KABANATA 31
"TUBIG." Abot sakin ni Kaye.
"Salamat."
"Nasaan tayo?" Tanong ko.
"Nasa Farm. Isang oras ka nang tulog. Yung mga kasama mo. Nasa batis sila at naliligo."
"Farm?"
"Oo." Saad ni Kaye at lumabas ng kwarto.
Nilibot ko ang buong paningin ko sa kwarto. Katulad na katulad ng kwarto ko sa Rest House namin. Yung design na buong kwarto, parehong-pareho. Na iba lang yung mga gamit. Walang mga picture na nakasabit sa dingding.
Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Kaye nang makapasok ito.
"Magpahinga ka muna. Gusto mo ng prutas? Pagbabalatan kita." Tumango lang ako.
Habang nagbabalat ito ay nagtanong ako.
"Nasa Flower Farm tayo?"
"Oo."
"Diba may bagong may-ari na ang Farm? Sino?"
"Ngayong nakabalik kana. Dapat sigurong ikaw na mismos ang makipag harap sa kanya."
"Kailan? Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin tungkol sa Farm. Wala din akong perang—"
"Andito kami. Wag mo munang alalahanin yan." Sabay abot sakin ng binalatan na mansanas.
"Salamat."
Kumakain ako at hindi parin maubos-ubos ang kwento ni Kaye sakin. Nagsimula siya sa mga nangyari nong nawala kami hanggang sa hinanap daw ako ni Shane.
Wala akong balita sa kanila. Pati ang Facebook account ko binura ko na din. Lahat na lang ng social media accounts ko.
"Sky." Tawag sakin ni Kaye. Nasa labas na ako. Pagkatapos namin ni Kaye mag-usap ay natulog ulit ako.
Lumapit ako kung saan siya nakatayo, "Kaye."
"Naalala mo paba sila?" Tanong ni Kaye sakin at tumingin ako sa kaliwa ko.
Nang makita ko na kung sino ang tinutukoy ni Kaye ay napatango na lang ako at bumuhos na naman ang mga luha ko.
Mahigpit kung niyakap si Kaede.
"Iyakin ka parin." Rinig kong sabi ni Tay Cador.
Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Kaede at humarap kay Cador, "Tay."
BINABASA MO ANG
In The Field of Golden Petals (Calinog Series #1)
Roman d'amourA young woman who lives in the province. Her Father owns a flower farm in their area. Dahil sa probinsya siya nakatira ay nasanay na si Airian sa mga gawaing pang bukid. Hindi maarteng bata at may galang sa matatanda. Hanggang sa isang araw may nab...