MLFH 48

71 6 0
                                    

Francis' P.O.V

"G-gising... Gising ka na?" Hindi ako makapaniwala. Totoo ba to? Pwedeng pa-kurot kasi, ewan ko kung nakatulog ba ako kakaiyak e.

"Wet." Kumunot yung noo ko sa sinabi niya, pero nung tingnan niya yung kamay na hawak hawak ko, ay nabitawan ko sabay punas nun. Oo nga, basang basa na dahil sa kakaiyak ko.

"Kamusta na pakiramdam mo? Ano, uh.. May.. May m-masakit ba sayo ha? Sabihin mo lang sakin. Tatawag ako ng doctor. Ano, sinong gumawa nito sayo? Sinong nanakit sayo? Sabihin--" Napahinto ako sa pagsasalita nung hawakan niya ng dahan dahan yung pisngi ko.

Sabay ngiti.

"I'm.. F-fine." Parang ayaw kong maniwala sa sinabi niya. "Thanks."

Ngumiti rin ako pabalik. Namiss ko siya, namiss ko yung boses niya. Namiss ko yung ngiti niya.. Pero.. Bakit naiyak siya?

"Keira, yung totoo? Anong masakit sayo ha? Bakit ka, umiiyak? Keira naman e, sabihin mo na yung totoo. Ano?"

Ngumiti lang siya sabay sabing.. "Nakita.. K-ko si.. Mom and.. M-mamita."

Nagulat ako sa sinabi niya, kaya ba matagal siyang nagising kasi.. Pero salamat sa kaniya dahil hindi siya sumama. "Gustong.. gusto k-kong sumama.. Pe..ro.. N-naalala.. Ko, ikaw.. At.. s-si Mei.."

"Keira, bakit ganiyan ka magsalita? Nahihirapan ka bang magsalita? Ayos lang naman kung wag ka ng magsalita muna. Mamaya mapano ka pa--"

"Stay. Will you?" Huh? Anong stay? "D-don't.. go."

"Keira, I don't understand what you're saying."

"Just.. stay." Parang naging mabagal na sa akin ang lahat. Bigla na lang siyang umubo ng umubo, tapos parang gusto niyang pumikit pero pinipigilan niya..

Dali dali akong tumawag ng doctor at nurse, kaya mabilis rin silang nakarating. Ayaw ko pa sanang lumabas, pero si Meicon na mismo ang nagsabi sa akin na kailangan daw. Anong nanyayari kay Keira? Gising na siya e. Anong nanyari?

Naintindihan ko na Keira.. 'Susubukan kong manatili dito, basta subukan mo ring manatili sa tabi ko.'

"Gising na ba siya, ha Frank?" Nilingon ko si Mei, nagpipigil siya ng luha. Tumango ako at yumuko. "Pero bakit ganun? Bakit.. Bakit nagkaganun pa siya, Mei?"

"Intindihin mo na lang ang sitwasyon ni Keira. May saksak siya sa tagiliran niya, at malakas pa ang pagkakauntog sa kaniya sa ulo."

Yumakap ako kay Mei, at inangat yung ulo ko para tingnan siya. "Hindi naman siya.. mawawala diba?"

She sniffed. "She's Keira. She can't do that. She's brave, and strong."

I hope so.

***

Naalimpungatan ako, sa tumawag sa akin. Paglingon ko sa babaeng nakasandal sa balikat ko, si Mei. Tulog.

"Frank.." Hinanap ko yung boses na yun.

Asan yung mga tao? Asan sila? Paglingon ko uli sa tabi ko. Wala na si Meicon. Asan na siya? Saan siya nanggaling?

"Frank.." napatayo ako at hinanap yung boses na yun. Nakailang Frank na, saka ko lang nalaman na mula sa chapel galing yun.

Kaya dahan dahan akong sumilip duon. Wala namang tao..

"Frank.." napatingin ako sa cross. Si Lord pala ang tumatawag sa akin. Lumapit ako, naupo sa bench, lumuhod at nakatingin lang sa kaniya. "Bakit po?"

My Love from HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon