Kabanata 15

125 3 0
                                    

KABANATA 15


"SON, WHERE ARE YOU?" Ito agad ang bumungad kay Shane ng Ama.


"I'm at plaza."


"Plaza? Are you at Calinog? Anong ginagawa mo d'yan?" Napakamot na lang si Shane ng batok sa tanong ng Ama niya.


"Dad. Matanda na ako. I have—"


"Are you inlove, Son?"


"What? No. I'm not."


"Okay." Natatawang sabi ng Ama niya sa kabilang linya.


"I have to end this."


"Wait, Son. The company need you for tomorrow. I have a fight, 10:30 in the evening."


"I can't."


"Why?" Gulat na tanong ng Ama niya sa kabilang linya.


"I'm busy tomorrow. Just call Mommy, hindi talaga ako pwede bukas. Bye." Sabay baba ng tawag ni Shane. Napangiti bigla si Shane ng maalala ang tanong ng Ama. Is he really inlove? He didn't know.


Pinasok na lang niya ang cellphone sa bulsa ng maong ng suot niya at bumalik sa booth nila Sky. Naabutan niya itong nag bibigay ng flyers. Kumuha na din siya para matulungan ang babae.


Hapon na ng makapagpahinga sila.


"Kakapagod." Tinitigan ni Shane si Sky na hinihilot ang nuo nito. Agad naman itong tumayo bumili ng tubig.


"Here." Abot niya ng botted water.


"Thank you." Uminom ito, "Ikaw?" Sabay bigay niya ng botted water na may kaunti pang laman.


"Sure." Kinuha naman nito at ininom ang natitirang tubig. "Ganto ba lagi dito pag dinadaos ang Flower Festival?"


"Oo. Kahit hindi naman talaga dapat flower festival pero dahil sa loob ng limang taon na dahil sa mga bulaklak dito satin ay naisipan ni Mayor na bigyan ng araw ang mga farmer ng mga bulaklak ng araw ng kasiyahan. Oh, araw nila kaya may ganito na dinadadaos. Parang hindi ka taga dito sa tanong mo." Tinitigan lang siya ni Sky ng masama.


"Taga dito ako. Sa Calinog ako pinanganak sadyang sa City lang ako nag tatrabaho."


"Okay. Mag tanong-tanong ka kasi sa mga magulang mo. Kasi kung iba ang kasama mo. Masasabihan ka lang na mayaman na bobo." Sabay peace sign niya.


"I will ask."


"Saan ba ang bahay niyo?" Seryosong tanong ni Sky kay Shane.


"D'yan lang sa tabi-tabi."


"Weirdo." Nakangiting sabi ni Sky. Tumayo ito sa pagkakaupo. "Manang Jane, magligpit na kayo para makapag meryenda na kayo. Maya, Tisoy tulungan niyo nga si Manang Jane." Utos ni Sky sa dalawang kapatid.

In The Field of Golden Petals (Calinog Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon