MLFH 27

73 5 0
                                    

"O, ako naman!" Sabay singit naman nung katrabaho ko ring lalake.

"O, ano yung sayo?"

"Anong dapat gawin kung nahulog ka na sa taong hindi mo alam kung magugustuhan ka rin ba niya? Kasi yung akin. Ubod ng MANHID! Grabe."

"Uh, edi sabihin mo sa kaniya nararamdaman mo. At kung hindi ka man niya mahal ngayon, hintayin mo na lang siyang mahalin ka rin. Pero kung may mahal siyang iba.. Set her free."

"Ngek, edi masasaktan ako?"

"Tama siya." -Sabi nung lalaki kaninang humingi ng payo sakin.

"Syempre masasaktan naman talaga tayo pag pinakawalan natin yung mahal natin.. Pero kahit papaano, parang tayo ang naging dahilan kung bakit masaya sila. Dahil pinakawalan natin sila at ipinaubaya sa taong alam nating dun talaga siya sasaya."

Parang sa mga salitang binitaw ko, pakiramdam ko may mali sa nararamdaman ko.

"Nuxx p're, nainlove ka na noh?" Sabi sakin ni Mark yung kaninang humingi ng payo.

"Huh? Hindi pa noh." Sabay siko ko sa kaniya kaya medyo naalis yung pagkaakbay niya sakin.

"Sus, dami mo ngang alam. Love expert ka kasi."

Eight years old pa lang ako, pero parang binata na nga talaga ako. Dahil sa naksanayan ko na to.. Pero teka, ako inlove? Kanino naman?

"Tol, pag ikaw naman nainlove samin ka naman humingi ng payo ha?" Sabi ni Dexter habang ginugulo yung buhok ko.

"Alam mo kasi Francis, kung pakiramdam mo bumibilis yung tibok ng puso mo sa taong kasama or kausap mo... LOVE na yan! Wag ka ng magtaka pa kung ano yung tinitibok ng puso mo. At pagnakilala mo na kung sinong tinitibok ng puso mo, oy ha. Pakilala mo sakin." - Mark

"Hoy, magtrabaho nga kayo dyan! May customers pa!" Ayan, napagalitan tuloy kami.

"Siya yung sinasabi ko sayo.." bulong ni Mark sabay lapit na kay Emma na nasa counter.

"Tol, masungit yan ano ka ba?" Sabay punta na rin ni Mark sa trabaho niya.

Bumilis na ba ng sobra yung tibok ng puso ko?

Hindi pa naman yata e.

***

"Uy, hijo gising dyan." Hmm.. Parte ba yun ng panaginip ko?

"hijo..." nagmulat ako at nakita ko ang isang matandang kinakalbit ako kanina pa. Ay, ang init na nga pero pakiramdam ko parang medyo malamig pa.

Sinubukan kong umupo ng ayos kaso ang sakit ng ulo ko. Pano, umulan kasi kagabi e. Inaagawan pa ako ng ibang bata at binata ng pwesto.

"Hijo, kailangan mo ba ng tulong? Inaapoy ka kasi ng lagnat e.. Dalhin na ba kita sa hospital?"

"Ay nako, salamat na lang ho Lo. Pero mukhang kaya ko pa naman po to e. Sige ho Lo, baka hinahanap na po kayo ng kasama niyo po."

"Sabi mo ha. Sige, ingat kang bata ka." Sabay alis na niya. Napakabuting tao naman niya.. Pagpalain sana siya.

Umalis na ako sa pwesto ko at yakap yakap ang sarili kong naglalakad na papuntang school.

San ako natulog? Maniniwala ba kayo? Kasi ang totoo niyan. Nakatulog ako sa may kalye. Pero yung uniform ko, laging kong nilalabhan bago ako makatulog. Tapos matutuyo na lang siya sa sampayan. Ah basta, mahirap iexplain pero kaya ko naman e.

Pagdating ko sa school andito na naman ang mga bulungan tungkol kay Keira.

"Si Ms. Keira ba yun? Parang may naiba oh."

My Love from HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon