CHAPTER 21:
Mia was in the final stages of her pregnancy, finding every movement increasingly difficult.
As agreed with her employer at the coffee shop where she worked. Mia had stopped going to work. Dahil alanganin na sa pagdadalang tao niya. Lalo na at araw o oras na lang ay manganganak na siya.
She considered finding other ways to occupy herself, perhaps even looking for opportunities to earn money while she was temporarily unemployed. Mia felt desperate to save enough for herself and her child. She knew it could be months or even years before she could return to work, so she hoped the savings she had carefully accumulated would be enough for them both.
Ayaw niya pa ring sumuko. Ngayon pa na kabuwanan at mailuluwal niya na ang kaniyang anak. She knew she had to be strong and face whatever challenges fate threw at her. Kahit mag isa lang siya ay sisiguradohin niyang matataguyod niya ng maayos ang anak niya.
"Kung alam lang ng Daddy mo ang tungkol sa'yo. Tayo kaya ang pipiliin niya? Ano kaya magiging kapalaran na'ting dalawa sa piling niya?"biglaang tanong ni Mia sa sarili at napabuntong hininga na lang as thoughts of Deo, the father of her child, once again filled her mind.
Ni minsan ay hindi nawala sa isip ni Mia si Deo. Pilitin niya man na limutin na ang binata at mamuhay ng normal , gaya ng dati na hindi niya pa nakikilala ang binata. Ay hindi na mangyayari dahil sa tuwing iniisip siyang nagdadalang tao siya at gawa ng hinayaan niyang may mangyari sa kanilang dalawa ni Deo ay hindi na rin talaga mabubura sa kaniyang isip si Deo. She really loves him. Kahit pa alam niyang siya lang ang nakaramdam ng pagmamahal sa binata.
Bakit kasi sa dinadami ng lalakeng p'wedi niyang mahalin at gustohin. Doon pa sa lalakeng malabong mahalin siya pabalik at gustohin siyang makasama...
Ang nangyari sakanila ay isa lang pagkakamali. Dala ng kalasingan na maging siya ay hindi na awat ang sarili sa bugso ng init ng damdamin. Nawala sa isip niyang mali. Kaya ang consequence na nararanasan niya ngayon ay kabayaran sa ginawa niyang paninira ng relasyon ng iba.
Marahan niyang hinahaplos ang kaniyang t'yan dahil tila kumikirot-kirot na ito. Nanalanganin rin siya na sana, normal niyang maipanganak ang bata.
"Baby... H'wag mong papahirapan si Mommy, huh? Please lang, baby. Natatakot ang Mommy,"kausap niya sa t'yan niyang alam niyang araw na lang o oras ay maipapanganak niya na ang kaniyang anak.
Alam niya ang hirap ng sitwasyon niya. Lalo pa't alam niya na ang kalahati ng buhay niya ay maaaring nasa bingit ng kamatayan. Pero nawa'y parehas silang maging ligtas ng kaniyang anak. Wala man si Deo sa tabi niya habang isinisilang niya ang kanilang anak ay kakayanin niya. Kahit mag isa lang siya ay alam niyang makakayanan niya. Pero kung sakaling lumagay sa alanganin. Nawa'y may maka-alam sa kalagayan niya at sabihin mismo kay Deo ang tungkol sa anak nila.
Habang madaming gumugulo sa isip ni Mia. Ay huminga na lang siya ng malalim at inabala na ang sarili sa paggawa ng iba pang gawaing bahay at bago mag simulang magsulat muli. Dahil inuukupa lang ng mga negative taughts ang kaniyang isipan. Baka mapanganak pa siya ng wala sa oras dahil nagpapaka-stress siya.
HAPON na ng maisipan niyang lumabas para maglakad-lakad. Pero taka siya ng makalabas ng bahay ay tila may tao nang nakatira sa kalapit niyang bahay na matagal din na-tengga mag mula ng dumating siya sa lugar na iyon. Hindi niya napapansin ang kalapit bahay ng ilang araw. Kung kailan ito nakalipat roon?O siguro kasi kaya hindi niya napapansin dahil na rin sa busy siya at lagi lang siyang naglalagi sa loob ng kaniyang apartment. Kaya ng paglabas niya ay ngayon lang niya nakita na mukhang may naka-tira na roon. Napa-ngiti na lang siya ng isipin na kahit papa'no ay may kalapit na siyang kapitbahay. Kabilang bakod halos sa nakatayo niyang apartment.
