CHAPTER 18:
PAGGISING ni Maily kinabukasan ng madaling araw ramdam niya ang sakit ng kaniyang katawan. Sakit na alam niya kung bakit. Kaya bigla na lang niyang nasampal ang sariling mukha dahil doon lamang nagsink-in sa utak niya ang kagagahan na kaniyang ginawa.
Maingat niyang inalis ang mga braso ni Deo na nakapulupot sa kaniya at dahan-dahang umalis sa kuwarto nito. Imbis na mabawasan ang problema niya ay lalo lamang nadagdagan. Because she slept with him. Walang kasiguradohan ang relasyon nila at hindi rin naman siya sigurado sa kung anong nararamdaman sa kaniya ni Deo. But she made a stupid decision na hindi niya na maibabalik pa.
Wala na ang pinaka-iniingat-ingatang bagay. Hindi siya nagsisisi dahil ibinigay niya iyon sa taong mahal niya, but she promised to her self, that she will give her virginity after marriage, pero hindi na iyon mangyayari ngayon.
She wiped the tears that fall on her face. Before she go to her room. Nakita na niya ang mga nakahandang maleta para sa pag-alis niya. Inihanda niya na iyon kagabi pa , kung sakali man na mas mapabilis pa ang pag-alis niya.
Siguro nga ito na ang pinaka-mabisang paraan para tuluyang maka-iwas sa lalakeng hindi niya kayang tanggihan. Isang mabisang tukso na mahirap iwasan.
Mahirap na mananatili pa sila sa iisang lugar. Kung pareho pa rin nilang gagawin ang bawal na relasyon.
Mabait si Rex at alam niyang deserve nito ang totoong pagmamahal na dapat ibinibigay ni Deo. Ngunit para mahinto ang ano mang magiging bahid na problema para sa dalawa, she give way to leave from the story that she knows, she's not belong to it.
Kung tutuosin , sa kuwentong ito ay para siyang isang kontrabida sa sarili niyang story na nilikha.
ALAS-SYETE ng umaga ng matingnan ang oras sa kaniyang cellphone. Malapit na siya sa lilipatang apartment. Malayo man sa City ay at least sa palagay niya doon niya na ulit sisimulan muli ang bagong kabanata ng buhay niya.
New chapter, new beginning...
Ang katrabaho niyang si Ate Aya ay nalungkot sa pag-alis niya ng biglaan, pero alam niya rin naman na suportado ito sa kung anumang desisyon niya sa buhay. Mahirap man mapalayo sa mga taong napamahal na sa kaniya ay wala na siyang magagawa pa.
Si Dave ay tinext niya na lang, pero hindi niya binigay ang bagong address na kaniyang lilipatan. Gusto niyang mamuhay sa lugar na ni-isang walang nakakakilala sa kaniya.
Nang makarating sa bagong tutuloyan ay maluwag naman siyang tinanggap ng may-ari ng paupahan. Hindi naman ito mahigpit, na kaniya namang ikina-tuwa. Nang mailibot ang tingin sa buong apartment ay napangiti na lang siya.
Bagong apartment, bagong pupunan ng alaala.
Kailangan niya na rin agad talagang simulan ang paghahanap ng trabaho bukas na bukas din. Dahil wala siyang sapat na ipon para magtagal na hindi magtrabaho.Hindi rin naman siya mayaman at wala siyang pamilya na magsusustento sa kaniya. Mag isa na lang siya sa buhay kaya kailangan niyang sipagan.
Bago pa sa kung saan mapunta ang kaniyang pag-iisip ay naisipan niya na lang bitbitin ang kaniyang mga gamit sa kaniyang kuwarto para maiayos na ito. Nang maisalansan nga ang mga damit sa cabinet at ng maiayos ang kuwarto na kaniyang pagtutulogan ay agad na siyang lumabas ng kusina, para doon naman magsimulang mag linis. Sapat lang ang laki ng kaniyang kusina at sala. Hindi katulad sa dati niyang apartment. Pero ayos naman itong bago niyang nilipatan. Sapat lang ang kwarto, dahil mag isa lang naman siya. Hindi niya kailangan ng malaki at saka wala siyang pera pambayad sa ganoong apartment. Maliit na apartment, kaya maliit rin ang upa.
Matapos sa ginawang paglilinis ay naupo siya sa sofa sa sobrang pagod. Sofa na halatang naluma na, hindi lang inaalis siguro ng may-ari dahil pwedi naman pag-tyagaan. Kung sa bagay, pwedi niyang lagyan lang to ng cover maganda na ulit sa paningin ito. Pero bago niya gawin iyon ay kailangan niya munang magpahinga.
Hindi niya namalayan na sa sobrang kapaguran na nararamdaman niya ay nakatulog siya sa pagkakaupo sa sofa. Mag-gagabi na ng magising siya. Masakit ang batok niya ng mag-unat.
Agad na lang siyang tumayo mula sa pagkakaupo bago naisipang mag-tungo sa kaniyang kuwarto para kumuha ng damit at maligo. Bago pa siya magpasyang lumabas para mamili ng mga gagamitin niya sa bagong nilipatang apartment.
