Between Us 40

94 3 0
                                    

Between Us 40

 

~Megan's POV

Wala akong pakelam sa mga nakakasalubong ko, wala akong pakelam sa mga taong tumatawag ng pangalan ko. Nasa iisang tao lamang ang atensyon ko ngayon at iyon ay kay Johannes. Bigla na lamang siyang nawala sa paningin ko. Mabilis siyang nawala na parang bula na lamang. Inikot ko ang buong paligid ng building na 'to, hindi ako napapagod maglakad o tumakbo para hanapin siya dahil gustong gusto ko na siya makausap hanggat sa hopeless akong mahanap siya sa loob ng building, kahit sa suluk-sulukan ay walang Johannes akong nakita.

            "Johannes, nasaan ka na ba?" bulong ko sa sarili ko. Nangingilid na ang mga luha sa paligid ng mata ko at kaunting kurap ko na lamang ay babagsak na isa-isa ang mga ito. Gusto ko na nga sabunutan ang sarili ko dahil sa nangyayari eh.

            Bakit ba kasi hindi ko siya nagawang patawarin noon?

            Kasi nga, wala akong pakelam. Masyado akong nasaktan at poot ng galit.

            Nang makalabas naman ako ng building ay nang in-angat ko ang ulo ko ay natulala na lamang ako sa lalaking nakasandal sa may puno nang mapatingin naman ito sa aking direksyon ay bigla na lamang itong naglakad palayo at hindi naman ako tumayo na lang kundi tumakbo ako papunta sa kanya pero bakit gano'n, parang feeling ko palapit naman ako ng palapit sa kanya siya naman itong hindi ko na maabot.

            "Johannes!" tawag ko dito. Nahinto naman ako sa paglalakad ko dahil sa hinihingal na ako. Napahawak na lamang ako sa tuhod ko at humihinga ng malalim para makahinga ako ng maluwag. Pinunasan ko naman ang pisngi ko ng kamay ko dahil sa mga luha ko. "Johannes! Saglit lang!" pagpigil ko pa sa kanya.

            Natigil naman ito sa kanyang paglayo sa akin at bahagya ipinaling ang ulo niya sa kanan niya. "Anong kailangan mo?" masungit at malamig nitong tugon sa akin.

            "Sorry." Banggit ko pa lamang ng mga salitang 'yon ay umiyak na naman ako at hindi ko na napigilan ang sakit na nadarama ko.

            "You're late, Megan, almost..." nang tingnan ko na lamang siya ay humahakbang na siya palayo sa akin. Napaluhod na lamang ako at tinakip ang mga kamay ko sa mukha ko. May narinig akong tumakbo palapit sa akin at nakaramdam ako ng yakap. "Pero hindi ko kayang iwan ka," napatingala naman ko ng makita kong yakap yakap ako ni Johannes. "I never want to lose you again, Megan."

            "J-johannes." Nanginginig kong banggit ng pangalan niya at sunod ko na lamang nagawa ay yakapin siya ng mahigpit. Wala akong pakelam kung may makakita man sa amin ngayon. Dahan dahan naman akong tinayo ni Johannes at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. "J-johannes, sorry, dapat noon pa, ako ang may mali, nasaktan kita. Johannes, please forgive me, hindi ko naman ginusto na saktan ka. Kaya ko lang naman nagawa 'yon dahil alam kong may possibility na magkalapit ang loob natin kaya pinili kong lumayo pero hindi ko akalain na masasaktan ka pala sa ginawa ko."

            "Okay na ako diyan, Megan, I've already move on with that." Aniya.

            "Paano?" titig ko sa mga mata niya. "Alam kong nasaktan ka kaya mo nagawa 'yon diba? In the first place, ako ang may mali. Hindi ko inisip na masasaktan ka kasi ang palagi ko lang naman inaalala ang career ko at nawawalan na akong pake sa mga taong nasa paligid at isa ka na doon Johannes, hindi ko alam pero wala naman akong napala sa nangyari eh."

            "Sinabi ko na sa'yo 'yan noon na wala namang patutunguhan ang lahat dahil nangyari na rin 'yon sa akin at full of regrets lang ang nangyari sa akin. I've been always watching you Megan, since the day I talked to you, sinubaybayan at inalam kung anong nangyayari pero I see na masaya ka naman pero nababahala ako kung anong mangyari pagkatapos no'n and this what happens." Aniya.

Between Me and the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon