin ang pagnanasa ko sa katawan nito kanina lamang.

" To the moon?" biro kong ani dito. "Hehe joke lang. May trabaho ako ngayon e'. Sige aalis na'ko," sabi ko nalamang at hahakbang na sana nang mag salita ito.

"Aren't you going to eat first?"tanong nito na agad ko namang ikina-tingin sakinyang mga mata, iniiwas ang sariling matukso na paglandasan na naman ng tingin ang katawan nito. Napa-iling nalamang ako bilang sagot sa tanong nito.

"Hindi. Wala namang kakainin e'. Doon nalang siguro ako kakain sa restaurant na pinagta-trabahuan ko," aking ani.

" I ordered food. Dalawa pa naman iyon, sayang yung isa kung hindi kakainin," he said referring to the food he ordered.

"E' di pang mamaya mo nalang para di masayang,"sabi ko rito na ikinailing naman nito sa suggestion ko.

"Itatapon ko nalang siguro, ayaw kong kumain ng mga nababahaw na pagkain,"ani nito na agad ko namang ikinasama ng tingin rito ngunit ito'y nagkibit balikat lamang.

Agad ko na lamang binato sakaniya ang bag ko at pumunta na ng kusina. Umupo at agad kinuha ang isang box ng pagkain. Masama kaya ang nagtatapon ng pagkain. Kung para sakaniya ay ayos at madali lang magtapon ng pagkain porket mayaman siya, pero sa'kin hindi pu-pwedi yun dahil alam kong madaming bata ang naghihirap makakain lang ng tama at sapat. Kaya ni katiting ay hindi ako nagsasayang. Tapos siya magtatapon lang ng basta-basta.

Kung tatanongin niyo kung paano ko nalaman na mayaman siya dahil lahat ng gamit at damit niya mga imported. Hindi pang ukay-ukay dahil sa klase ng telang mga suot nito. Maging ang amoy palang halatang yayamanin na. Kaya siguro hindi na rin pinakawalan ito ni Aling Fe dahil mukhang naka jockpot siya sa bading na ito. Mukhang hindi malulugi si Aling Fe sa pagpapa-upa rito dahil halata namang kayang kaya nitong mag bayad ng mas malaki pa sa binabayad na upa kung sakali.

"Bakit kaba dito nangupahan?"naka-kunot nuo kong tanong sakaniya at mababakas ang inis sa aking tono, dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit dito niya napili mangupahan. Na alam ko namang malayo sa kinagisnan niyang buhay.

"Because I know my family can't find me here,"ani nito ng maka-upo na sa harap ko.

"Bakit naman? Nagtatago kaba sakanila?"

"Parang gan'un na nga,"kaniyang ani.

"Bakit mo naman sila pagtataguan?"curious ko pa 'ring tanong rito.

"Kasi ikakasal nila ako sa taong hindi ko  naman mahal,"ani nito at mababakas sakaniyang tono ang galit. Na akin na nga lamang ikinatango pahiwatig na naiintindihan ko siya. Dahil kung sabagay nga naman mahirap  para sakaniya iyon. Ang magpakasal sa taong hindi niya naman talagang mahal. Hindi naman kasi larong kasal-kasalan lang ang pagpapakasal. Kailangan mahal na mahal at sigurado na kayo para sa isa't isa dahil sa pagpapakasal hindi lamang ito basta-basta , dahil paghihinge niyo  iyon ng basbas mula sa Panginoon para sainyong pagsasama na panghabang buhay.

Kaya naiintindihan ko siya dahil marami na 'rin akong nabasang gan'ung  story, na siniset-up or ina-arrange marriage  ng mga  magulang ang kanilang mga anak. Kung sa wattpad may happy ending ang mga gan'ung story, ibahin niyo sa reality dahil sad'yang mapait ang tadhana.

Bawal silang magsama ng babae sa iisang bubong, sa kadahilanang masasaktan lamang niya ito. Masasaktan niya ito hindi lang dahil sa hindi niya ito mahal kundi sa pag-aming lalake rin ang tintitibok ng kaniyang puso.

"Bakit kasi hindi mo nalang ipaliwanag sa parents mo ang dahilan. For sure naman papakinggan ka nila kasi anak ka nila,"aking ani sabay subo na naman sa aking pagkain.

"Ibahin mo ang parents ko, because what they want must be followed, so I had no choice but to run away.  And I chose to rent here because I know they can't think that I will live in this kind of place, "ani nito at napatango-tango nalamang ulit ako.

"Ilang years na kayo ng boyfriend mo?"biglaang tanong ko na agad niya namang ikina-ubo at napapa-himas pa ito sakaniyang dibdib na parang nabibilaukan siya.

"Okay ka lang?"nag aalala kong tanong rito, na tinanguhan niya lang at kumuha siya ng tubig at uminom bago ako sagotin.

"One year? Yeah, one year na,"ani nito na parang kinukumbinsi ako o ang sarili niya dahil sa naging sagot nito.

"Nagka girlfriend ka ba muna bago ka nagka boyfriend?"tanong ko ulit.

"Ahm hindi. Wala akong ni isang naging girlfriend,"ani nito.

"Sayang talaga,"wala sa sarili kong nasabi.

"Huh? Bakit?Anong sayang?"nagugulohang tanong nito.

"H-huh? Wala... Sabi ko sayang talaga tong pag-kain kapag tinapon lang ang sarap pa naman," akin na lamang ani rito. "Nga pala bakla kung aalis ka man paki-sara nalang ng maayos ng pinto. Ito nga pala ang isang susi ng bahay, para sa oras na umalis ka ay mailock mo ito. Sige na't aalis na'ko dahil baka malate pa ko sa trabaho,"dugtong ko pang ani sakaniya. Nang masimot ko na nga ang pagkain at maka inom na ng tubig, ay agad na'kong tumayo para maka-alis na.

"Sige ingat. Friends na tayo ah?"ani nito.

"Pag iisipan ko," nasabi ko na lamang bago tuloyang umalis ng apartment.

---

The Unexpected HeartbeatWhere stories live. Discover now