Star 2
Abala ako sa pag-aayos ng bago kong kwarto which is gagawin ko nang official recording room ko. Sa kwarto ko kasi medyo maingay at hindi naman sound proof ang kwarto ko kaya kahit anong ingay sa labas, naririnig pero nagagawa ko namang i-edit din. Ngayon, nililinis ko lang naman, dati 'tong bodega namin pero dahil sa napilit ko naman sila mama at papa na gagawin kong recording studio ko ito, pumayag na sila.
Matagal ko na dapat plano na gagawin kong recording room itong bodega pero baka magalit lang sa akin sila pero ngayon, no worries na dahil okay na okay na sa kanila.
Bukas na rin ang free concret ng boy band na Before Four which is si Johannes and leader of that boy band. Hindi na ako magtataka kung bakit gano'n na lang lumago ng mabilis ang career niya, syempre dahil may bucker na ito pagdating sa industry na 'yon dahil sa kanyang mga magulang. Sikat siya, marami sa kanya nagkakagusto. Hindi ko nga lang alam kung anong ugali niya, medyo may pagka-snob ito kapag mag-guests sila sa tv shows at 'yon nga, may pagka-maangas siya.
"Megan!" napaiktad ako ng biglang sinigaw nito ang pangalan ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat at ng humarap naman ako sa kanila ay nakita ko naman si Tiff na kasama na si Arjay, ang one and only na boy cover na naging close friend as in namin ni Tiff.
"Kailan ka dumating?" ngiti kong tanong sa kanya at tinabi ko muna ang mga panglinis na ginamit ko.
"Kaninang madaling araw lang," aniya. "istorbo rin kasi 'to si Tiffany e, natutulog ako pumunta sa bahay." Dagdag pa nito.
Napangisi naman si Tiff sa sinabi ni Arjay sa kanya. Si Arjay 'yong tipong kaibigan na caring masyado sayo, lagi ka niyang ite-text pero hindi ako 'yon si Tiffany ang kadalasan niyang ka-text at down to earth pa siya lalo na nagkakaroon na siya ng guests show at tour pa 'yon. I'm proud of him.
"Woah! Meg, ito na ba 'yong sinasabi mo sa akin noon pa na ayaw ka payagan?" tanong pa sa akin ni Tiff at tuluyan na siyang pumasok sa loob nito. "Ang laki ng space mo, gaga!"
Natawa naman kaming dalawa ni Arjay sa sinabi niya, "oo nga, ang laki nitong magiging recording room mo, ipapa-sound proof mo ba 'to?" tanong pa niya sa akin.
I nodded to him, "yep and my parents will do the thing."
"Naks! Naman!" saka ako inakbayan ni Tiff, "isama mo naman kami dito kapag magkakaroon ka ng recording o kaya kapag ako ang magre-record pwede makigamit?" ngisi pa niya sa akin.
Napailing na lang ako sa kanya at bahagyang natawa, "oo naman, Tiff, kahit kailan pwede kang gumamit and even you Arjay." Lingon ko dito na ngiting-ngiti din naman, "I'm planning to have a duet Tiff."
"Duet?" taka pa nitong tanong sa akin.
"Oo nga, di niyo ako isasama?" kamot pa ni Arjay sa ulo niya, "ang daya niyo naman."
I giggled right before I answer them, "syempre naman, edi trio na lang. Mas maganda ang blending kung may boses na lalaki lalo ka na Arjay, you have the good voice." Sabi ko pa.
"Naks!" pisil pa nito sa pisngi ko, "sige sige, go ako diyan."
"Syempre, siguro after 1 month pa mangyayari 'yon kasi aayusin pa 'to." Sabi ko saka kami naglakad palabas dating bodega na soon to be ko na ring recording room. How I wonder na mas magiging comfortable ako dahil mas makakapag-concentrate na ako.
BINABASA MO ANG
Between Me and the Star
Teen FictionStar Series After having Johannes Harrest Wesley in the life of Ethan and Reizel will now conquer the world of singing industry after the successful careers of his parents. Would Johannes across as same as the biggest part of Reizel and Ethan in t...