Sensation 31

72 2 0
                                    

Sensation 31

 

~Megan's POV

Isang buwan. Isang buwan na ang nakalipas simula ng magkaroon ng issue tungkol sa akin at hindi lang 'yon ang nangyari at naibalita at kumalat sa internet. Akala nila nag-suicide ako dahil sa sobrang depression na nakuha ko at katahimikan ang bumalot sa online world ko. Akala lang nila 'yon, wala silang alam sa totoong nangyari, wala silang alam kung anong nasa likod ng mga kumakalat sa internet dahil 'yon ang pinapaniwalaan nila.

            Nanahimik ako at pinilit kong lumayo sa mundong iyon.

            Tuluyan na ngang nagwagi si Johannes sa kagustuhan niyang mapabagsak ako sa career ko. Hindi ako sigurado kung siya ang may pakana ng issue na 'yon, ayokong mangsisi dahil ako rin naman ang mapapahamak kaya pinili ko na lang na manahimik at hindi na sumagot sa mga kritisismong binabato nila sa akin.

            Naging wala na silang pakelam sa akin.

            Ang pagiging online sensation ko ay tuluyan ng bumagsak. Nawala na 'yong mga pinaghirapan ko at sa isang saglit lang ay naubos kung anong pinaghirapan ko. Nagkulong ako sa kwarto ko, hindi ako lumalabas sa silid ko dahil ayoko ng madamay ang mga magulang ko sa sitwasyong ito. Pati sila alam kong nahihirapan sa akin pero ako, nanahimik lang at tinatanggap ang mga masasakita na binabato nila sa akin.

            Whore, padiba, pasikat, balahura, pabebe, kaladkaring babae at walang modo. Ang sakit. Grabe! Hindi ko matanggap kung paano nila ako pagsabihan ng mga gano'n. Hindi nila alam na na-hacked na ang mga social media accounts ko maliban na lamang ang dummy accout ko sa facebook at doon ko naman nalalaman ang lahat. Kaya iniisip nila na nag-suicide ako dahil sobra akong depress at hindi ko matanggap ang lahat pero hindi nila alam na tinatanggap ko lang lahat dahil alam ko naman na hindi totoo ang lahat ng iyon.

            If Johannes did that to me, okay nanalo siya. Pero tama ba 'yong ginawa niya sa akin? Sinira niya kung ano ako. Ang pagkatao ko. Noon, ang sinabi niya sa akin, ang career ang papabagsakin niya pero pati ang buhay ko muntik na niyang pabagsakin. Alam kong pagsisisihan mo lahat ng ginawa mo sa akin Johannes, kung hindi ka lang noon ang mga kahihiyan ko, hindi sana aabot pa dito.

            Masakit.

            Nasasaktan ako.

            Pero kailangan kong bumango mula sa pagkakabagsak ko. Hindi naman ako magpapakalunod sa mga binitiwan nila sa akin, lilinisin ko ang pangalan ko at ipangangalandakan sa buong mundo na hindi ako ganoong babae.

            Dahil din sa mga nangyari na 'yon, nasira ang pagkakaibigan namin nina Tiffany at Arjay maging ang ibang online sensation. At ang mas nakakatawa pa dahil contracted na sila sa GNV a month ago as their newest singers. Nakakatawa lang talaga, kapag may opportunity nga talagang dumating susungaban mo na lang na parang ahas ka dahil chance mo an naman 'yon eh. Hindi ko naman sila mapipigilan dahil 'yon naman ang gusto nila.

            Buhay nila 'yon. Noong pumupunta pa dito si Tiffany at Arjay para damayan kuno daw nila ako pero hindi ko na sila pinapapasok sa bahay at nag-quit na rin ako sa mall shows nila dahil hindi naman na ako kailangan doon. At 'yong mga araw na 'yon ay nagpupunta sila pero tinataboy ko lang sila dahil lang doon pinagdudahan na nila ako, pinaniwalaan nila 'yong mga nakita nila. Hindi nila inalam mismo sa akin kaya sobra sobra ang tampo ko sa kanila kaya kahit anong mangyari, ayoko na silang makasalubong.

            Sobrang damit sakit ang dinala nila sa akin. Damang dama ko eh, durog an durog ako. Nakakainis lang, hindi ko naipagtanggol ang sarili ko dahil mas pinili kong manahimik dahil para matigil na rin sila at ngayon na hindi na masyadong laman ng internet ay kailangan ko ng gumawa ng move.

Between Me and the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon