CHAPTER 7:

356 24 8
                                    

Chapter 7:

MIA

"Bakit?"takang tanong niya sa'kin gamit ang paos na boses.

Sh*t!

Sa gwapo ng boses niyang 'yan sinong mag-aakala  na bakla ito. Bukod sa lalaking lalaki ang kilos nito maging ang pananalita ay talaga namang hindi mo maiisip na bakla ito. Kung wala lang talagang pruweba na may boyfriend ito, iisipin ko talagang nagsi-sinungaling lang siyang bakla siya.

Nang dumampi ulit ang aking mga darili sa labi nito ay hindi ko na lamang pinansin ang kakaibang kuryenteng dumaloy rito at inintindi na lamang ang paggagamot sakaniyang labi. Nang matapos ko ngang gamotin ang kaniyang labi ay agad ko 'ring ibinalik ang first aid kit sa kabinet bago bumalik muli sa sofa.

"Sorry. At sana h'wag mo nang uulitin yun,"tukoy ko sa paghila nito ng libro.

"Saan? Sa tanong ko ? Wala naman atang masama dun? Atsaka biro ko lang din naman sana 'yung tanong na 'yun kanina, kaso binato mo na lang ako agad ng libro mo,"ani nito.

"Sorry naman. Atsaka para klaro sayo nagbabasa lang ako nito pero virgin pa ko. Ni wala pa nga akong naging boyfriend ni isa. Kaya yung tanong mo sa'kin kanina ay talagang parang nagpantig ang tenga  ko, "ani ko na lamang rito.

"Sorry ,'paumanhin niyang ani sa'kin.

"Okay lang. 'Yan tuloy pumutok pa ang labi mo,"natatawa kong ani rito.

"Sakit nga e'. Sapol na sapol talaga sa labi ko,"sabi niya din nang natatawa.

"Kasalanan mo yan,"ani ko nalang.

"Bakit ka ba nagbabasa niyan? At lumilipad pa ang utak mo na parang wala kang kasama sa paligid mo,"ani nito pag-tukoy sa librong binabasa ko.

"Libangan ko lang at natural lang talaga na naglalakbay ang utak ko. Kasi nagbabasa ako iniimagine ko yung nakasulat na kuwento rito,"ani ko.

"Naglalakbay sa kahalayan,"ani niya habang napapa-iling pa. Natawa na lamang ako sakaniya.

"Wala namang masama ah. Nasa tamang edad na ko no'. Twenty two na kaya ako, kaya pwedi na kong mag basa ng mga ganito. 'Yung iba nga e' kahit wala pa sa hustong gulang nagbabasa na ng katulad nito. Ako pa kaya,"ani ko rito.

"Ano ba ang mga natututunan mo d'yan?"tanong nito.

"Mga posisyon,"natatawang ani ko 'rito. Na halatang nagugulohan siya sa naging sagot ko.

"Posisyon? Sa kompaniya?"tanong niya. Na ikinahalagpak ko ng tawa na halos parang sasakit na ang tiyan ko dahil hindi mapawi-pawi yung tawa ko  sa sinabi niya.  Nagtataka lang naman siyang naka-tingin sa'kin.

Nang maka-huma na nga ako sa kakatawa ay saka lang ako napa-ayos ng upo at sabay pahid sa mga mata kong maluha-luha dahil sa katatawa ngayon-ngayon lamang.

"May nakakatawa ba sa tanong ko?"takang tanong nito na naikina-pipigil ko na lamang na muling matawa.

"Wala, nakaka-tawa lang. Parang ang inosente mo kasi sa paningin ko. Daig mo pa ang virgin na tulad ko. Pero alam ko naman na di kana ano e'. Haha,"natatawa kong ani rito.

"So natawa ka na niyan. Ano ba kasing posisyon ang tinutukoy mo?"kulit na tanong nito.

"Wala, h'wag mo nang alamin," ani ko rito.

"Bakit may bed scene sa binabasa mo?"takang tanong ulit nito, pag-tukoy sa nabasa niya.

"Ano naman ngayon?"balik ko 'ring tanong sakaniya.

"Wala lang. So kahit na virgin ka, hindi ka na inosente dahil sa mga binabasa mo? Gan'un ba 'yun?"ani nito na ikina-tango ko na lamang ngunit natatawa pa rin ako, dahil sa mukha niyang 'di makapaniwala.

