HULING KABANATA
SHANE MARTIN ALMOJELA POV:
"MARTIN. BILISAN mo at magagalit ang Mommy mo." Tawag sakin ng isa sa mga kasambahay namin.
Nasa labas ako ng bahay nakikipaglaro sa isang batang babae. Sabi nito malayo pa daw ang bahay nila. Ilang araw na kaming naglalaro ng bahay-bahayan. Ibang-iba ang pananamit niya sa kung ano ang pananamit ko. Cute niya pero madungis ang mukha. Mas matanda lang ako sa kanya kung titignan.
"Nana. Naglalaro pa ako, eh."
"Ikaw talaga. Ilang beses na kitang pinagsabihan na wag kang makikipaglaro sa batang 'yon. Pag nalaman ng Mommy mo papagalitan naman kaming lahat."
"Mommy will not know. Wala naman kasi akong kaibigan...mag isa lang ako sa bahay. Wala din si Daddy at ang Mommy...lagi na lang galit."
Habang pinupunasan nito ang pawis ko sa likod.
"Nag tatrabaho lang sila para sa kinabukasan mo. Sige na. Maligo kana at ihahanda ko na ang meryenda mo." Pagkapasok namin ng bahay ay naligo na agad ako.
Lagi ko na lang nakikitang nagtatalo ang Mommy at Daddy. Nagtatalo sa isang lupang gustong bilhin ni Mommy. Halos araw-araw na ang pagtatalo nila tungkol dito. Sa tuwing uuwi ang Daddy ito lagi ang bungad niya.
"Bakit lagi kang umaayaw pag pinag-uusapan ang lupa ng mga Perez. Malaking sabagal lang sila."
"Alam mo ba iyang sinasabi mo, Camilla. Hayaan mo na lang sila. Lupa nila yan."
"Lupa nga nila. Pero gagawan ko ng paaran para makuha ang lupa nila. Kung hindi sila madadala sa mahinahong pakiusap, makikita nila."
"Mangilabot ka sa sinasabi mo Camilla..."Mataas na boses ni Daddy.
Hindi na ako nanatili sa loob ng bahay. Lumabas ako. Ilang taon na simula ng hindi ko na makita ang batang babae. Hindi na din siya dito pumupunta para makipaglaro.
Nang nakapag-aral ako ng kolehiyo ay sa ibang bansa ako pinag-aral ni Mommy.
"Hi, Dad." Sinagod ko ang video call. Kakauwi ko lang ng condo.
"Kailan ka uuwi? Naghihintay na dito ang Kompanya. Tumatanda na ako, kailangan mo ng matututo mag patakbo nito."
Ang tinutukoy ni Dad ay ang kompanya na nasa Manila. Na minana niya sa Lolo, na Daddy niya.
"Next month, I'm coming home for good."
"Call me...kung uuwi kana para masundo ka sa airport."
"I will. Bye, Dad."
"See you soon, Son." Then the call end.
The day is come. Babalik na ako ng Pilipinas. Kakalapag lang ng eroplanong sinakyan ko. Pagkalabas ako ay may nag-aabang na nasasakyan. At may nakatayo sa tabi ng sasakyan. My cousin Egie. His Mom and My Dad are siblings.
"Welcome home, coz." Niyakap agad ako nito.
"Thanks. Let's go at your condo."
"Tara. Alam kong jet log kapa." Sabay akbay sakin.
Kinuha na ng driver ang bag ko at pumasok na kami ng Van. Ilang araw akong nanatili sa Manila. Hindi ko din na kita si Dad, dahil umuwi pala ito ng probinsya, sa Calinog.
Lumuwas ako para makauwi ng probinsya. Nang makadating ako ng bayan ay mag nagaabang sakin. Pagdating ko ng bahay ay sinalubong agad ako ng yakap ni Mommy.
"Oh...my Son. You're so handsome. Are you hungry?"
"Diday...Ang pagkain ng Sir mo...bilis."
Napatingin naman ako sa kasambahay na kinabahan at hindi alam ang gagawin.
BINABASA MO ANG
In The Field of Golden Petals (Calinog Series #1)
RomanceA young woman who lives in the province. Her Father owns a flower farm in their area. Dahil sa probinsya siya nakatira ay nasanay na si Airian sa mga gawaing pang bukid. Hindi maarteng bata at may galang sa matatanda. Hanggang sa isang araw may nab...