Kabanata 27

2.5K 135 22
                                    

Read this story Completed with Special Chapter on Patreon/Facebook group for 150 PHP monthly membership. Special chapters are exclusive. Message me on Facebook Rej Martinez to join. Thank you!

Kabanata 27

Hinarap ako ng mama. Nagkatinginan kami, at nag-umpisa siyang magsalita. "Hiwalayan mo na ang anak ko." deretso niyang sinabi.

Umawang naman ang labi ko at parang hindi pa ako makapaniwala sa narinig mula sa mama ng asawa ko. "M-Mama..." nautal ako.

Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa. "Hindi ka na nakabubuti sa anak ko... Hindi ko alam kung may future pa ba si Joaquin sa sitwasyon ninyo ngayon... I want my son to be happy. But all you give him are these issues and stress."

Gusto kong sabihin kay mama na titigil na nga ako sa pagmomodelo at mag-f-focus na lang sa amin ni Joaquin. Pero parang tinahi ang bibig ko at hindi na ako makapagsalita... Nang dahil din sa pagkabigla ko sa sinabi nito sa akin ngayon.

Natatakot lang akong nakatingin sa kaniya. Bahagya naman siyang nag-iwas ng tingin bago namin narinig ang mga boses nina Joaquin at Lalaine na mukhang papunta na sa amin.

"I'm really sorry about that, Angel..." Fred said on the other line.

I sighed. Ang dami ko nang iniisip para isipin ko pa iyong nangyari... "It's all right, Fred..." parang wala pa sa sarili na sinabi ko lang. My mind was still with what happened today at Joaquin's mama's house. And what his mama had told me.

Pagkatapos ay nagpaalam na rin ako kay Fred na ibababa ko na ang tawag. It was just a short call and he explained that he was just drunk, too, at ngayon pa lang natauhan sa nagawa... I can only sigh.

"Who called?"

Bahagya pa akong nagulat na nasa likuran ko na pala si Joaquin. "Ah...si Fred lang..." Umigting ang panga niya so I added immediately. "Tumawag lang siya para mag-sorry sa nangyari sa party..."

Wala nang sinabi si Joaquin at tinalikuran ako para pumunta na sa kama namin. Sumunod na rin ako sa kaniya at nagpahinga na nang gabing iyon.

I feel like Joaquin got more busy these days. Late na siya palaging nakakauwi at nakakatulugan ko na ang paghihintay sa kaniya. And although he already explained the reason why he's always with Lalaine—at kasama rin naman ang daddy ni Lalaine. Because they were doing some business. But I still can't help it...knowing that the woman likes my husband...

I think my terrible anxiety came back to me. It all got mixed in my head. Joaquin and Lalaine being always together, Joaquin's mama telling me to break up with his son... Pakiramdam ko ay wala pa akong mapagsabihan... My best friend, Anja, was also dealing with her and my brother's problem, na kasalanan ko rin.

It made my head ache that I spent time in the bathroom to vomit. Ang pangit pa sa pakiramdam. And I was alone in the penthouse because Bucky's also gone...

Umiyak ako pagkatapos magsuka. I feel like there's no one to listen to me, to understand me...and to be there for me.

I was calling Joaquin and he couldn't answer. Naisip kong siguro ay busy pa trabaho. He's always busy. Na hindi pa kami talagang nakakapag-usap. Magpapaalam lang naman sana ako...

Parang gusto kong umuwi na muna sa mansyon namin sa Negros... Hindi ko pa rin nasasabihan sina mama at papa, pero hindi naman siguro nila ako palalayasin doon. I just want to go home...

Nag-empake na ako pagkatapos subukang tawagan si Joaquin. Pagkatapos ay nagbihis na rin ako para sa pag-alis. I left his penthouse na hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya... At maaga pa rin para malaman niyang umalis ako...

"What are you doing here?" Ito ang salubong sa akin ng mama ko.