Alam niyang pinili niya ang ganitong tahimik at medyo malayo sa mabahay na lugar. Dahil gusto rin niyang maging ilag sa mga taong maaaring husgahan ang pagkatao niya. Pero ngayon hindi na rin masama kung magkakaroon siya ng kapitbahay. Bago lang ito kaya palagay niya ay makakasundo niya iyon.
SA MALAPIT na park nag-tungo si Mia. Dala na rin siguro ng pagbubuntis niya kaya hirap na siyang makalakad ng mas malayo pa bukod sa park. Pinili niyang maglakad-lakad habang nakatanaw sa mga batang naglalaro kasama ang mga Yaya at ang iba ay mukhang magulang ng mga ito. Nang matyempo din ang mga mata niya sa isang pamilya , kung saan kompleto ang mga ito habang masayang nagkukulitan ay napa-ngiti na lang din siya at may kirot sa pusong sana paglabas ng kaniyang anak at mamulat na sa reyalidad. Nawa'y may tatay itong mamumulatan para hindi nito maisipang iniwan o pinabayaan lang siya ng ama. Pero siguro habang lumalaki at nagkaka-isip na rin ang kaniyang anak ay ipapa-intindi niya na lang ang sitwasyon na sa alam niyang tama at madaling paraan. Alam niyang masyado na siyang advance mag-isip pero hindi niya maiwasang sumagi sa kaniyang isipan na baka maghanap at makaramdam ng pangungulila at pagkalinga ng isang ama ang kaniyang anak balang araw.
Napapabuntong hininga na lang siya sa na-isip at marahang hinahaplos ang tiyan. Nang palagay niya ay hindi na nagiging maayos ang pakiramdam niya, dahil tila nagiging emotional na siya sa lugar na iyon at naisipan niya na lang bumili ng sorbetes para habang naglalakad pauwi ng apartment ay may nginunguya siya.
BAGO pa man tuluyang makapasok ng apartment si Mia ay nahagip ng mata niya ang papalabas na mukhang nakatira sa kalapit bahay niya. Napansin siguro ng dalagang papalabas ang prisensya niya kaya napalingon ito sa gawi niya at napa-ngiti sa kaniya.
Ngiti lang din ang itinugon niya. Bago tuluyang pumasok sa loob ng apartment.
Nagtungo siya sa agad sa kaniyang kuwarto para mag half bath nang makapagpalit na ng maisusuot ng damit. Matapos ay agad na ding nagtungo ng kusina para magluto.
Nahinto lang siya sa ginagawa para pagbuksan ang taong kumatok sa labas ng bahay niya. Nang mabuksan iyon ngiti ng kapit bahay niya ang bumungad na may dalang pagkain. Mukhang pang desert dahil halata ito sa tupperware. Mukhang mango graham na nagpatakam sa kaniya.
"Hello my neighborhood. I'm Vien. May dala akong dessert for you. Alam mo naman na siguro na ako ang nakatira d'yan sa kabila."naka-ngiting sabi nito.
"Yeah. Welcome pala sa lugar na ito. Mabuti na lang may kalapit bahay na'ko. Halata sa'yo na galing kang City. Gusto mong pumasok?"pag-aaya niyang tanong.
"No thanks. Maybe tomorrow. Naglilinis pa kasi ako sa kabila. Masyado pang makalat. Nagdala lang talaga ako ng dessert for you at sa baby sa tummy mo."naka-ngiti niyang sabi. Bago na nagpaalam na mauwi na sa bahay nito.
Naka-ngiti niyang binitbit ang dessert na dala nito sa kusina at inilapag sa mesa. Bago ipinagpatuloy ang pagluluto. Matapos ngang magluto ay kumain na rin siya at tinikman din ang dessert na dala ng kapitbahay para maging panghimagas niya at natutuwa siya sa sarap ng mango graham.
Marahan niyang hinaplos ang tiyan dahil mukhang nagustohan din ng anak ang kinakain niya. Ilang araw na lang at manganganak na siya. Kaya masaya siya, na medyo natatakot sa sitwasyon niya. Pero kakayanin niya para sa anak niya. Kakayanin niya. Makakaya niya.
>>>>
YOU ARE READING
The Unexpected Heartbeat
RandomMay WARNING kaya mas EXCITING! --- Thank you po sa pag-gawa ng BC ko! AUTHOR: @Sanedrome❤️🤭