MLFH 39

64 5 0
                                    

Francis' P.O.V

Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na nagpasaya sakin. Ang araw na nakilala na niya si Lord. Ang araw na natutunan rin niyang mahalin at intindihin si Lord.

Maraming salamat talaga kay Keira !

Andito nga pala ako ngayon, papasok ng school. Tapos na rin sembreak namin, last month. Sakto nga e, pagpasok na pagpasok exam namin kaagad.

"Hi babe." Nagulat ako sa tumapik sa balikat ko at hinalikan ako sa pisngi. Syempre, si Emma lang naman ang nagawa nun e.

"Hi. Goodmorning." Nginitian ko pa siya.

Ano ba ang 'babe' ?

Endearment ba yun o ano ?

"Let's eat lunch together. After ng exam?"

Tumango naman ako. Kesa naman sa tanggihan ko at magdahilan pa. Ayaw ko namang magsinungaling at mas lalong ayaw kong sabihin na ayaw ko siyang makasama. Dahil hindi naman ako insensitive na tao para hindi malaman/maramdaman ang pwede nilang maging reaction.

"Okay. Bye babe." Sabay halik na naman sakin. This time, hindi na sa pisngi sa labi na uli.

Ano ba kasi ang babe? Matanong nga mamaya kay Keira.

Nagderetso na ako ng pasok sa gate at pumuntang rooftop para tingnan kung nandoon na ba si Keira. Kaso eenk ! Wala pa siya.

Pag talikod ko, nandun na siya sa may pinto nakangiti sakin at nakacross arms.

"Hinihintay mo talaga ako ah?"

Napakamot ako sa ulo. "May itatanong lang.."

Dumungaw siya kaya ganun na rin ako saka tinanong yung gusto kong itanong. "Kanina kasi nakita ko si Emma. Nagkita kami.."

"O tapos?"

-_-

"Ayun.. She called me 'babe' and I don't know why she call me that. What is babe ? Endearment ba yun?"

Facepalm

"Babe lang di mo pa alam?"

Napa-pout ako. Grabe naman siya sakin.

Nagulat ako nung pisilin niya magkabilang pisngi ko saka binitawan. Pero sobrang init naman bigla nung aking pisngi. Anyare ? Napadiin siguro ang pisil ni Keira sa pisngi ko. Nagiinit tuloy.

"Yes. It is an endearment. Lovers usually have their own endearments like baby, babe, cupcake, sweetie, and etc."

Tumango tango ako. Ah.. Tama nga ako, endearment nga yun.

So.. ibe-babe ko rin siya?

"Dapat ko rin yata siyang tawaging babe kung ganun." Nakaramdam ako ng hiya nung wala sa sariling sabihin ko yun. Napatingin ako kay Keira na tulad ko lang kanina na nakatingin sa may langit.

Nandito si Keira, tapos nagawa ko pa talagang sabihin yun? Nakakahiya.

Maya maya may nagring sa phone niya. Agad naman niyang sinagot.

"Hey... Sure... When... I'll be there... thanks Kyle :) " sabi ni Keira habang palayo ng palayo. Narinig ko pa yung last word e. Yung thanks at yung pangalan ng kausap niya.

Minsan napapatanong rin ako sa sarili ko.

'May pagasa ba ako kay Keira?'

"Moment na moment kayo kanina ah." Nanlaki mata ko at agad na napatingin sa likod. nakapamulsa siyang papalapit sa tabi ko. Nakadungaw.

My Love from HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon