KABANATA 14
"DOS. KAYE. Bilis." Nasa flower farm kami ngayon. Lahat ng tao busy dahil sa lalapit na ang, fiesta.
"Sandali. Kanina pa tayo takbo ng takbo." Reklamo nito.
"Sino ba nag sabing tumakbo kayo. Ang sabi ko bilisan niyo sa paglalakad. Bebetime pa." Sabay iwan ko sa kanilang dalawa.
Nang makadating ako sa mga bulaklak ng sunflower ay tinulungan ko na ang mga ibang nag, haharvest ng mga bulaklak.
"Ito na po ba lahat?" Tanong ko sa mga nag haharvest ng mga bulaklak.
"Ayan na lahat, Sky. Malapit na din namang matapos 'tong linya na 'to."
"Sige po."
Tumayo ako sa ilalim ng isang mangga sa sa gitna ng flower farm. Sumbrang ganda kung iyong pagmamasdan dahil sa gilid ng mga punong mangga ay mga bulaklak.Ito ang naisipan ni Amang na gawin para kahit pa paano ay may masilungan ang mga tao sa tuwing mainit pag nasa gitna sila ng farm.
"Pahinga po muna kayo. May dala akong meryenda at maiinom para mabawasan ang init."
"Tapusin na namin ito, Sky." Sabi naman ni Tatay Cardo.
"Maya na ho'yan. Masarap po itong ginawa kung melon juice pang pakuha ng init."
Hindi naman sila nag hintay na tawagin ko ulit. Nag silapitan naman sila at tinulungan naman ako ni Dos at Kaye na bigyan ang mga tao ng meryenda.
"Ate...Ate." Patakbong tawag ni Tisoy sakin.
"Bakit?"
"Naubusan kami ng flyers na binibigay sa bayan."
"Nasa rest house ang iba."
"Nakuha na namin, Ate."
"As in, wala na talaga? Seryoso?" Kakagulat naman dahil sa ilang taon hindi naman kinulang sakto lang.
"Opo, Ate. Maraming nag hahanap ng flyers natin, Ate."
"Sige. Dos, ikaw muna bahala. Mag pri-print lang ako ng flyers, kinulang daw e."
"Sige. Ingat."
Nag paalam na ako at sumunod sa kapatid ko.
"Anak, Sky. Wala na daw tayong flyers. Subrang saya ko, Anak."
"Ako nga din, Mang. Nagulat at higit sa lahat masaya pero hindi muna tayo mag celebrate dahil mag pri-print muna ako."
"Tisoy, pumara ka ng masasakyan sa labas papuntang bayan."
BINABASA MO ANG
In The Field of Golden Petals (Calinog Series #1)
RomanceA young woman who lives in the province. Her Father owns a flower farm in their area. Dahil sa probinsya siya nakatira ay nasanay na si Airian sa mga gawaing pang bukid. Hindi maarteng bata at may galang sa matatanda. Hanggang sa isang araw may nab...