KABANATA 33
"SAMA KA?"
"Saan ba punta mo?" Tanong ko.
"Flower Farm."
"Kaye. Alam mo—"
"Sky. Alam ko na hindi na kayo ang may-ari."
"Yun na nga."
"Basta. Bilisan mo." Kumuha ito ng inoming tubig.
"Nag aayos ako ng gamit namin."
"Isang linggo pa yang pag-aayos mo." Tama nga naman. Isang linggo na simula nong dumating kami dito. Pag-aayos na lang ang ginagawa ko kasi ayoko namang lumabas ng bahay.
"Sky. Tara na."
Nang hindi ako tumatayo ay hinila niya ako patayo sa kinauupuan ko.
"Kaye." Reklamo ko.
"Papasalamatan mo ako nito mamaya."
Sumakay na kami ng tricycle para magpahatid sa Farm. Habang na papunta na kami ay naalala ko na hindi ako nga paalam kay Maya. Nag-aayos din ito ng kwarto niya.
"Kaye. Si Maya."
"Nasa bahay."
"Huh? Anong nasa bahay niyo?" Takang tanong ko sa kanya.
"Nasa bahay namin. Naka usap ko siya kanina. Wala daw siyang magawa, kaya ayon. Hinatid ko sa bahay. Makakalaro niya dun si Guren at Datina."
"Yung bahay. Hindi na lock."
"Wag kang mag-alala sa bahay niyo." Ngiti niya.
Parang baliw to.
Pag dating namin ay bumaba na ako. Hindi ko alam bakit ko naisipang tumingala sa taas kung saan nakalagay ang pangalan ng Farm. Ibang pangalan na ito, dahil nga sa iba na ang may ari nito. Huling balik namin dito Perez pa pero iban na ngayon. Nakapagtataka na kung may bagong may-ari ngayon lang pinalitan ang pangalan ng Farm?
Heaven Flower Farm.
Bakit kaya heaven?
"Tara na." Aya sakin ni Kaye.
Sumunod ako sa kanya papasok ng Farm. Ang init nang hampas ng hangin sa balat ko.
"Maupo ka muna. Kuha ako ng malamig na tubig. Alam kung naiinitan kana."
BINABASA MO ANG
In The Field of Golden Petals (Calinog Series #1)
Roman d'amourA young woman who lives in the province. Her Father owns a flower farm in their area. Dahil sa probinsya siya nakatira ay nasanay na si Airian sa mga gawaing pang bukid. Hindi maarteng bata at may galang sa matatanda. Hanggang sa isang araw may nab...