Kabanata 25

2.3K 107 11
                                    

Kabanata 25

Nagising na lang ako kinabukasan na nasa kwarto na ako namin ni Joaquin dito sa penthouse. I couldn't recall all the details from last night. Ang naalala ko lang ay may inattend nga ako na party. I had few drinks and I danced with Anja and our other friends...

My phone kept ringing at iyon din ang nagpagising sa akin. Tawag ni Anja ang una kong nasagot. Napahawak pa ako sa ulo ko na sumasakit dahil sa hangover. "Anja—"

"Angel! Kumusta? Ano'ng sinabi ni Joaquin?" She sounded nervous and worried.

Kumunot pa lalo ang noo ko na nakakunot na kanina dahil sa iniindang sakit ng ulo. "What do you mean, Anja?" Papikit-pikit pa ang mga mata ko. And I even yawned dahil inaantok pa...

"You just woke up?"

"Oo...medyo masakit pa nga ang ulo ko... Marami ba akong nainom kagabi?" Parang nanghihina ko pang sinabi.

"Angel... Nasaan si Joaquin? Nag-usap na ba kayong dalawa?"

Why does she kept on asking about my husband... "Bakit, Anja..."

I can hear her sigh from the other line. "Nagkakatuwaan na kasi tayo kagabi... I'm sorry, Angel. Hindi kita nabantayan. The next thing that happened nakita ko nang nandoon na si Joaquin at kinukuha ka na...pagkatapos niyang masuntok si Fred..."

"What?" Fred was my photographer friend. Ano ang nangyari...

Pagkatapos ay unti-unting nanlaki ang mga mata ko dahil parang naaalala ko na ang nangyari kagabi. Palakas din ng palakas ang pintig ng puso ko. I remember dancing not only with my girl friends...but also with couple of male friends, too... As what I can remember. We were just having fun...

"Anja, I'm sorry. Can I call you again later?" I have to see Joaquin now and explain to my husband! Kahit gusto ko pang magtanong kay Anja ng iba pang mga detalye tungkol sa nangyari kagabi, pero mas importante na makausap ko na si Joaquin ngayon din.

We can't have another misunderstanding... Wala na nga kami halos oras sa isa't isa ay magkakroon pa kami ng hindi pagkakaunawaan.

And now that I've already decided to just focus on my relationship and marriage with Joaquin!

Actually, huli na iyong kagabi. Dahil party naman iyon na hinanda sa akin ng mga kaibigan ko sa industriya. At gusto ko rin namang i-celebrate rin ang success ko sa mga nakalipas na taong pagmomodelo ko. I'm really grateful for the opportunities and experience for the past three years. May napatunayan na rin ako sa sarili ko at sa industriya na pinili ko. At ngayon napatunayan ko sa sarili ko rin kung ano ang mas mahalaga sa akin...

Kaya nga hindi na ako pumirma pa ng mga bagong kontrata. Tinapos ko lang talaga iyong nakapirma na ako. And now I'm free to just be with Joaquin like what I've always wanted since I met him...

I realized that the past years I also became selfish... Naisip ko na parang sarili ko na lang din pala ang iniisip ko noon... At nakakalimutan ko na rin pala si Joaquin... I was satisfied with modeling. It's my passion and I enjoy it. But sometimes you cannot have everything... You have to sacrifice, you have to choose between what's really more important to you...

And I realized that maybe I just couldn't accept where I was years ago. Kahit masaya na rin naman ako noon sa buhay mag-asawa namin ni Joaquin. But I wanted more...because I was insecure...

Joaquin may have been just putting up with me... Kahit siguro ang gusto niya rin na manatili lang ako sa tabi niya... Dahil kailangan niya ako. And I realized that it's enough for me to be needed. Kailangan ko si Joaquin at kailangan niya rin ako dahil mahal namin ang isa't isa...

But I was not content. If only I learned to accept what's already in front of me. Kasi totoong masaya naman na ako noon. Happiness comes with acceptance, too. Kapag tanggap mo na kung sino ka o nasaan ka man ngayon, I think other things wouldn't affect you anymore.

Ilang beses ba ako kailangan na matuto pa? Bakit pakiramdam ko ay mali na naman ang nagawa ko...

Lumabas ako sa kwarto para hanapin si Joaquin. At nasa tainga ko rin ang phone ko na tinatawagan siya dahil baka nasa trabaho na niya siya at na late na ako ng gising dahil sa hangover. Pero narinig ko ang phone ni Joaquin na nagriring dahil sa tawag ko sa living room lang ng penthouse. Pagkatapos ay naibaba ko na ang phone ko nang makita si Joaquin na nandoon at nakayuko sa harapan ni Bucky...

"Joaquin..."

Nag-angat siya ng tingin sa tawag ko. He looked sad and just turned his attention back to Bucky... Pagkatapos ay nanlaki ang mga mata ko at lumapit sa kanila ng aso...

Years have passed and I realized that our good dog was getting old, too... Ilang taon na rin siya noong una ko siyang makilala rito sa penthouse ni Joaquin. And I remember that dogs has shorter lifespan than us...

"What's happening to Bucky, Joaquin..."

"Kanina pa siya nanghihina...at walang ganang kumain..."

I opened my mouth to talk but nothing came out of my lips. Dinala ko ang kamay ko para haplusin ang balahibo ni Bucky... "Bucky..." I called his name. Tumingin pa siya sa akin pero parang wala na talaga siyang energy...

"I'm bringing him to the vet." ani Joaquin at handa nang dalhin si Bucky.

Napatayo ako. "Sandali lang, Joaquin. Mabilis na mabilis lang akong magbibihis. Sasama ako sa inyo." sabi ko.

Hindi ko na hinintay ang pagpayag ni Joaquin at nagmamadali na akong bumalik sa kwarto para magpalit lang ng mas maayos na damit. Even though my head was still killing me...

Joaquin and I brought Bucky to the veterinarian. Ilang oras pa kaming nanatili roon, but the dog was already showing symptoms of dying... Isa pa ito sa mga nakalimutan ko nang alalahanin... That Bucky's already old...

Even water he wouldn't drink anymore... And I can only cry when I saw him vomiting... Hindi ko na namalayan na darating nga rin pala ang araw na ito...

And I regretted the time when I could've spent more time with Bucky... Because we were always together before. Kapag nasa trabaho si Joaquin ay ang mabait na aso lang noon ang kasama ko sa bahay. And Bucky was a great company.

And I cried more when it was really the time to say goodbye... Run free, Bucky...

Ikaw At Ako Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon