CHAPTER 5:

365 31 1
                                    

Chapter 5:

MIA

---

"Rex si Mia pala ka-boardmate ko at Mia si Rex, Boyfriend ko,"pagpapakilala ni Deo sakaniyang kasintahan habang may malapad na ngiti ang nakahulma sakaniyang mga labi.

Napansin ko 'rin rito ang tingin na iginagawad ni Deo sakaniyang kasintahan. Mababakas mo sakaniyang mukha ang pagmamahal at paghanga para rito. At kita mo ang kasabikan sa mga mata nito sa muling pagkikita nila ng kasintahan.

Parang gusto ko nalang umiyak. Naiingit ako! Bakit?!  Kunti nalang ata ang nagg'wa-g'wapuhang Adan sa mundo. Lahat nagiging kapwa Eva na!

"Nice to meet you Mia. Naging pasaway ba 'tong mahal ko, sayo?"naka-ngiti nitong tanong at kasabay ay ang pag-abot sa'kin ng kamay nito. Na ikina-baling ko muna kay  Deo dahil baka mag-selos kapag kinamayan ko ang Boyfriend niya , ngunit agad ko nalang din iyon inabot dahil sayang din ang pagkakataon. Hehe Charot! Landi ko sa mga bading na 'to!

"Nice to meet  you din. Ayos lang naman s'yang kasama ko rito, hindi naman naging pasaway. Actually mag-kaibigan na nga kami e',"ani ko 'rito habang naka-ngiti. Sabay bitaw na sa mga kamay nito dahil baka ika-selos pa ni Deo.

Sayang! G'wapo pa naman sana nito kaso kalahi din ni Eva!

"Maiwan ko na kayo. Pasok lang ako sa kwarto ko. Okay lang kahit anong gawin niyo rito, kunwari nalang invisible ako. Hindi ko na lang din papansinin ang mga maririnig 'kong ingay. Sige bye,"paalam ko na may pagtataka namang gumuhit sa mga mukha nila dahil sa sinabi ko . Imbis na intindihin ko pa ito ay mabilis nalang akong nag-tungo sa aking k'warto at nag-lock.

Napangiti at napapailing nalang ako sa iniisip ko. Nakakakilig sila. Sana all nalang talaga sakanila!

Naisipan ko nalang mag-tungo sa aking study table. Umupo ako sa upuan nito't isinuot ang aking anti-radiation glasses. Binuksan ang aking laptop at sinimulan na lang ang pagsusulat ng story. Pampalipas ng oras habang nakakulong ako 'rito at nang 'di ko maisipang lumabas, dahil baka maka-istorbo pa 'ko sa moment nang dalawa.

Hindi ko nga namalayan ang oras na lumipas. Hindi pa sana ako mapapatigil sa pagsusulat kung hindi lang kumulo ang aking tiyan.

Kaya wala akong ibang choice kundi ang lumabas ng aking kwarto para kumain ng noodles dahil 'yun lang naman ang makakain ko at hindi 'rin naman kasi akong marunong mag-luto. 

Bukod sa kanin at sa paborito kong ulam na adobo ay 'yun lang ang alam kong lutoin, maging ang noodles din pala. Kaya mas madaming naka-imbak na noodles sa kusina dahil 'yun lang ang kinakain ko tuwing linggo, maging kapag tinatamad akong magluto. Kapag magluluto naman din ako ay kanin lang minsan at 'yung ulam ko naman ay 'yung mga natitirang ulam na ibinabalot ko galing sa restaurant na aking pinagta-trabahuan. Bukod sa tamad ako at 'di marunong sa kusina, ay nakaka-tipid talaga ako sa pagkain.

Pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto ay hinubad ko muna ang suot kong salamin. Bago iginala ang aking paningin sa  kabuohan ng sala at napatigil na lamang ang paggala ng aking mga mata nang dumapo na ito sa sofa. Sa sofa kung saan nakikita ko si Rex at Deo. Nakikita kong nakapatong si Rex kay Deo.  Agad ko na lamang  nabitawan ang salamin na hawak ko nang dahil sa gulat. Na nagdulot nang ingay at nagpa-agaw sa atensyon ng dalawa na gumagawa na ata ng milagro ngayon sa sofa. Na agad ngang ikina-lingon ng mga ito sa direksiyon ko. At kinakabahan naman akong napa-iwas ng tingin mula sa pwesto ng mga ito. MY GOSH MIA!

"Shit!" rinig kong ani ni Deo na mukhang galit, dahil sa pagka-istorbo ko ata sa balak sanang gagawin nila ng kasintahan niya. Kaya agad naman akong nabahala at agad na humingi ng paumanhin.

