Star 24
This is it! Ang last schedule ko na for the recording. Ang bilis lang ng araw, sa bilis ng araw hindi ko na namalayan na sobrang dami na pala na nangyari pero hindi ko na kailangan pang isa-isahin dahil hindi na naman masyadong importante 'yon. Basta, ang iisipin ko lang ngayong araw ay ang makapag-concentrate sa magiging single ko. Medyo hindi ko pa naaabot 'yong tono niya dahil sa sobrang taas, ayoko naman baliin at ibahin 'yong tono dahil pangit ang kakalabasan.
Gano'n din naman suggestion sa akin ni Tiffany na gawin na lang kung ano 'yong nasa tono. Bahala na lang din mamaya kung anong mangyayari. Sana lang 'wag ako magpauli-ulit.
"Okay, Aja!"
"Ano, Megan? Baliw lang!" ani Tiff.
"Panira ka talaga ng moment." Saka ko siya binatukan.
Ang adik kasi, lagi na ang sinisira 'yong moment ko. Papunta na rin naman kasi kaming dalawa ngayon sa GNV. Naka-taxi as usual, alas nueve ang call time namin at sana hindi kami ma-late pagdating doon dahil nakakahiya na kay Ched 'yon. Last day na nga, male-late pa kami.
"Marami kayang bibili ng album natin kapag na-release na?" tanong naman sa akin ni Tiffany.
Napaisip din naman ako kaagad. "Oo nga 'no pero 'wag na nating isipin ang magiging sales ng album natin atleast isipin na lang natin na nabigyan tayo ng opportunity na magkaroon ng ganitong klase ng album diba?" ngisi ko pa sa kanya.
"Kasi baka tayo tayo lang din bumili ng album na 'yon eh." Tawa pa ni Tiffany.
"Basta, keep in mind na lang na magiging successful 'tong album natin."
Hindi na lang siya sumagot sa akin. Ilang saglit lamang ng makarating na kami sa GNV company. Dalawa kaming nagbayad at tumungo naman sa building. Agad kaming pumasok ng elevator, as usual doon naman lagi ang daan namin. At mabuti na lang na-safe ako dahil wala si Johannes, wala akong nakasalubong na Johannes.
Dumiretsyo naman kami sa recording room at si Camila pa lamang ang doon.
"Hi! Ikaw pa lang?" tanong ko naman sa kanya.
Then she nodded, "Oo pero nandito na si Madame kanina, lumabas lang dahil may kinuha daw."
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Tiffany. Napalingon din naman ako sa orasan ko at wala pa namang nine. Masyadong maaga si Ched, baka advance ang orasan niya kaya ganyan. Naupo na rin naman kaming dalawa ni Tiffany sa tabi ni Camila na busy sa kanyang phone kaya hindi na namin inabala pa.
Agad agad naman na dumating din si Ched kaya kinabahan naman ako.
"Go, Megan, ikaw na."
"Ako po?" taka ko pang tanong sa kanya.
Tinarayan naman ako ng tingin ni Ched, "Oo ikaw, ayaw mo ba?"
Inilingan ko naman si Ched, "Hindi po, ito na nga po."
"Sige, maghanda ka na diyan."
Huminga na lamang ako ng malalim. Agad agad naman na ako kaagad ang sumalang. Sana lang ma-perfect ko ang isang 'to dahil hindi ko naaabot ang mataas na tono. Iyon talaga ang problema ko.
BINABASA MO ANG
Between Me and the Star
Подростковая литератураStar Series After having Johannes Harrest Wesley in the life of Ethan and Reizel will now conquer the world of singing industry after the successful careers of his parents. Would Johannes across as same as the biggest part of Reizel and Ethan in t...