CHAPTER 20:

239 7 3
                                    

6 MONTHS LATER...

"SIGURADO ka bang kaya mo pa, Ija. Baka delikado na sa pagbubuntis mo kung ipagpatuloy mo pa itong pagta-trabaho mo rito. You can come back once you've given birth and you're ready to work again,"ani ng manager ng coffee shop na kaniyang pinagta-trabahuan. Dahil palagay nito ay ikakasama ng pagdadalang tao niya kung mananatili siyang magtatrabaho lalo na't, akala ay maselan ang pagbubuntis niya.

Dahil nung isang araw lang ay nahimatay siya. Hindi naman dahil sa pagod sa pagta-trabaho , pero dahil sa init ng panahon at nalipasan kasi siya ng gutom. Hindi siya nakakain agad sa oras dahil dinagsa sila ng customer nung linggo. Saturday and Sunday ay dagsaan ng tao, kaya asahan na walang pahinga ang mga staff sa coffee shop. Lahat kikilos ng mabilisan para lang walang magreklamong customer.

Nasabi rin ng kaniyang Manager na matagal na nitong pansin ang paglobo ng t'yan niya. Ngunit hindi lang siya nito tinanggal dahil napaka-sipag niyang empleyado at napaka-dedekado pagdating sa trabaho.

Nung araw na nahimatay siya ay doon lang nakitaan ng amo na baka hindi maganda sa pagbubuntis niya ang kaniyang pagta-trabaho.

Ngunit desidido siya magtrabaho pa ng mga ilang buwan, bago siya manganak dahil hindi pa sapat ang kaniyang ipon. Mangangako siyang hindi na mauulit ang insidente para lang mapagbigyan pa siya ng ilang buwan para makapag-ipon. Kailangan niya lang talaga ng trabaho dahil mag isa na lang siya sa buhay. Siya lang mag-isa ang siyang magtataguyod para sa sarili at sa magiging anak.

Kaya naman naiintindihan ng kaniyang amo ang sitwasyon niya, dahil single mother din ito. Buti din kahit alam din ng kapwa staff niya ang tungkol sa pagbubuntis niya. Kahit huli  na ng mga ito nalaman ay hindi naman ito nagbalak magtanong o husgahan siya.

Hindi man lang din niya nakitaan ng pagka-dismaya ang dalawang taong napalapit na sa kaniya sa coffee shop, bagkos ay nag aalala pa ang mga ito sa kalagayan niya at sa baby na nasa sinapupunan niya.

Natutuwa siya dahil may mga tao pa palang handang magh-malasakit sa kaniya at lalo na sa anak niya.

"Ma'am, kaya ko pa naman pong magtrabaho. Sadyang sa init lang po ng panahon kaya ako nahimatay po n'on,"ani niya sa isa sa mga dahilan nga naman kung bakit siya nahimatay.

"Are you sure? Okay sige... Pero paghindi mo na kaya at nasa kabuwanan mo na. Wala akong magagawa kundi patigilin ka muna sa pagta-trabaho. Dahil para rin naman iyon sa kalagayan mo. I hope na maintindihan mo ko?"ani ng kaniyang amo na tila pagbibigyan pa siya.

"Opo, Ma'am. Thank you po talaga,"ani niya at naiiyak sa tuwa dahil sa sinabi ng amo.

Ang mga buntis talaga napaka-emotional . Kaya imbis na malungkot din ang amo dahil sa pag-iyak niya ay natawa ito at niyakap siya.

Kabado, masaya at thankful siya ng araw na 'yon dahil hindi niya ini-expect na gan'on ang magiging resulta. Akala niya magiging malala ang sitwasyon sa oras na malaman ng amo at mga katrabaho niya ang sitwasyon niya. Pero bagkos nga na masaklap ang mangyari ay kabaliktaran ito.


MAAGA SIYANG pinauwi ng kaniyang amo ng araw  na 'yon, para makapagpahinga siya ng maaga. Ilang buwan na lang at kapanganakan niya na. Tiyak na mas mahihirapan na siyang kumilos sa mga susunod na buwan. Ngayon pa nga lang ay pinipilit niya na lang ang sarili na mag trabaho dahil walang ibang bu-buhay sa kaniya kundi ang sarili niya. Buti na lang malakas ang kapit ng baby. Mahirap man ang sitwasyon niya ay gagawin niya ang lahat para malampasan iyon.

Nang makapasok ng kaniyang apartment ay agad niyang nilapag ang kaniyang bag sa sofa. Agad na nag-tungo sa kaniyang kuwarto para kumuha ng pamalit na damit. Matapos nga ay agad siyang nag-tungo ng banyo para linisan ang sarili bago lumabas muli ng kaniyang kuwarto para naman mag asikaso ng kaniyang kakainin.

Ubos na naman ang stocks ng kaniyang pagkain. Mas lamang ang mga cun goods at mga noodles kesa sa mga masusustansyang pagkain. Alam niyang masama iyon , kung gan'on lang lagi ang kakainin niya, pero wala siyang choice. Ngunit dalanganin niya na sana malusog ang bata sa oras na ito'y kaniyang mailuwal.

