KABANATA 27
ILANG BUWAN na simula nong nag simula akong mag trabaho sa Brew's Cafe and Resto Bar. Nang malaman ni Amang na natanggap agad ako subrang saya niya. Alam niyang parangarap ko ito dahil kasama kaming nangarap.
Maaga akong umalis papuntang cafe. Pagkababa ko ng jeep ay saktong kalalabas lang ni Marga na may dala-dalang itim na plastic bag. Nilapag niya ito sa may gilid na kung saan kinukuha ang mga basura ng Cafe.
"Good Morning, Sky." Maligalig na bati ni Marga.
Napangiti ako. "Magandang Umaga din sayo, Mr. Dalas."
Napasimangkot ito sa narinig. "Hoy. Hindi ah. Magkaibigan lang kami ni Mr. Dalas." Depensa agad ni Marga.
Napatawa lang ako.
"Relax. Wala naman akong sinabi na iba." Tinapik ko ang balikat niya, "So, defensive." Napatawa na lang ako nang malakas.
"Pasok na nga tayo." Sabay hila nito sakin papasok ng Cafe.
Pagkapasok namin ay binati agad ako ng mga kasamahan namin. Hindi parin sila nagbabago. Imbes lang kay Elizade. Laging masungit pag dating sakin. Wala naman akong ginawa sa kanya upang ganun siya mag trato sakin. Ang mahalaga wala akong tinatapak sa trabahong pinasukan ko.
Habang nag lalagay ako ng mga cup sa lagayan biglang lumapit si Tanya sakin. Bagong chismis na naman ito.
"Sky, may chismis ako." Sabi ko na nga ba.
"Na naman. Tungkol kanino naman?"
"Tungkol kay Elizade." Mahinang sabi niya.
Napalaki ang mata ko. Si Tanya talaga kung sino-sino lang.
"Alam mo sabi ni Marga. Kabet daw si Elizade ni Mr. Guevara."
"Kayo ha. Baka patalsikin tayo di nito sa pinag gagawa niyo." Sabi ko sa seryosong tono.
"Talaga nama—" Hindi na natapos ang sasabihin ni Tanya dahil biglang pumasok si Elizade sa kusina.
"Yan. Mag trabaho na lang kasi."
Natapos na ang buong araw at pauwi na ako. Sakton din na may dumaang Jeep at sumakay na ako pauwi. Pagdating ko nang bahay ay hindi pa ako nakakakain ay biglang tumunog ang phone ko. Sunod-sunod na text messages ang dumadating. Biglang nag ring ito. Kinuha ko ito at sinagot.
"A-ate..." Naiiyak na sabi ni Maya sa kabilang linya. Kinabahan na ako dahil hindi na ito nag salita at iyak lang niya ang naririnig ko.
"Maya. Ano ba? Anong nangyari? Bat ka umiiyak?" Sunod-sunod na tanong ko dahil sa kinakabahan na ako.
BINABASA MO ANG
In The Field of Golden Petals (Calinog Series #1)
RomanceA young woman who lives in the province. Her Father owns a flower farm in their area. Dahil sa probinsya siya nakatira ay nasanay na si Airian sa mga gawaing pang bukid. Hindi maarteng bata at may galang sa matatanda. Hanggang sa isang araw may nab...