KABANATA 28
"ATE." Tapik ni Maya sa balikat ko. "Ayos ka lang, te?" Nag aalalang taong nito sakin.
"Ah oo. Namimiss ko lang si Amang at Tisoy." Umupo si Maya sa tabi ko at niyakap ako.
"Miss ko na din sila."
"Hanggat andito si Ate. Hindi kita iiwan."
Mga ilang minuto na ganto lang kami. Magkayakap sa isa't-isa. Hanggang sa kumalas si Maya sa pagkakayakap at kinuha ang bag. Nag paalam itong papasok na.
Nasa isang barangay kami sa Bacolod kung saan wala ngang nakaka kilala samin. Simple kaming namumuhay hindi tulad nang sa Calinog kami. Kahit ano pwede naming bilhin ngayon ay kailangan kung pag isipan pa.
Pag kadating namin dito ay agad kung tinawagan si Marga kung may branch ang Brew's Cafe and Resto Bar at sakto din na meron daw kaya kinuha ko ang number ni Mr. Ramos at kinausap ko ito. Buti na lang at naintindihan ni Mr. Ramos ang kalagayan namin. Kung hindi din nag tanong si Mr. Ramos sa nangyari ay hindi ko malalaman na kalat na pala sa katabing bayan ang nangyari sa farm namin. Hindi ko alam kung sino-sino pa ang mga nakakaalam sa nangyari.
Naligo na din ako at nag bihis para pumunta na nang trabaho. Isang sakayan lang ang branch ng Cafe mula sa bahay na tinitirahan namin. Pagdating ko binati agad ako ni Kuya Marlon ang security guard ng Cafe. May kalakihan ang branch dito dahil nga nasa City kami at maraming mga taong pumumunta.
"Good Morning, Airian." Bati sakin ni Kuya Marlon.
"Magandang umaga din, Kuya Marlon. Andyan na si Manager?" Tanong ko.
"Hindi pa."
"Ganun ba. Sige, trabaho na ako." Nakangiting sabi ko.
Maraming nag ttake out ng order nila dahil subrang punto ang buong building mula sa baba hanggang sa second floor ng Cafe. Hindi ganto ang mga taong kumakain dito hindi tulad sa unang ay kung bibilangin ay hindi lalampas sa benteng katao ang pumupunta. Yun nga lang pag gabi maraming mga Businessman ang pumupunta dun.
"Airian." Tawag sakin ng Katrina. "May chika ako sayo."
Sa loob ng anim na taon. Lagi kung nakikita si Tanya kay Katrina. Marami silang pag kakaparehas sa mga chika, ngiti, at higit sa lahat subrang bait nito sakin kahit nong bago palang ako. I miss them.
Kamusta na kaya sila? Anim na taon na at hindi ko alam kung namiss din kaya nila ako? Ang huling usap namin noong tumawag ako para dito sa branch ng Cafe sa Bacolod at hindi na nasundan pa ulit. Kahit sila Tat ay nawalan na din ako ng koneksyon simula nong lumuwas kami papuntang Bacolod. Ganun din kay Dos at sa iba ko pang mga kaibigan.
Nasa counter ako kung saan tumatanggap ng bayad, cashier ako. May kataasan naman ang sahod kaya, okay na okay ako sa trabaho. Minsan pag kulang sa waiter tumutulong din ako sa pag seserve ng pagkain sa custumer.
"Btw, sasama kaba samin?" Tanong ni Katrina.
BINABASA MO ANG
In The Field of Golden Petals (Calinog Series #1)
RomanceA young woman who lives in the province. Her Father owns a flower farm in their area. Dahil sa probinsya siya nakatira ay nasanay na si Airian sa mga gawaing pang bukid. Hindi maarteng bata at may galang sa matatanda. Hanggang sa isang araw may nab...