KABANATA 20
NANDITO ako ngayon sa labas nang campus at hinihintay si Shane. Araw-araw kaming bumabalik upang mag insayo ng graduation song na kakantahin namin. Hindi nakaka stress dahil kahit ang iban lalaki sumusunod naman sa kung anong sasabihin. Hindi maiiwasan yung kahit graduating kana makulit parin.
"Bye Sky."
"Bukas ulit, Miss Vali."
Napangiti lang ako. "Ingat kayo." Sabay kaway ko sa kanila.
"Miss Vali. Hmmm. Interesting."
Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko. Bumaling ako sa likod ko at tinitigan ko ng masama si Shane na nakangiti sakin.
"Kanina kapa?"
"I just got here. Flowers." Sabay abot niya ng dala niyang orange roses. So sweet.
"Flowers, again?" Nagtataka na talaga ko dahil tuwing nag kikita kami lagi niya akong binibigyan ng boquet of flowers. Hindi ko lang matanggihan na wag tanggapin dahil subrang gaganda ng mga bulaklak na binibigay nito sakin.
"I know you really love flowers. Hangga't na bubuhay ako asahan mong may mag bibigay sayo." He kiss my forehead. The he whispered, "I love you."
Ngumiti ako ng patago. Parang nag sikantahan ang mga lamang loob ko sa kilig na nararamdaman ko.
"Let's go."
Sumakay kami sa sasakyan niya at huminto sa malapit na burger stand.
"Gusto kong kumain ng burger." Sabay baba ko sa sasakyan niya.
"What if," Napahinto ako sa sinabi niya. "Nuh, never mind." Sabay baba na din niya.
"Akala ko hindi kana baba." Sabay tingin ko sa kanya. "Ate, dalawang order nga ng cheese burger."
"Dito niyo lang kakainin?" Tanong ng tindera sakin.
"Opo, Ate."
Habang niluluto ni Ate ang order namin. Nag salita si Shane sa tabi ko.
"Ayaw mo ba sa jollibee? I treat you." Sabi ni Shane habang busy sa cellphone na hawak niya. "Mas masarap—"
"Mas masarap ang Jollibee? Jollibee is fine but just try the angels burger. Masarap din naman to. Here, eat it." Sabay sabot ko sa kanya ang naunang naluto.
"Baby."
"Isa lang. Pag hindi mo nagustuhan hindi kita pipilitin."
"Fine." Kunot niyang nuong kinuha sakin at kumain.
BINABASA MO ANG
In The Field of Golden Petals (Calinog Series #1)
RomansaA young woman who lives in the province. Her Father owns a flower farm in their area. Dahil sa probinsya siya nakatira ay nasanay na si Airian sa mga gawaing pang bukid. Hindi maarteng bata at may galang sa matatanda. Hanggang sa isang araw may nab...