Habang nagbabalak na naman kumuha ng cup noodles sa kabinet ay bigla na lang may kumatok sa pinto ng apartment niya. Akala niya ang landlady ngunit pagka-bukas niya ng pinto ay malawak na ngiti ng dalawang tao ang bumungad sa kaniya at may mga bitbit pa ang mga ito.

"Hello, Mia. Makikituloy kami,"ani ni Zander at nagdiretsong pasok sa pamamahay ko. Hindi na inintindi ang sasabihin ni Mia at nagdire-diretsong pasok na sa loob patungong sala.

"Hay na'ko! Ang kapal talaga ng mukha mo, basta-basta ka na lang pumapasok,"ani ni Flore na sinundan si Zander sa sofa at naupo, pero bago 'yon ay hinampas niya muna si Zander sa braso.

"Aray ah!"reklamo ni Zander.

Naiwan naman si Mia na tulala sa may pintuan dahil nagtataka siya na andito ang dalawa. Ni hindi niya rin naman inimbitahan ang dalawa. Ngayon lang din ang mga ito nagbalak pumunta sa pamamahay niya at hindi niya pa ini-expect iyon ngayon. Napukaw lang ang diwa niya ng tawagin siya ng dalawa.

"Mia, tara na dito,"aya pa ni Flore sa kaniya na akala mo ito ang nakatira sa pamamahay niya. Natatawa na lang talaga siya sa inaakto ng dalawa ngayon. Agad nga siyang sumunod patungo sa mga ito at naupo sa tabi ni Flore sa sofa.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Binisita ka na'min. At may mga dala din kaming food para sa'yo pati prutas para sa baby mo,"ani ni Flore at pinakita ang laman ng supot na dala ng mga ito.

"Salamat, pero sana 'di na kayo nag-abala."nahihiyang ani ni Mia.

"Na'ko! Ano ka ba , Mia. Sa panahon ngayon wala nang hiya-hiya , pakapalan na ng mukha. Atsaka kaibigan mo rin kami hindi lang sa trabaho,"ani ni Zander.

"Tama!"sang-ayon pa ni Flore kay Zander.

"Thank you talaga. Ano nga pala naisipan niyo na pumunta dito?"tanong ni Mia sa mga ito.

"Wala lang. Sa tagal kasi na'ting magkakaibigan. Ni hindi mo kami ini-invite dito sa apartment mo. Kaya kami na gumawa ng paraan. Ininvite namin ang sarili na'min kaya andito kami,"sagot ni Zander.

"Hahaha. Mga loko. Ano ngang ginagawa niyo dito?"

"Gaya nga ng sinabi ni Zander. Gusto lang din na'min makapunta sa apartment mo at mabisita ka. Sa tagal nga na'tin magkakaibigan. Ni hindi mo man lang kami binalak isama sa apartment mo. Kala namin nahihiya ka sa loob ng pamamahay mo. Iyon pala maayos naman pala 'tong bahay mo. Cute at malinis pa tingnan. Halatang maalaga ka sa lahat. Panigurado inaalagaan mo rin asawa mo dati..."ani nito habang inililibot ang mata sa loob ng apartment ni Mia, ngunit ng banggitin niya ang panghuli ay saka siya tumingin sa gawi ni Mia.

Si Mia naman imbis na sagotin ang sinabi nito ay umiwas lang siya ng tingin. Iniiwas ang sarili  sa maaaring tanong na alam niyang mahirap sagotin. Ayaw niyang magsalita na alam niyang ikakahiya niya. Wala naman siyang asawa. Hindi naman siya asawa si Deo. Ni wala nga silang label e'.

Nakakahiya sabihin na nagpabuntis lang siya sa lalakeng may iba namang mahal. Ang masaklap pa ay siya ang may kasalanan. Ginusto niya. Parehas nilang ginusto ang nangyari . Kinargo niya lang ngayon lahat ng kasalanan dahil hindi naman obliga ni Deo iyon. Hindi siya obliga ni Deo para siya ang unahin kesa sa kasintahan nito.

"Sorry , Mia."biglang pagpa-umanhin ni Flore , dahil alam siguro nito na na-ilang at 'di na naka-imik si Mia ng banggitin niya ang salitang asawa.

"Okay lang. H'wag na lang na'tin pag-usapan mga ganiyang personal na bagay. Pasensya na rin kayo dahil hindi rin pa ko handa na i-share mga problem ko sa buhay,"ani na lamang ni Mia at tipid na ngumiti sa dalawa.

"Tara nga dito , Mia. Gusto kitang i-hug,"ani ni Flore at agad na lumapit kay Mia para mag bigay ng mahigpit na yakap.

"Andito lang kami , Mia. Hindi ka na mag-iisa,"ani pa ni Zander habang tinitingnan lang sila ni Flore na magkayakap.

"Thank you , sainyo."naka-ngiti niyang ani sa dalawa at tinugonan ang yakap ni Flore. Ngayon lang nalaman ni Mia na ganito pala sila ka-sweet na maging kaibigan.

Nakakaramdam ng saya ang puso niya ngayon kahit papano, dahil sa palagay niya may mga kaibigan na siyang and'yan para sa kaniya. Handa siyang suportahan at alalayan sa mga desisyon niya sa buhay. And she's very thankful to have them. Thank kay God kasi nakilala niya ang ganitong klaseng mga kaibigan.

The Unexpected HeartbeatWhere stories live. Discover now