Chapter 4:
MIA
Pagkarating ko sa aking trabaho ay agad akong nagpalit nang uniform ng restaurant na aking pinapasokan, bago sinimulan na ang araw ng pagtatrabaho.
Kailangan ko kasing magsipag para sa future ko, dahil alam kong ako na lang din naman ang bu-buhay para sa sarili ko. Ako na lang ang makakatulong para matupad ang mga pangarap ko sa buhay.
Wala na akong magulang, na siyang magpapa-aral o magbibigay ng magandang buhay para sa'kin, dahil maaga silang kinuha sa'kin nang nasa itaas. Kaya kahit mahirap nakayanan kong tiisin na mabuhay ng mag-isa.
Pinagsumikapan kong itaguyod ang aking sarili at tumayo sa sarili kong mga paa.Alam ko 'ring hangad sa'kin ng aking mga magulang ang mabuhay, nang masaya kahit mag isa na lamang. Maging matapang at matatag sa lahat, na harapin ang mga pagsubok na dumadating sa aking buhay. Na hinding-hindi dapat sumusuko, bagkos magpahinga lamang at babangon muli.
Mga pangarap na nais kong makamit pagdating ng panahon. Makapagtapos ng pag-aaral, makahanap ng magandang trabaho... at maging isang kilalang author balang araw.
Pagkatapos ng aking trabaho sa restaurant ay agad din na 'kong umuwi nang bahay. Pagpasok ko pa lamang ay taka na akong napatingin sa sala kung saan prente naka-upo si Deo sa sofa habang nanunuod ng TV na aking ikinataka. Hindi ko maalala na may binili akong TV , dahil sa wala na nga akong budget pangbayad ng kuryente iisipin ko pa bang bumili pa ng TV?
"Binili niya ba yang TV?"natanong ko na lamang sa aking sarili.
Nang makalapit na'ko sa pwesto nito, ay agad itong napalingon sa akin kasabay ang pag-guhit ng ngiti mula sakaniyang mga labi.
"Yeah! Alam ko kung ano ang iniisip mo, tungkol iyan sa TV. Kakabili ko lang nito kanina nang lumabas ako. Boring kasi kaya naisipan kong bumibili nito nang may mapaglibangan man lang,"kaniyang ani pagtukoy sa TV.
"Mapapalaki ang bayaran ko sa kuryente niyan,"inis kong ani rito.
"Remember hati tayo sa upa kaya maging gan'un din sa kuryente. Kaya 'wag ka ng masyadong mag-alala,"kaniyang ani na akin na lamang ikinaisip at tama nga siya hati naman kami sa lahat kaya wala akong dapat ika-problema. Tumango nalang ako bilang pahiwatig na naintindihan ko at bago naisipan na lamang na pumasok na sa aking kwarto.
Nang maka-pasok na'ko sa aking kwarto, ay agad akong nagtungo sa aking closet upang maghanap ng damit pamalit sa suot ko. Kinuha ko ang isang black oversize shirt at isang sobrang ikling shorts. Sinuot ko ito, bago na naisipang lumabas ng aking kwarto.
Paglabas ko sa aking kwarto ay agad siyang napa-tingin sa direksyon ko na may mga ngiti na naman sa mga labi nito. Na akin na lamang ikinahinto sa balak na paghakbang, dahil mukhang napako ata ako sa aking kinatatayuan dahil sa klase ng kaniyang ngiti.
Kung hindi lang talaga 'to bakla baka naglupasay na'ko ngayon dito sa aking kinakatayuan dahil sa klase ng ngiti niyang daig pang maka-laglag panty. Tingin pa nga lang e' parang nakakahipnotismo na, tapos ngingitian ka pa nang ganiyang klaseng ngiti na halos parang ikakawarat na ng garter ng panty mo.
Bwisit na ngiting 'yan, nakaka-tukso!
Agad ko na lamang binatukan ang aking sarili dahil sa kung ano-ano na naman ang nabubuong kababalaghan o kahalayan sa utak ko. Agad 'rin akong napaiwas nang tingin at napa-kurot na lamang sa aking kanang hita para magising sa pagpapantasiya ko sa baklang ito. Bago tuloyang lumapit patungong sofa at naki-upo sa kung nasaan ito ngayon.
"Kumain kana?"biglang tanong nito na akin namang ikinalingon rito ngunit saglit lang at agad din akong nag-iwas ng tingin.
"Yeah. Sa restaurant na pinagtatrabahuan ko 'dun ako kumain,"ani ko na ikina-tango lang nito.
YOU ARE READING
The Unexpected Heartbeat
RandomMay WARNING kaya mas EXCITING! --- Thank you po sa pag-gawa ng BC ko! AUTHOR: @Sanedrome❤️🤭