Between Us 46

87 3 0
                                    

Between Us 46

 

~Megan's POV

Tinawagan ako ni Jennel para pumirma ng exclusive contract at limang taon daw iyon dahil 'yong contract daw na pinirmahan ko noon ay pansalamata lang so kailangan ko na daw pirmahan ang kontratang iyon dahil kapag hindi ko daw 'yon pinirmahan 'yong mga future projects nila for me ay itatapon nila at ipapasa sa ibang singer or band pero nakapagdesisyon na rin naman ako kung anong gagawin ko.

            Papunta ako ngayon sa HPC para harap-harapan sabihin kay Jennel na hindi na ako pipirma ng exclusive contract dahil I need time for myself. Mananahimik muna ako sa mga ganyan dahil gusto kong ibalik si Megan Ynez na isang online sensation. Sinamahan naman ako ni Tiffany papunta doon, sinamahan niya ko kasi gusto niya rin daw makakita ng artista doon at kung paano sila makitungo sinabi ko naman sa kanya na normal na tao pa rin naman sila kaya ayun, nakatanggap ako ng batok sa kanya. Kaasar, di mabiro.

            "Sure ka bang hindi ka lilipat sa GNV? Magkakasama tayo doon nila Arjay?" tanong naman sa akin ni Tiff.

            I shrugged, "Hindi ko alam, siguro magpapahinga lang muna ako ng 1 month then pag-iisipan kung pumasok ulit sa GNV kasi ipagpapatuloy ko muna ang pagiging online sensation ko."

            "Ooh, talaga, collab ulit tayo!" excited naman na sabi nito sa akin.

            "Oo naman, like we used to be before." I smiled.

            Nang makarating naman kami doon sa HPC meeting room kung saan kikitain namin si Jennel. Mabuti na nga lang na hindi naging hassle na sa amin ang pagsasakay ng taxi dahil may kotse na ako, 'yong naging bayad sa akin sa album ko noon ay ito ang pinangbili ko dahil mas mahihirapan naman kung lagi akong magco-commute at baka maulit pa ang nangyari sa akin dati kaya nag-ipon ako at nakabili ng kotse.

            Hindi naman umangal din sina mom at dad sa kain dahil nakabili daw ako. For travel and safety na rin kami namin 'yon kapag bumabiyahe namin.

            "Ang gara naman pala dito, snob ng mga tao." Ani Tiff. "Saka mas modern ang GNV, mas malamig doon." Aniya.

            Siniko ko naman siya bigla, "'Wag kang maingay, mamaya paalisin ka pa dito eh lalo na taga GNV ka pa." hagikgik ko pa.

            Nang makapunta naman kami sa meeting room kung saan nandoon si Jennel na abala sa mga papel na binabasa niya. Nang makita naman niya ako at ang kasama ko ay nagulat pa ito, dapat daw kasing wala nakakapasok na taga-kabilang network sa kumpanya nila? How about Johannes? So, hindi nila alam na pumapasok na pala siya sa building nila noon? Siguro busy si manong guard at hindi na napansin ang pagpasok ni Johannes.

            Naupo naman kaming dalawa ni Tiff.

            "Ito Megan ang papers na pipirmahan mo." Inabot naman sa akin ni Jennel ang papers na pipirmahan ko. Pero agad ko namang binalik sa kanya ang papel at napatulala na lang din naman si Jennel doon. "Bakit Megan? Hindi ka ba magre-renew?" taka niyang tanong sa akin.

            I bitterly smile, "'Yon nga po eh, hindi ko na po ma-re-renew 'yong contract for an exclusive artists niyo po, I need to rest my career po dahil alam kong ang daming nangyari sa akin at gusto ko lang 'yong naging gawi ko dati like sa pagiging online sensation lang." sagot ko naman sa kanya. "Ah, kaya po sorry po dahil hindi ko nap o mapipirmahan 'yan."

            Niyakap naman ako ni Jennel at tinapik-tapik naman niya ako, "That's okay, Megan, I'm so proud of you that you can handle this everything." She loses her grip on me. "So dahil hindi ka na magre-renew at baka hindi ka na rin mapasama sa mga live shows at ibibigay ko na sayo ito." Aniya. "Wait ka lang, Megan."

Between Me and the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon