Kabanata 18

108 2 0
                                    

KABANATA 18


HINDI AKO makatulog sa kakaisip sa nangyaring paghalik sakin ni Shane. Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama at lumabas para kumuha ng maiinom. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa kusina. Nang makainom ako ay saglit akong umupo sa may upuan. Ilang buwan na lang ay magtatapos na ako parang kailan lang simula ng pumasok sa buhay ko si Shane.


He makes me smile. I like him already.


"Anak." Napatingin ako sa tinig na nanarinig ko.


"Amang." Lumapit ito sakin at umupo sa tabi ko.


"Hindi ka ba makatulog?" Tanong ni Amang sakin.


Tumango ako.


"Kayo na ba?"


"Huh? Hindi po. Sasabihan ko siyang—"


Hindi ko natapos ang sasabihin ng hawakan ni Amang ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa.


"Mabait na bata si Shane. Ibang-iba siya sa Ina at Lolo niya. Sundin mo kung ano ang nararamdaman nito." Sabay turo niya kung saan ang puso ko. "Kung ano ang magiging desisyon mo. Susuporta ang Amang. Basta maging kasiyahan mo, ninyo tatlo."


"Amang."


Niyakap ko siya ng mahigpit.


I'm in love. I'm really in love with the only one, Shane Martin Almojela.


"ATE. ATE SKY. Sasama na lang ako para pagbumalik dito ang jeep sasama ko na lang si Guren at Datina." Sigaw na patakbo ni Maya papalapit sa jeep.


"Hindi mo makakaya silang dalawa. Malalaki pa ang mga yun ka'sa sayo."


"Si Kuya Tisoy sasama na rin. Miss na namin sila e.


"Wag na."


"Sige na, 'te." Pagpipilit ni Maya sakin.


"Okay. Gagawa na lang ako ng paraan. Wag na kayong sumama." Niyakap ko siya, "Aalis na ako."


Sumakay na ako ng jeep at maya-maya ay umandar na ito at umalis na.


"Malapit na sa bayan. Oo, sige na." Sabay putol nang tawag sa kabilang linya. "Kuya, d'yan na lang ako. Bayad ko."


Hindi pa ako nakakababa ng jeep nakita ko na si Dos. At nang makababa ako ay naglakad ito palapit sakin.


"Tungkol sa nakara—"


Hindi na nito natapos ang sasabihin ng bigla ko siyang binatukan.


"Ouch."


"Inom pa. Pero wag mo nang isipin yun. Alam ko na hindi okay ang pamilya niyo sa pamilya nila. Pero," Napabuntong hininga ako. "Iba-ibang si Shane sa Mommy't Lolo niya."

In The Field of Golden Petals (Calinog Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon