Chapter 9:
MIA
KINABUKASAN ay maaga akong umalis ng bahay upang pumasok sa aking trabaho kahit pa masama ang aking pakiramdam. Pakiramdam ng aking puson na pilit umaatake ang kirot.
First day ng menstruation kaya ganito ang atake sa unang araw, hanggang sa pangalawang araw ito panigurado. Kaya kahit na may iniindang sakit ako ngayon ay pinili ko pa ring pumasok dahil kailangan. Nakakahiya na kay Deo kung pati pang upa ng bahay ay sakaniya ko nalang din iaasa. Nalilibre na nga ako sa pagkain pati ba naman sa mga bayarin kailangan ko pang magpalibre. Alam kong may mga ipon ako pero di ko yun pweding galawin dahil para 'yun sa pangarap ko.
Ngunit ang maaga kong pagpasok ay siya namang maaga ko ring pag uwi ng bahay dahil pina-uwi na ako ng aking amo dahil sa sinabi ni Ate Aya rito na ako'y namumutla , kaya tanghali palang ay na sa bahay na'ko.
Gulat pa si Deo ng makita akong tanghali palang ay naka-uwi na ng bahay. Ngunit imbis na magtanong pa ito ay mas lalo lamang nangunot ang nuo nito ng makita ang aking itsura. Itsura na mahahalata mong may iniindang sakit.
"Anong nangyari sayo?"nag aalalang tanong nito at agad na nilapitan ako.
"Masakit lang ang puson ko bakla,"mahina kong ani na halata sa boses ko na may iniindang kirot. "Pasok lang ako sa kuwarto ko,"dagdag ko pang ani na hindi niya na lamang ikina-tugon bagkos alam kong hinatid lamang ako nito ng tingin hanggang sa makapasok ako sa aking kuwarto.
Nanghihina akong napahiga sa kama at kasabay nito ang pagtulo ng aking luha dahil talagang sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Narinig ko na lamang ang pagbukas at sara ng pinto ng kwarto ko at alam kong si Deo ang dahilan ngunit diko na lamang ito pinansin. Isinubsob ang aking mukha sa aking unan dahil ako'y nakadapa para 'di nito makita na umiiyak na ako.
Naramdaman ko na nga lamang ang pagupo nito sa gilid ko.
"Mia, anong kailangan kong gawin?"ani nito na mababakas tlga ang pag-aalala sa kalagayan ko ngayon.
"Wala. Kailangan ko lang mapag-isa," aking ani rito.
"Okay. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka,"ani pa nito bago tulyan nang lumabas ng aking kwarto.
Mga ilang oras din akong nagdamdam hanggang sa namalayan ko na nga lang, na ako'y nakatulog pala. Nagising lang ako ng marinig kong bumukas muli ang pinto ng kwarto ko. Kaya agad na akong napabangon sa pagkakadapa ng higa at napaupo na lamang sa kama upang harapin si Deo, na ngayon nga ay may dalang tray ng pagkain para sa'kin.
"Kumain kana nalipasan kana ng gutom,"kaniyang ani.
"Salamat,"aking tipid na ani rito at kinuha ang tray mula sa sakaniya.
"Bakit sumakit ang puson mo? May menstruation ka ba?"kaniyang tanong na akin namang ikina-tango. "Anong gamot ang iniinom mo para d'yan?"
"Wala. At'saka hindi ko rin hilig uminom ng gamot. Huhupa rin 'to mamaya,"aking ani. Kahit na minsan ay napapangiwi nalang ako dahil sa pasulpot-sulpot na sakit.
Nang matapos nga akong kumain ay kinuha niya ang aking pinagkainan at muling lumabas ng aking kwarto. Sa paglabas niya namang iyon ay umupo na lamang ako sa ulohan ng aking kama upang ako'y makasandal. Ipinikit na lamang ang aking mga mata habang may naka-patong unan sa aking puson.
Mga ilang minuto pa lang ang nakalilipas ay narinig ko na naman ang pagbukas ng pinto ng aking kuwarto. Ngunit 'di ko na lamang ito pinansin at pinanatiling pikit ang aking mga mata.
YOU ARE READING
The Unexpected Heartbeat
RandomMay WARNING kaya mas EXCITING! --- Thank you po sa pag-gawa ng BC ko! AUTHOR: @Sanedrome❤️🤭