E P I L O G U E

125 5 0
                                    

E P I L O G U E

 

~Megan's POV

It's been a year simula ng sagutin ko si Johannes. Ibang iba pa rin palata talaga ang feeling na sinusuyo ka pa niya pero ngayon parang gano'n pa rin naman ang turing namin sa isa't isa na akala mo hindi pa mag-on. After 1 year ay marami na ring nagbago sa careers and sa mga taong nakapaligid sa amin.

            Naalala ko pa noon na biglaang uwi ni Johannes para lang makita niya ako ay ikinagulat ko dahil hindi ko in-expect na makikita ko siya noon. Isang taon na rin ang nakalipas pero tandang tanda ko pa rin 'yon dahil umuwi siya at iniwan muna tour nila para lang sa akin pero nang dumating na ang madaling araw ay kailangan niya na muli bumalik sa tour nila. Ang mga efforts talaga ni Johannes, hindi ako binibigo. Hanggat kailan hindi ako magsasawa sa mga pinapakita niya sa akin noon man hanggang ngayon dahil kahit anong mangyari ayoko na siyang mawala sa akin.

            Bukod sa pagiging kami na ni Johannes ay noong umuwi na rin siya ay pumirma na ako ng exclusive contract ko sa GNV at 'yong mga niluluto nilang projects for me ay nagawa ko na naman past few months pero sinabi ko noon na kahit 1 month ay huwag muna ako bibigyan ng project at gano'n din naman si Johannes kaya mas na-enjoy namin ang company ng isa't isa kaya hindi kami masisisi kung bakit sobrang lapit na namin sa isa't isa.

            At ang nakakatuwa  pa dahil nagkaroon na naman ako ng triple platinum award at iba ibang awards mula sa iba't ibang awardings dahil mas naging successful ang career ko ngayon.

            Si Tiffany at Arjay naman ay mag-a-almost 2 years na rin naman sa relationship nila at naging successful din naman ang kanilang tour last year at iyon ang mas nagpatunay sa kung anong merong talent silang dalawa kaya hindi ako nagkamali na sila ang naging kaibigan ko dahil kahit anong mangyari ay hindi ka nila iniiwan tapos kahit mismo ang career ko ay sinusuportahan nila. Mas nagiging tampok na din ang mga pangalan nila sa ibang bansa kaya hindi malayong magkaroon sila ng tour around the world dahil ako gusto ko muna na libutin ang bansa ko dahil dito kami mas kinikilala pero sobrang proud pa rin ako dahil ang layo na  nang nararating ng dalawa kong kaibigan.

            At ang bandang The ex-badboys na laging nakikipagkompitensya sa Before Four ay nawala na rin kundi gumagawa na rin sila ng kanilang ingay sa ibang bansa at wala na 'yong rivalries nila dahil kapag nagkakaroon ng battle of the bands ay nagbabatian pa sila at hindi naman ako in-snob nila dahil kahit papaano ay naging kaibigan ko rin sila. Lalo na si Ara hindi ako kinalimutan dahil daw sa pagtulong ko sa kanya na magkaroon siya ng guts na makausap ang kanyang ama at nakakatuwa lang dahil ang natulungan ko sila.

            And about Lord Ever and Theo? Ayun, okay na rin sila. Akala ko nga wala ng chance na magkaayos ang family nila pero lumambot ang puso ni Nolan at tinanggap niya si Theo bilang part ng kanilang family at pati rin si Lord ay hindi laging tinataboy si Theo at ayun, parang happy family na rin sila. Naayos naman ang gusot sa family nila.

            At isa pa ay si Blaze at Cara ay nagkakamabutihan naman at wala na namang ginagawa o pinipigilan pa ang dalawa dahil wala naman siyang magagawa dahil hindi naman niya pwedeng pigilan ang dalawang taong nagmamahala kaya pinayuhan na lamang niya ang kanyang kapatid na 'wag umiyak kapag nasaktan dahil siya rin ang bumigay. Anong payo 'yon diba, kaloka!

            At ngayon ay nasa 2nd annual meet-up of online sensations ako at tatlo kaming magkakaibigan na guests sa event na 'to at si Ched pa rin naman ang nagha-handle ng event na 'to tho may part na rin si Johannes dito at kasama ko rin siya ngayon.

            Nakita ko ulit ang mga kaibigan ko na online sensations na parang wala namang pinagbago pero mas lalo lang silang naging kilala. Kung hindi sa aming tatlo ay hindi rin maipapamalas ang mga kakayahan nila at makita sa telebisyon dahil lagi naming sinasabi na ang mga magagaling at may totoong talent ay hindi nila nakikita sa kanilang telebisyon kundi humarap sila sa youtube at doon nila makikita kung ano nga bang meaning ng true talent.

Between Me and the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon