KABANATA 7
NAGISING ako sa liwanag galing sa kusina. Shit, nakatulog ako kaka cellphone. May kumot?Tumayo ako sa pagkakaupo sa sahig kahit medyo mahapdi pa ang mga mata ko.
"Gising kana pala." Napatayo ako ng tuwid dahil sa narinig ko na boses. Ginagawa ng lalaki na'to sa bahay ko?
"Tresspassing ka. Tatawag ako—"
"May cctv kayo dito." Sabay turo niya sa cctv na nakakabit. "Pwede nating tingnan kung talaga bang tresspassing ako."
Bigla kung naalala na ako pala ang nag papasok sa kanya dito.
"Umuwi kana nga. Okay ka na naman kaya pwede ka ng umalis."
"Don't worry, aalis ako. Kain tayo." Pag aaya niya sakin. Parang bahay niya lang ha.
"Kumakain ka mag isa mo." Sabay akayat ko sa hagdan. Pero bago ako tuluyang makaakyat sa second floor nag salita ako. "Pagkatapos mong kumain, hugasan mo ang pinagkainan mo at ilock mo ang pinto."
"Copy, Boss." Yun na lang ang narinig kong sabi niya dahil nakapasok na ako ng kwarto. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, freak. 2am palang.
"Makatulog nga ulit. Inaantok pa ako." Sabay bagsak ko ng katawan ko sa kama. Pinikit ko ang dalawang mata ko.
Alas-dose ako umalis ng bahay dahil isang subject lang naman ang meron ako at hapon pa. Pagkababa ko kanina, umalis na nga siya at malinis ang kusina.
Dumating na nga ako ng university at dahil 3pm pa naman ang pasok ko tumambay muna ako sa field. Umupo sa may bench na malapit sa cafeteria. Maraming mga estudyante na kumakain may bench dahil yung iba ay nag dadala na lang ng pagkain nila, may pagkamahal din kasi ang pagkain sa cafeteria at maraming sosyal. Mga anak ng ex mayor at iba pang mayayaman sa Calinog.
Habang nakaupo ako may biglang lumapit sakin na tatlong babae.
"Hi po." Patalon-talon na sabi ng isang estudyante.
"Hoy, Katelyn. Wag ka ngang-oa."Saway ng naka eye-glasses na estudyante sa kasama niya.
"Okay lang." Nakangiting sabi ko.
"Hi, ate Sky." Sabay-sabay nilang sabi. Napatawa na lang ako.
"Upo kayo." Umusog ako ng kaunti para makaupo sila. Nahihiya pa sila pero pinilit ko talaga. Nagpakilala sila at usap-usap lang kami. Dahil malapit na din ang Christmas break niyaya ko sila na pumunta sa Farm. Friendly person ako sa mamabait kahit bago ko lang nakilala pero sa masama ugali hindi.
Kakatapos lang ng klase ko. It's 4pm in the afternoon. Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kung lumabas ng campus para bumili ng street foods sa labas.
"Kuya pabili ha. Nagugutom ako eh."
"Kuha ka lang iha."
BINABASA MO ANG
In The Field of Golden Petals (Calinog Series #1)
RomanceA young woman who lives in the province. Her Father owns a flower farm in their area. Dahil sa probinsya siya nakatira ay nasanay na si Airian sa mga gawaing pang bukid. Hindi maarteng bata at may galang sa matatanda. Hanggang sa isang araw may nab...