------
SA PAGMULAT ng mga mata ni Deo ay agad na hinanap ng paningin niya si Mia. Nagulat na lang siya na hindi niya na ito katabi. Ngunit panatag lang naman siyang nasa loob lang ng bahay ang dalaga. Napa-ngiti pa siya sa mga ala-alang pinagsaluhan nila ng gabi. Alam niyang ng mga sandaling iyon ay nakapag-isip na siya ng tama. Tama ang naging desisyon niyang hiwalayan si Rex alang-alang kay Mia. Dahil ayaw niya ng mawala pa si Mia sa piling niya. Babaeng hindi niya akalain na siyang magpapabago sa kaniya. Babaeng hindi niya akalaing magpapatibok sa inakalang lalake ang makakagawa sa kaniya. Si Mia na alam niyang ito lang at tanging makakabuo ng pagkatao niya.
Sa ngayon ay pagod na siyang magdeny sa sariling ginugusto--- no! Pagod na siyang magdeny na hindi niya mahal si Mari. He knows he feels guilty about Rex, but he can't afford to lose Mia from his life.
Agaran na siyang bumangon sa kaniyang higaan. Ibinalot lang ang sarili ng tuwalya. Agad niyang tinungo ang kuwarto ni Mia para sana katokin ito at ayain na sa labas na lang sila kakain ngayong umaga. Ngunit taka siyang bukas ang kuwarto nito at sa pagpasok niya ay gan'on na lang ang panglulumo niya ng mabungaran kung gaano na kalinis ang kwarto nito. Nagpapahiwatig na iniwan siya nito. Agad siyang napahawak sa nuo niya at nag-iisip ng kung may mali siyang nagawa. He knows he did something wrong. And that is letting Mia fall under his arms and indulge in what he knows is forbidden affection. Perhaps the young lady may have thought what they did was not right because Rex was still Deo's partner. But the truth is, wala na sila ni Deo ng gabing iyon. Pinili ni Deo si Mia dahil alam niyang iyon ang tama.
At naiintindihan ni Rex ang nararamdaman niya para sa dalaga, dahil ramdam pa lang nito sa una pa lang na ang babae ang siyang makakapagpa-ibig kay Deo at makakapagpamulat rito sa katotohanan. Alam ni Rex nang pinasok pa lang nila ang relasyon nilang dalawa ni Deo ay hindi pa buo ang loob ni Deo. Na alam niya kalaunay mare-realize nitong hindi talaga siyang purong lalake din ang iibigin, dahil nalilito lang ito sa pag-aakalang lalake lang din ang option para takasan ang pamilya nito. Alam naman ni Rex ang totoo at alam niyang napamahal na sa kaniya si Deo, pero sino ba siya para hayaang manatili ang taong mahal niya sa kaniya, kahit alam na niyang may minamahal na itong iba. Naging mabuting kasintahan din si Deo sa kaniya at alam niya nagawa lang nitong mali ay ang ilihim sa kaniya ng matagal na may minamahal na itong iba. But now na naka-amin na si Deo ng totoo nitong nararamdaman he choose to let him go. Nang sa ga'yon ay maging panatag ang nararamdaman nito para sa dalaga, dahil alam naman niyang ang desisyon niya lang ang hinihintay ni Deo para hindi ito makaramdam ng pagka-guilt para sa kaniya. Masaya siya para sa binata, kahit masakit sa parte niyang iiwan siya nito pero iyon din ang tamang desisyon para sa kaniya.
Agad kinuha ni Deo ang cellphone sa kaniyang kuwarto para tawagan si Mia, pero hindi niya ito ma-contact. Sinadyang patayin ang telepono, marahil para hindi siya nito kausapin.
Nanghihina niyang naibaba ang phone. Ngunit ng mag-ring iyon sa pag-aakalang si Mia ay agad niyang sinagot.
"Mia, where are you? Please tell me where you are, I'm going crazy thinking about---"
"Who's Mia, Son?"putol sa kaniyang pagsasalita ng kabilang linya. Agad na bumalik ang sakit na nararamdaman ni Deo. Dahil bigong hindi si Mia ang taong tumawag sa kaniya.
"Mom."tanging na banggit ni Deo. At tila siya batang nagsumbong ng bigat na nararamdaman sa Ina. Wala siyang tinirang detalye ng magkuwento siya rito.
"Sige, anak. Umuwi ka na. Miss ka na namin dito." ani na lang ng Ina ni Deo ng sa ga'yon para siguro malaman niyang may mauuwian pa rin siyang mga taong nag-aantay lang sa pagbabalik niya.
"Yes , Mom. Uuwi na po ako."ani niya sa naiiyak na tinig at agad ng binaba ang telepono.
Agad niyang inilibot ang tingin sa buong kabahayan. Habang bumabalik ang mga ala-ala niya kasama ang dalaga. Nagpalipas muna siya ng ilang minuto bago magpas'yang tuluyan ng pumasok sa kaniyang silid at maligo sa kaniyang banyo.
Matapos maligo ay napagawi pa siya sa salamin. Bakas ang kalmot sa mga braso at kagat ni Mia sa ibabaw ng balikat niya habang inaangkin niya ito kagabi. Ngunit ang mga ala-alang iyon na pinagsaluhan nila ay tila magsisilbing masasakit na ala-ala dahil iyon ang kahuli-hulihang ala-ala niya kasama ang dalaga.
YOU ARE READING
The Unexpected Heartbeat
RandomMay WARNING kaya mas EXCITING! --- Thank you po sa pag-gawa ng BC ko! AUTHOR: @Sanedrome❤️🤭