Kabanata 31
When I woke up the next morning, Joaquin's mama was already in our home... She wanted to talk to me, at ayos lang naman iyon sa akin. Joaquin also didn't go to work today. We talked yesterday night before we fell asleep on our bed but it wasn't that long. Hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya na tumigil na ako sa pagtatrabaho.
"I'm really sorry for what happened last night, and about Lalaine..." anang mama ni Joaquin na nagpapakumbaba.
"Bakit nalaman niya agad na buntis na si Angel, Mama?" Tumingin sa akin si Joaquin. We're not really hiding my pregnancy and we don't plan to. It's just that bago pa nga lang namin nalaman, and it's our privacy. Pero nalaman na kaagad ng ibang tao...
"I'm sorry about that, too, hijo. I got so excited when I learned the good news from you, at aksidente kong nasabi sa kay Lalaine..."
Iyon nga malamang ang nangyari. Ang mama lang kasi ni Joaquin ang pinagsabihan niya pagkatapos lang din namin malaman na buntis na nga ako. At hindi ko pa rin nasasabi sa mga magulang ko ang pagbubuntis dahil hindi rin masyadong naging maganda iyong huling pagkikita namin...
"It's all right, Mama." Inunahan ko na si Joaquin sa pagsagot dahil baka may masabi pa siya sa mama niya... Nagkatinginan kami at nagbuntong-hininga na lang siya.
I invited Joaquin's mama to have breakfast with us. Ang aga rin kasi niya kaming pinuntahan. Siguro ay hindi pa siya nakapagpahinga nang maayos kagabi because of her worries. Hindi niya rin naman kasalanan ang nangyari...
Joaquin wouldn't let me wash the dishes after we ate. Kaya siya ang naghugas ng pinagkainan namin sa kusina pagkatapos. While his mama and I went to the living room...
"I'm really sorry, hija..." muling hingi ng patawad sa akin ng biyenan ko.
I gave her a reassuring smile. "It's all right, Mama... Hindi mo naman po iyon kasalanan..."
Nagkatinginan kami. She still looked guilty. I sighed. Maybe it's the right time to really talk to her, too. "Do you believe her?" I'm talking about Lalaine. "Or what other people says about me..."
Bahagya siyang umiling at nanatili lang din ang tingin sa akin. Muli akong nagsalita nang pakiramdam ko ay hinahayaan naman niya ako at makikinig siya. "I know what other people might be thinking about me... Many doesn't really approve of me being Joaquin's wife..."
"Hija..."
I looked at her in the eyes. I want to take this chance to talk to her and let her know about me, too... "At naramdaman ko rin po iyon sa sarili ko. I felt that I was undeserving of Joaquin... That's why I tried to work hard with myself, too... Because I already love him and I can't let him go. But I was misunderstood..." I gulped a little before I continued. Muli kong tiningnan sa mga mata niya ang mama ni Joaquin. "Mama, you told me to end my marriage with Joaquin..." Pareho kaming umiling. Pero nagpatuloy ako. "But I can't do that. I can only promise you that I will try my best every day to be a wife to him... Because I love Joaquin. I love your son..."
"Kaya po ako nagsumikap... Pasensya na po kayo kung iba ang kinalabasan ng pagsisikap kong maging karapatdapat na asawa kay Joaquin... Pero wala po akong ibang intensyon kundi ang maging nararapat lamang sana para sa kaniya..."
When my tear fell...bumuhos din ang luha ni mama... Pareho kaming naging emosyonal. And I'm glad that she heard me out and let me say the things that I should've said even before...
"I'm very sorry, Angel..." Pagkatapos ay niyakap niya ako.
And I just can't help it but to cry on her shoulder... "I'm sorry kung hindi ko rin naisip ang kalagayan mo, hija... It makes me so guilty now that I know of your own reasons...and pain, too..." she said as we hugged. "I failed to understand you more as your mother-in-law."
"I was just worried of Joaquin. He's my only child, the reason why I'm still here... Wala akong ibang gusto kundi ang makakabuti lang din sa anak ko at ang kasiyahan niya..."
"I understand, Mama... May mga pagkakamali rin po ako... I'm sorry, too..."
"What..."
Tumigil na rin kami sa iyakan ng mama nang nandoon na rin si Joaquin... I gave my husband a reassuring smile and I shook my head telling him that it's all right. "Nag-usap lang kami ng Mama mo, Joaquin."
"That's right, hijo." ani rin ni mama na nagpupunas pa ng luha pero nakangiti na rin dahil mukhang gumaan na rin ang kalooban kagaya ko.
"Then why are you crying?" My worried husband wiped away the tears on my cheeks.
Ngumiti lang ako sa kaniya at muling umiling... Dinala na lang niya ako sa dibdib niya at niyakap.
Ayos na sa akin na hindi naman pinagdudahan ng mama ng asawa ko ang apo niya... Na mukhang pareho lang sila ni Joaquin na natuwa lang nang malamang buntis na ako. Tama na sa akin iyon at nakapag-usap pa kami ngayon. It's more than enough for me... And I already feel blessed. What other people think doesn't matter to me anymore. Ang mahalaga ay ang opinyon ng pamilya ko at mga taong mahalaga sa akin. Ngayon ay ipapaalam ko naman ang balita sa pamilya ko.
Joaquin and I went home to the province to see my parents and tell them the news about my first pregnancy in person. Sakto rin na umuwi rin doon ngayon sa mansyon namin ang mga kapatid ko dahil magpapasko na rin at noon pa namin binalak na magkakapatid na sa probinsya nga kasama ang mga magulang namin kami mag-celebrate ngayong taon. Since we're not that busy anymore this year end unlike the previous years.
"Sinama naman daw ni Kuya Anjo si Anja... Kaya siguro naman ay okay na sila..." Nasabi ko na rin kay Joaquin ang tungkol sa kapatid ko at best friend habang nasa biyahe pa kami pauwi na rin ng mansyon. At pinayagan naman din ako ng doctor ko na mag-travel kaya ayos ang lahat.
Bumaling sa akin si Joaquin. "Why? What happened?"
"Uh, nag-away kasi sila ni kuya noong nakaraan... Gusto ka nga rin palang makausap ni Anja about sa nangyari last time pa sa huling party na in-attend ko... Inisip niya kasi na may kasalanan din siya sa nangyari..."
Tumango naman si Joaquin. "It's all right. Medyo matagal na rin iyon..."
Tumango ako. "Oo nga, pero mukhang pinag-awayan din nila ni kuya iyon..."
Hinawakan ni Joaquin ang kamay ko habang nasa loob kami ng sasakyan at papasok na sa pamilyar na daan patungo na sa amin. "We'll clear things out, don't worry." My husband assured me.
Ngumiti na ako at tumango sa kaniya.
—
This story has been Completed with total 35 chapters + Prologue and Epilogue, and a Special Chapter. You can read it on my Patreon creator page Rej Martinez and/or my Patrons Facebook group just message my Facebook profile Rej Martinez to join. The Special Chapter is exclusive on Patreon/Facebook group. Thanks!
BINABASA MO ANG
Ikaw At Ako
RomanceShe's wild and free. He's a responsible son and brother. She's playful. He's a little serious. Will a pragmatic marriage between two different people really work? Will he be able to tame her, when her family couldn't? And will she be able to be a...