MLFH 17

88 6 0
                                    

Francis' P.O.V

"Let's be friends..."

Tama ba ang narinig ko? Payag na syang makipagkaibigan sakin? Hindi ko tuloy maiwasang lumawak pa ang ngiti ko sa sinabi niyang mga iyon.

"T-talaga?"

Nagkibit balikat lang sya sakin at nagpatuloy sa ginagawa niya.

"Uy, paki-ulit naman nung sinabi mo.. Dali na oh, para makasigurado lang.." pangungulit ko sa kanya habang mahina ko syang niyuyug-yog.

"What I said is true. But if you want me to--"

"Okay na. Atleast ngayon, nakakasigurado na nga e. Maraming maraming salamat talaga sayo..."

Hindi man lang nag-welcome? Bayae na nga, masaya naman akong magkaibigan na kami e.

1st step, check!

2nd step? Mukhang mahirap e. Lalo na sa last step. Pero alam kong madali lang to, dahil kailan ba nagbigay ng challenge si Lord kung alam naman niyang hindi ko kaya?

May tiwala ako kay Lord. Kaya, AJA!

***

Napatingin ako sa relos ko. "Wala ka pa bang balak umuwi? 7:30pm na kasi e." Sabi ko sa kanya habang iniinom yung C2 ko at naglalakad.

"Uuwi. Okay, bye.." nauna syang maglakad pero syempre sinundan ko sya kaya napalingon sya sakin na binawi rin niya.

"Hatid na kita, just to make sure na makakauwi kang ligtas..." nakangiti kong sabi sa kanya.

"No need. Umuwi ka na rin..."

Napahawak naman ako sa batok ko. "Uh, actually hindi ko naman kailangan pang umuwi e.. Kahit saan kasi ako natutulog e."

Napatingin sya sakin ng kunot noo kaya, kinuwento ko na ng maayos. "Uh, wala kasi akong...Uh, permanenteng lugar. Kumbaga.. Walang--ehehe. Basta." Pilit kong pagngiti.

"You don't have your permanent address? How do you study in a very rich school?"

"Kahit na sino naman pwedeng magaral duon e. Lalo na kung matalino ka.."

"So, you're a scholar?"

Tumango ako. "Yes. And I'm also a working student sa coffee shop."

She nod without looking at me.. "You don't have apartment?"

"Yung sweldo ko kasi...3k lang, e sa mga apartments. Ang pinakamababang presyo is 4k. I can't afford that price."

After nun, hanggang sa makarating kami sa...condominums yata to. Nung makarating kami dito, ay tahimik lang kami.

"Uh, sige Keira.. Una na ako ha?" She nod without looking, as usual.

I started to turn and walk away pero napahinto rin nung magsalita sya. Kaya lumingon ako at nag 'huh?'

Lumingon sya sakin.. syemore walang reaction ang mukha. "You can sleep with my unit."

Nagulat ako nung sabihin nya iyon.. Magsasalita pa sana ako nung dugtungan nya pa ang sinasabi niya..

"Don't worry. You'll be staying here for only one night." Tumalikod na sya at pumasok duon sa unit nya pero iniwan naman nyang bukas yung pinto.

Napangisi naman ako... Sabi ko na nga ba e, alam kong mabait talaga sya. Well, matagal ko ng alam na mabait sya pero hindi nya kasi masyado pinapahalata e.

Pumasok na ako at ako na ang nagsara nung pinto.. Wow. Ang ganda nung condo nya. Hindi naman sya galit sa peach noh?

Favorite color nya siguro iyon. Ako kasi, sky blue e. Nakatingin lang ako sa paligid habang naglalakad. "Hindi ka naman galit sa peach noh?" Sarcastic kong sabi.

My Love from HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon