Sensation 37
~Megan's POV
After ng concert ko ay dumiretsyo na kaagad ako sa hospital kung nasaan sila mom at dad at nagpaalam ako sa kanila kung saan ako pupunta. Sinabi ko naman sa kanila kung anong gagawin at hinayaan lang din naman ako at gusto ko rin naman itong gagawin ko. Siguro tama nga rin sila, tuluyan ng nawala sa sarili ko ang pagiging Megan ko at nabato na sa katauhang Lauren. Hindi ko naman pinagsisisihan din na binago ko ang sarili, kahit na may mga nasaktan ako, madami naman akong success na natamo sa buhay ko even without them, the one who will support you all the way.
Nandito na ako sa isang bakasyunan, malayong-malayo sa kanila at wala akong pinagsabihian kung saan ako pupunta dahil ako lang ang nag-drive sa sarili ko papunta dito. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong hanapin si Megan gaya ng ginawa ni Theo noon na ngayon ay hindi ko alam kung bakit nasasaktan pa rin ako na iniwan niya ako pero naka-move na rin naman ako doon pero still, kahit move on ka na, may alaala pa rin... at isa lang ang ibigsabihin, hindi pa rin pala ako move on? Okay fine.
Mula naman dito sa tinutuluyan kong bahay ay natatanaw ko naman ang mga kabahayan. Kumikislap ang amg bituin sa mga kalangitan at ang mga ilaw ng mga buildings at bahay at ang ganda lang sa paningin. Sana nga dito, mahanap ko si Megan.
Ewan ko rin kung bakit biglang kung ano ano nang pumapasok sa utak ko at kusa na akong umaayaw. Kusa na akong sumusuko sa laban ko pero gayong panalo na naman ako. Tuluyan nang nanahimik ang career ng Before Four mula noong nakausap ko si Johannes. At ako naman ay tuluyang namamayagpag sa kasikatan. Kanina, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko dahil nainis ako bigla ng makita ko siya na nasa audience at hindi ko namalayan na pinapanood na niya pala ako doon. Pero hindi ko na lamang siya pinansin, isa na siyang loser ngayon.
Para ngang may split personality na ako eh. Ang bitter ko pa rin pagdating sa bandang iyon lalo na kay Johannes pero minsan bumabalik sa akin ang katauhan ni Megan at napapaisip na lang ng basta basta pero nananaig ang Lauren na walang pakealam.
"Lauren?" napatingin naman ako sa kabilang terrace at nakita ko doon si Theo na nakatingin sa akin.
Nabigla naman ako ng makita ko siya, "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko naman sa kanya.
"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan, bakit ka nandito?" tanong pa nito sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko this time dahil noong gabing iniwan niya ako, nasaktan ako noon. "Bakit ka nandito?" ulit pa niyang tanong sa akin.
"Bakit mo ba tinatanong?" pagtataray ko naman sa kanya.
"Hindi ko lang alam kung bakit ka nandito, this is not the perfect place for a rebel girl like you, Lauren." Aniya.
Medyo na-hurt naman ako sa sinabi niya. Parang feeling ko naging walang pakelam na rin talaga ako sa kanya. Tuluyan na niyang kinalimutan kung anong meron kami noon at ang pinagsamahan namin. Agad nabura sa kanyang isipan, wow as in, wow.
"Hindi ako nandito Theo para makipag-away sayo or something, nandito ako para hanapin ang sarili ko." bulyaw ko naman sa kanya.
"Really?" he smirked. "But I aint see Megan inside of you, I see Lauren with full of hatred and anger. Hindi mo mahahanap si Megan kung hindi ko kayang umpisahan sa sarili mo bago mo alisin ang galit diyan sa puso mo." Aniya. "Alam mo sumuko ako para hanapin si Megan dahil mukhang mahihirapan naman ako dahil alam kong kinidnap na siya ni Lauren at hindi na binalik pa kaya ginive-up ko na lang kasi finding for someone who doesn't want to show up is just like wasting your time waiting for someone that wont comeback to you."
BINABASA MO ANG
Between Me and the Star
Novela JuvenilStar Series After having Johannes Harrest Wesley in the life of Ethan and Reizel will now conquer the world of singing industry after the successful careers of his parents. Would Johannes across as same as the biggest part of Reizel and Ethan in t...