"Mama..." Binigay ko sa mga sumalubong din na kasambahay ang gamit na dala ko. "Thank you." I politely thanked the maids and smiled to them. Namiss ko rin ang mga kasambahay namin at itong mismong mansyon. Muli akong bumaling kay mama nang wala na ang mga kasambahay. "Pwede po bang dito na muna ako, Mama?" pakiusap ko. Gusto ko lang makapagpahinga na muna rito dahil parang sumasama ang pakiramdam ko roon sa Manila...

"Bakit?" Istriktang tanong naman sa akin ng mama.

"I just want to take a break, Mama..." I said.

"Tapatin mo na ako, nag-away ba kayo ni Joquin? Ano ang nangyari? Ano ang ginawa mo?"

My lips parted and my eyes widened a fraction as I looked at my mama. Bakit kasalanan ko... Maybe it's my fault. Kasalanan ko na ang lahat. "Wala naman po, Mama... Gusto ko lang po magbakasyon dito sa atin at namiss ko rin po kayo ng papa." I tried to smile.

Ngumiwi ang mama. "Ewan ko, Angelica... Hindi ko na alam ang mangyayari sa 'yo."

Hindi ako nagsalita.

"Kung nagkaproblema ka sa Maynila sa asawa mo ba o sa mother-in-law mo, mas mabuting bumalik ka na ngayon doon at humingi ka na agad ng tawad."

"Mama..."

She sighed heavily.

At sa mga oras na iyon parang may kung anong nag-init sa loob ko at parang unti-unti kong naramdaman ang mga emosyon sa puso ko nang sabay-sabay. My mother couldn't even listen to me, and is accusing me. I can't even feel welcome in our own house. At parang pinapaalis pa ako ng sarili kong mama.

"If I'll...tell you everything...would you listen to me, Mama?" I asked her.

Hindi siya kaagad nakapagsalita. And I took that as an opportunity to talk more. "I'm not okay, Mama!" Nag-init ang mga mata ko sa namuong mga luha.

Kumunot pa ang noo ni mama sa akin. "Ano ang ibig mong sabihin, Angelica?"

Hindi agad ako nakasagot. And when I was just about to talk ay ako naman ngayon ang naunahan ng mama sa pagsasalita. "You are living a good life! You are married to a good man. Na pinagbibigyan ko pa nga diyan sa mga kapritso mo." she added. "Ikaw lang itong hindi namin maintindihan!"

"Because you don't try to understand me, Mama! You never did!" I can't help it but shout because of my frustration...

"Ano ang nangyayari rito? Angelica, bakit mo sinisigawan ang Mama mo?" Dumating ang papa at iyon ang naabutan niya.

Naiyak na ako. I felt hopeless. Ayaw akong pakinggan ng mama at nagalit pa sa akin ang papa dahil sa naabutan niyang pagtataas ko ng boses sa mama.

"Pakibaba ang mga gamit ko." sabi ko sa isa naming kasambahay na mukhang napapunta roon nang makarinig ng pagsigaw...

"Saan ka naman pupunta ngayon, Angelica?"

Hindi ako agad nagsalita at sumagot sa mama. Hinintay ko na lang muna ang gamit ko na naibaba rin naman agad ng kasambahay. "Babalik na po ako sa Manila kagaya ng gusto n'yo, Mama." sabi ko.

Natahimik ang mama at papa. At hindi ko na rin gaanong hinintay pa ang sasabihin nila at nakaalis na ako ng mansyon namin...

Mabilis lang din ako nakabalik ng Metro Manila dahil may airplane naman. Pero parang wala pa ako sa sarili dahil sa nangyaring sagutan sa bahay. Ang huli ko na lang naalala ay nawalan na ako ng malay sa airport at pauwi na sana sa penthouse namin ni Joaquin... Siguro ay dahil sa tuloy-tuloy na pagbiyahe at hindi pa ako nakakapagpahinga.

Ikaw At Ako Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon