KABANATA 6
KAHIT MAAGA akong nagising mas maagang nagising si Amang. Gusto ko sanang humingi ng patawad dahil sa nainasal ko. Alam ko na may mali naman ako dun, pero sumusubra na ang pamilyang Almojela. Halos mag iisang taon na nilang pinagpipilitan na bilhin ang farm. Hindi pa sila nakuntinto na halos kalahati ng lupa dito sa bayan ng calinog pag mamayari nila.
Lumapit sakin si Kaede habang may dalang maliit na mangkok na may lamang mangga. "Mangga?"
"Salamat na lang." Nasa ilalim ako ng punong mangga.
"Hindi naman galit ang Amang mo sayo. Nag-usap kami kabagi habang pauwi ng Farm."
"Kasalanan ko din naman. Nakakahiya yung ginawa ko. Pinahiya ko si Amang sa harap ng Almojela." Nakayukong sabi ko.
"Alam din naman ng buong trabahante dito sa Farm na ganyan talaga ginagawa ng mga Almojela sa mga tao dito sa bayan natin. Porket may kapangyarihan sila kung sino-sino na ang kinkalaban nila kahit pubri ka hindi nila pinapalampas." Seryosong sabi ni Kaede.
Nakakatuwi. Si Dos at Kaede may pagkapareho ng ugali at may paninindigan may awa sa mahihirap. Buti nga at may mga opisyal pa na gobyerno na hindi yaman at kapangyarihan ang habol ang dahil kung bakit nasa pwesto, tulad ng Ama ni Dos.
"Amang." Napatayo ako bigla ng papalapit samin si Amang. "Hindi ko—"
"Ang Amang ang nagkamali. Patawarin mo sana ako. Pangako anak kahit anong mangyari hindi ni amang ipagbibinta ang buong Farm na ito kung sino mang mayaman. Hanggat nabubuhay ang Amang hindi mawawala satin ang Farm." Niyakap ko si Amang ng mahigpit. Tumatango lang ako sa pag sangayon.
Hapon na nang dumating si Dos.
"Kanina pa kita hinihintay." Masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya.
"Nakatulog ako eh." Sabay kamot niya ng ulo.
"Kaya naman pala. Tara na naghihintay na sila Amang."
"Saan ba punta natin?"
"Sa batis." Sabi ko.
"Talaga? Sama ako ha." Excited na sabi nito. Parang bata talaga.
Pagkadating namin sa rest house kinuha na namin ang mga pagkain na dadalhin at dumiretso sa batis. Wala paring pinagbago ang batis na sakop ng lupang nabili. Pag kadating namin ay nag hubad na ng damit si Dos at tumalon sa batis habang nag aayos kami ng mga dala namin.
"Whooo. Shit. Ang lamig." Sigaw ni Dos ng bumagsak siya sa tubig.
"Yan kasi." Napatawa na lang kami nila Amang. Lima lang kaming pumunta ng batis. Ako si Dos, si Amang at ang dalawa kung kapatid. Halos dalawang oras kami sa batis at na isipan na naming umuwi. Nagligpit kami pagkatapos.
BINABASA MO ANG
In The Field of Golden Petals (Calinog Series #1)
RomanceA young woman who lives in the province. Her Father owns a flower farm in their area. Dahil sa probinsya siya nakatira ay nasanay na si Airian sa mga gawaing pang bukid. Hindi maarteng bata at may galang sa matatanda. Hanggang sa isang araw may nab...