"Yeah! Practice ko na rin siguro 'to. Para handa ako sa pag-aasawa,"natatawa kong ani ko rito. Na kaniya namang ikana-kunot ng nuo. Daig niya pa ang inosenteng bata sa pagka-inosente niya ngayon. Akala mo naman virgin pa. Tsk! Natatawa na lamang ako 'rito.

"Practice? Bakit ka naman magpa-practice?"tanong niya pa 'rin, na ikinaka-iling ko na lamang.

"Wala. Napaka inosente mo. Tsk! Virgin ka pa ba?"tanong ko rito.

"Hindi."proud niyang ani.

"Hindi naman pala e'. Bakit daig mo pa ang inosente kung magtanong?"tanong ko rito.

"Hindi lang talaga kasi kita maintindihan,"sabi nito.

"Well h'wag mo na lang akong intindihin,"ani ko sakaniya.

"Sa pagbabasa mo nang gan'yang mahahalay na librong. Natututunan mo talaga d'yan mga kahalayan. Kaya takbo ng utak mo madumi e',"kaniyang ani.

"E' ano naman ngayon. Atsaka pa'nong hindi 'rin dudumi ang iniisip ko sainyo kanina, e' naka-patong siya sa'yo na parang may ginagawa kayong milagro,"ani ko rito. Pag-tukoy sa posisyon nila kanina, na agad ko na namang ikina-tanggap nang batok mula rito.

"Aray ko! Namumuro kana ah,"inis na ani ko rito.

"Madumi lang kasi talaga ang utak mo,"sabi nito.

" E' sa madumi talaga ang utak ko e'. Kapag hindi talaga ako makapag-timpi ia-apply ko talaga 'tong binabasa ko sayo,"inis na ani ko rito. Na kaniya namang ikina-laki ng mata at halata ang gulat dahil sa sinabi ko.

Atsaka ko naman binalikan sa isip ko ang sinabi ko kanina lamang. At agad ko na lang nai-tampal sa aking nuo ang librong hawak ko at agad ding kumaripas ng takbo papasok sa loob ng aking kwarto.

Argeh!!! 'Yung ini-isip ko talaga minsan kusa nalang lumalabas sa bibig ko. Bwisit! Sabihin man lang ni bakla na pinagpa-pantasyahan ko siya.

Kasalan mo 'yan Mia!

Nang alam kong ilang oras na ang nakalipas ay kusa nalang akong sumilip sa labas ng aking kwarto. Chini-check ko kung andun ba si Deo sa labas  o sa sala. Nang makita kong wala ay saka lang akong nakahinga ng maluwag at naisipan ng tuluyan nang lumabas ng aking kwarto. Hahakbang na sana ako ng biglang---

"Sinong sinisilip silip mo?"tanong ng taong nasa aking likod. Na siyang akin namang ikina-gulat at ikina-lingon sa taong 'yun.

Saktong pag-lingon ko ay kapantay lang ng mukha ko ang mukha nito. Sobrang lapit sa'kin, na akin namang ikina-laki ng mata at ikina-atras ng isang hakbang mula rito.

Nang dahil sa ginawang paghakbang paatras ay siya namang dahilan ng aking pagkatapilok buti na lamang ay naagapan  niyang mahila ang aking kamay. Ngunit kasabay 'rin nito ay ang paglapit ko sakaniya na siyang ikina-dampi ng labi ko sa gilid ng labi niya.

Agad na lamang nanlaki ang aking mga mata dahil sa nangyari.  At agad ko na lamang biglang ikina-bawi ng aking kamay mula sakaniyang pagkaka-hawak.

Bigla na lamang akong napa-iwas ng tingin kasabay nang kusang pagtalikod ko rito. Hindi na inintindi ang kaniyang reaksyon dahil sa nangyari.

"Sorry. Lalabas muna ako,"aking ani na lamang at naglakad na patungong pinto at tuluyan nang lumabas ng apartment.

"Maglilibot-libot na lang muna siguro ako habang hindi pa tuluyang nagga-gabi." ani ko na lamang sa aking isip.

At isinasawalang bahala na lamang ang kabang aking nararamdaman kanina lamang.

---

The Unexpected HeartbeatWhere stories live. Discover now