CHAPTER 22:
HUMIHILAB na ang tiyan ni Mia at hindi niya alam kung sino ang tatawagan niya para sana humingi ng tulong.
She knows that her only two friends in that place are busy with work, and she doesn’t want to disturb them because it would be embarrassing. She can’t afford to waste their time just to accompany her to the hospital.
Palakad-lakad na lamang siya sa sala at mahinang nag-uusal ng dasal. Nag-iisip ng paraan. Hindi niya alam kung aalis na ba siya ng bahay para makapunta na ng hospital o maghihintay pa ng ilang minuto baka false alarm lang ang nangyayari sa kaniya. Pero kung totoo man na manganganak na siya ay parang hindi na rin niya kakayanin o hindi na siya makaka-abot pa ng hospital. Baka manganak pa siya ng wala sa oras sa kalsada.
Hindi na niya alam ang gagawin at marahan na ding hinahaplos ang tiyan na tila humihilab at ano mang oras ay puputok na ang panubigan.
Nagmumutawi siya ng dasal sa isip na sana ay makayanan niya pa. Kahit ilang minuto o oras, na magtiis at maghintay, dahil baka sakaling may dumating para tulongan siya.
Habang iniisip niya iyon at sa hindi nga niya inaasahang pagkakataon ay nagulat na lamang siya sa katok na nanggagaling sa pinto. Hirap man siya sa sitwasyon ay naglakad at agad na pinagbuksan ang kung sino mang taong nasa labas.
Akala niya ang mga kaibigan ang dumating pero bigo siyang kapitbahay ang nasa harap niya.
"Hello , neighborhood!"masayang bati nito sa kaniya.
"H-hello?"alanganing bati niya pabalik dahil sa kumikirot pa ring tiyan. Napakunot nuo naman ang kaharap dahil sa naging tugon niya, pero nang pansinin nito ang paghihirap at panay haplos niya sa kaniyang tiyan ay agad itong nataranta.
"Oh. Eeem. Geee! Manganganak ka na ba, Mia?Ano ang dapat kong gawin? Tatawag na ba ako ng masasakyan or hihingi ng saklolo sa kapit bahay? Alam kong medyo malayo pero keri kong takbohin para lang maka-hingi ng tulong,"tarantang ani nito. At hindi alam kung ano ang uunahing gawin sa mga tinukoy nito.
Nasasaktan siya sa sitwasyon na humihilab ang tiyan, pero natatawa din siya, dahil natataranta ang kapit bahay niyang kahit hindi siya nito obliga pero willing siya nitong tulongan.
"Shhh. H'wag kang mataranta. Kaya ko pang lumabas at maglakad hang gang sa sakayan ng tricycle,"nasabi niya na lang dito.
"Are you sure? Ako na lang kaya ang tatawag?"
"Hindi na at baka busy ka? H'wag mo na kong intindihin. Hindi mo rin ako obliga,"tanggi niya rito dahil ayaw niyang maka-istorbo sa kapitbahay.
"No. Obliga na kita, dahil kargo de konsensya ko kapag iniwan kita na halos manganganak na. Baka mapahamak rin ang bata, kaya sasamahan na kita,"sabi nito at hindi niya alam kung bakit tila mabilis siyang naging emotional at tumulo na lang ang luha niya, nang isiping may taong handang tumulong sa kaniya sa ngayong sitwasyong nahihirapan siya.
Iba rin kumilos ang Panginoon. May agarang sulosyon sa hindi mo ini-expect na sitwasyon. Nagpapasalamat siya sa Panginoon at bukod pa doon sa kapit bahay niyang willing siyang tulongan ngayon.
Kaya imbis na kumontra pa ay walang pagdadalawang isip na lumabas na siya ng bahay kasama ito. Bitbit ng kapit bahay ang mga maaaring gamitin niya sa hospital. Habang inaalalayan siya nito. Nahihiya man siya, pero umiiral din ang sakit ng tiyan niya. Nang makarating nga hanggang sakayan ay nagpapasalamat siya ng maka-abot pa sila ng hospital bago pa siya tuloyang manganak.
"I'll wait for you here. Good luck. You can do it. Both you and your baby will be safe, okay? I will keep you in my prayers."pagbibigay lakas ng loob ng kapitbahay niya na nagpangiti sa kaniya at tanging tango na lang ang nagawa niya bago siya ipinasok ng mga nurse patungong delivery room.
YOU ARE READING
The Unexpected Heartbeat
RandomMay WARNING kaya mas EXCITING! --- Thank you po sa pag-gawa ng BC ko! AUTHOR: @Sanedrome❤️🤭