"A-ahm, sorry," hingi ko ng tawad sa pag-istorbo ko sa balak nila. "Ipagpatuloy niyo lang 'wag niyo kong pansinin,"pinagpapawisan ko na lamang ani at agad na pinulot ang salamin na nahulog sa sahig bago patakbong nagtungong kusina.

Napabuntong hininga na lamang ako pagkarating ko ng kusina. Bago nagtungo sa kabinet kung saan nakalagay ang mga cup noodles.

Kumuha ako ng isa mula rito. Binuksan ko ito at sinalinan ng mainit na tubig upang maluto  at makain ko na ito.

Pilit ko 'ring kinakalimutan sa aking isipan ang nakita kong eksena kanina lamang mula sa sala.

Nakarinig na lamang ako ng pagbukas ng pinto kasabay ng pagpapa-alam ni Deo sa kasintahan at pag-sara na nito ng tuluyan nang makalabas ang nobyo nito.

Kinakabahan ako ngayon sa aking kinatatayuan dahil baka pagalitan ako ni Deo. Dahil sa pagka-istorbo ko sa ginagawa nila ng boyfriend niya. Na kaya siguro pinaalis ang kaniyang kasintahan para mapagalitan na 'ko nito. My gosh naman kasi Mia! Ang tanga mo talaga!

Napa-angat ako nang tingin ng makita ko si Deo na nakatayo lamang sa pintuan ng kusina habang naka-tingin sa akin ng mabuti na parang inoobserbahan ako base sa tingin niya na parang inaalam kung may nakita ba ako o wala.

"W-wala akong nakita. Bukod lang 'dun sa pagkakapatong niya sayo 'yun lang, the rest wala na talaga akong nakita. Hindi ko naman nakita ang mga sandata niyo, na kung may nilabas nga ba kayo,"nasabi ko na lamang. At agad din akong napa-takip ng bibig nang matauhan ako sa aking sinabi.

My gosh! Ano batong lumalabas sa bigbig ko!

"Para sa babaeng katulad mo na akala ko inosente, dahil base sa mukha at kilos mo 'din na parang isip bata  ay hindi ko akalain na may tinatago din pala d'yang kahalayan o karumihan sa utak mo,"sabi nito na agad ko namang ikina-yuko.

" ' Yun ang akala mo...
Isa kaya akong Erotic Writers..." ani ko sa aking isipan ngunit 'di ko 'yun isinatinig.

"Pasensiya na. Naistorbo ko kayo, kaya ka nagagalit ngayon,"paumanhin ko na agad niyang ikinatawa ng napaka-lakas. Na agad ko namang ikina-tingin sakaniya ng may pagtataka.

Dahil hindi ko alam kung saan siya banda natawa sa sinabi ko.

"Hahaha. Wala kang naistorbo no at kung ano man 'yang iniisip mo itigil mo 'yan. Wala kaming ginagawang gan'un,"sabi nito at tumatawa pa rin siya.

"E' ano yung nakita ko?"tanong ko at napa-tingin siya sa'kin ng may ngiti pa 'rin sa mga labi.

"Wala yun. H'wag mo na lang intindihin,"sabi nito at umupo siya sa isang silya. Na ikina-upo ko din naman sa isang silya pa at nagsimula nang kumain ng noodles.

" 'Yan lang kakainin mo?"tanong niya.

"Yeah! Para tipid,"sabi ko rito.

"Sa kaka-tipid mo mamamatay ka niyan nang hindi mo pa naaabot ang pangarap mo,"sabi nito.

"Masarap din kaya 'to at 'di ko 'to ikakamatay . Ngayon lang naman e',"ani ko pa rito.

"Pahingi nga din ako ng isa. Nakalimutan ko kasing mag-luto e',"sabi niya.

"Kaya nga e'. Mukhang ang saya mo. Halatang sinulit mo yung pagpunta dito ng boyfriend mo,"maka-hulogang kong ani rito. Na agad ko namang ikina-tanggap ng batok mula sakaniya. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin dahil 'dun.

"Aray ko ah! Para sa'n naman 'yun?"galit kong ani rito.

"Dumi kasi ng utak mo,"sabi niya ng naka-ngiti at agad na nagtungong kabinet upang kumuha ng noodles.

"Hep! H'wag kang kumuha. Galit ako sayo. Sakit ng batok mo, hindi tayo bati,"ani ko rito na tinawanan niya lang  at kumuha pa 'rin ng noodles. Naglagay ng mainit na tubig at nang maluto ay kumain na kasabay ko.

B'wisit na baklang 'to ngingiti-ngiti pa, mukhang nasayahan naman talaga sa nangyari sakanila ng boyfriend niya. Iisipin pang madumi utak 'ko, e'totoo naman. Tsk!

Sana all nalang talaga sakanila!

The Unexpected HeartbeatWhere stories live. Discover now