KABANATA 34
NAKALIPAS na ang dalawang linggo at pasukan na. Maaga akong nagising para mapaghanda ko si Maya ng babaunin niya sa pag pasok. Nang makaalis na ito ay niligpit ko na ang hapagkainan at mamimili ako ng pagkain namin dahil wala na kaming stock ng pagkain. Mag dadalawang buwan na kami dito kaya bibili na ako.
Nag hahanap din ako ng pwede pag trabahohan dahil nga nag-aaral na ulit si Maya.
Pagkatapos kung bumili ay naisipan ko munang dumaan sa Clinic. Nung isang linggo duman ako dito para ipacheck up sila Guren at Datina. Dahil nakalimutan kung bumili ng Dog Food ay dumaan ulit ako ngayon.
Maraming tao sa gilid ng Clinic kung saan may shop din si Doctora Wed. Mas lumaki pa lalo ito.
Dumeretso na ako sa loob ng Clinic dahil alam kung nandun lang ito.
"Good Morning, Miss." Bati sakin ng assitant ni Doc.
"Good Morning," bati ko. "Nandyan si Doc?" Tanong ko dito.
"Nasa loob." Sabay turo niya sa opisina ni Doc.
"Salamat."
Kumatok ang Assistant nito at binuksan ang pinto. Ako naman ay dala-dala ang mga pinamili ko. Ayoko din umuwi muna at bumalik ulit, sayang pamasahe.
Nang nakapasok ako ay nakita kung nakayuko si Doc na parang natutulog ito.
"Doctora, si Miss Perez."
Bigla namang nagising si Doc.
"Sky. Pasyensya na nakatulog ako." Mahinang tawa niya habang inaayos ang kunting gulo ng buhok nito. Kitang-kita na mukhang napuyat ito. Ang kanyang mga mata na pulang-pula. Umiyak ba ito? Ayoko namang magtanong.
"Okay lang, Doc."
"Napadaan ka?" Tanong nito.
"Bibili lang ako ng pagkain nila Guren at Datina."
"May good news ako." May kinuha ito sa parang stock room ata hindi ko alam. "Here." Inabot nito sakin ang basket ng sabon at shampoo para sa aso.
"Saan galing to, Doc?"
"From someone you know," tinulak nito ako habang dala-dala ang basket, "bye."
"Doc. Yung pinamili ko."
Tumawa na lang ito at nagpatulong na ilabas ang pinamili ko.
"Mag pasundo ka kasi. Para hindi kana mahirapan."
"Kanino naman?"
"Kay, hmmm. Speak of sino ang susundo," kumaway si Doc at binaling ko naman ito para makita kung sino. "Mr. Almojela."
BINABASA MO ANG
In The Field of Golden Petals (Calinog Series #1)
RomanceA young woman who lives in the province. Her Father owns a flower farm in their area. Dahil sa probinsya siya nakatira ay nasanay na si Airian sa mga gawaing pang bukid. Hindi maarteng bata at may galang sa matatanda. Hanggang sa isang araw may nab...