Kabanata 3

3.5K 193 12
                                    

Kabanata 3

"Namamasyal po kami ni Joaquin kanina sa mga lupain nang biglang umulan at pareho kaming nabasa." paliwanag ko sa Mama at Papa kung bakit nandito na ngayon sa amin si Joaquin.

Nasa hapag na kaming apat para sa hapunan. Agad din kaming kumilos ni Joaquin kanina nang ipatawag.

"Ayos lang, hijo." Mama assured Joaquin with a smile. "We are happy to see na mukhang nagkakamabutihan na nga kayong dalawa." ngiti ng Mama.

Tumango rin ang Papa. Gustung-gusto talaga nila si Joaquin para sa akin. Gustung-gusto ko rin naman si Joaquin.

"Gusto mo ba nito?" inalok ko sa kaniya ang isang ulam.

He nodded at ako na mismo ang naglagay no'n sa plato niya. Nasulyapan ko naman ang parehong pagngiti ng Mama at Papa.

"Ano pala ang paborito mong ulam?" I asked him. May sarili na talaga kaming mundo kahit kasama namin ang Mama at Papa ko doon sa hapag. Nasa kaniya lang ang atensyon ko.

"I think I like tinola..." sagot niya.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Hindi ba't sa States ka lumaki, hijo?" ang Mama.

Maagap naman na binigay ni Joaquin ang atensyon sa Mama ko. He nodded. "Opo, until I graduated college."

"Sa ibang bansa ka lumaki?" singit ko. "Tapos noong dumating ka rito sa Pilipinas naging paborito mo na ang tinola?"

Umiling siya. "Pinagluluto na ako niyan ng Mama habang lumalaki ako kaya naging paborito ko." he said.

"Oh," napatangu-tango ako. "Nasaan pala ngayon ang Mama mo?" Ang dami ko pang hindi alam sa kaniya. Inuuna ko kasi ang paglalandi. Try mo rin kaya maging wholesome kahit minsan lang, Angel? Angel pa naman pangalan ko. I sighed with my own thoughts.

"She's in Manila. Pupunta siya sa kasal natin." Joaquin said.

Napangiti naman ako ng malaki nang banggitin niya ang kasal namin.

"Hindi marunong magluto itong anak namin, hijo." panira ng Mama.

"That can be learned, Mama." bawi ko.

"You don't cook?" Joaquin asked.

Sasagot na sana ako at mag-e-explain nang maunahan ng Mama. "Hindi iyan nagluluto, hijo. Puro party-"

"Mama!" hindi ko na napigilan. Seriously? Sinisiraan niya ba ako sa harap ng mapapangasawa ko? Hindi ba't mapapahiya rin naman sila ng papa? At paano kung umatras si Joaquin sa kasal namin? No.

"Kaya kapag hindi siya naging mabuting asawa maiintindihan namin kapag binalik mo siya sa amin-" ang Papa naman.

"Papa!" halos magdabog na ako doon sa upuan ko.

Tumawa lang naman sila ng Mama. Nagbibiro lang ba sila? Ganiyan na ba sila kalapit kay Joaquin? Narinig ko rin ang bahagyang pagtawa ni Joaquin sa tabi ko kaya binalingan ko siya. Nakakunot ang noo ko.

"Sorry," umiling siya at umayos.

Nagpatuloy ang dinner hanggang natapos. Mukhang hindi nga naman seryoso iyong mga sinabi ng Mama at Papa. Hindi rin sineryoso ni Joaquin. Mukhang malapit na nga rin siya sa parents ko.

"So, you're a party girl, huh." aniya nang hinahatid ko na siya sa labas. Naroon na rin ang sundo niyang sasakyan galing sa kanila. Ang dalawang kabayo ay dito na muna at may kuwadra rin naman kami rito. Bukas ay ipapakuha na lang niya sa mga tauhan o 'di kaya'y siya na ang babalik dito bukas at mangangabayo kaming muli. Gusto ko rin siyang ipasyal sa lupain namin at halos nalibot na rin namin ang lupa nila kanina.

Ikaw At Ako Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon