Star 23
Nakaupo lamang si Theo na pinapanood ako at si Tiffany sa recording practice naming dalawa. Enjoy na enjoy naman siya at mas nakaka-amaze daw ang mga boses namin kapag live at hindi galing sa youtube accounts namin. Napapa-hum na nga lang din siya sa amin.
Nang ako na muli ang sumalang sa practice at habang sila doon ay busy sa pagkain. Ako muna ang magpa-practice sa sarili ko.
"'Wag niyo nga akong tingnan, nakaka-disturb you know." Mataray ko pang sabi sa kanilang dalawa.
Sinamaan ko na lang din naman sila ng tingin dahil tinawanan lang din nila ako. Sinuot ko na lang din naman ang headphones ko at sinimulan ang pagkanta ko. 'Yong mga binigay ni Ched na lyrics ay original compose daw ng isang sikat na composer sa GNV and unfortunately, hindi ko naman natanong kung sino 'yon dahil lahat daw no'ng kakantahin or kinanta namin ay iisang tao lang daw ang nag-compose for this compilation album. Nakakabilib dahil sa bilis ng oras at deadline, nagawa niya 'yon. Siguro kada 5 minutes, nakakatapos siya ng isang kanta. Can't believe with that.
Naka-ilang paulit-ulit din ako dahil nawawala ako sa tono ko kaya ayun, mag-iisang oras ko na natapos ng buo ang kanta na 'yon. Medyo nahirapan lang talaga ako dahil medyo mataas ang tono eh, for Manilyn kasi dapat 'yon. Eh si Manilyn naman kapag nag-crack na 'yong boses niya tuloy pa rin siya, kaya nga bihasang bihasa sa paggamit ng autotune eh.
Bagsak balikat naman akong naupo sa upuan doon.
"Hirap na hirap ka ata do'n sa kanta mo." Ani Tiff sa akin.
I nodded and took a sighed, "Oo, ang hirap abutin no'ng tono, masyado siyang mataas."
"Edi gawin mong acoustic way." Suhestyon pa ni Tiff.
I shook my head moderately, "Hindi bagay, Tiff eh."
"Sabagay, kaya mo 'yan, practice lang ng practice tutal, wala ka naman maiistorbo dito sa recording room mo dahil sound proof naman." Ani Tiff.
I shrugged. Tiffany had a point. Sa Saturday pa naman ang next recording session ko kaya, kaya ko naman pagbutihin pa ng maayos ang pagpa-practice ko.
"Ah, CR lang ako Meg." Tumayo naman si Tiffany at lumabas na ng room.
Naiwan na lang kaming dalawa ni Theo sa loob ng kwartong ito. Ang tahimik, bukod tanging lamig na lamang ng aircon ang dumadaplis sa mga balat namin. Hindi ko alam kung paano ako magsasalita o uumpisahan 'yong sasabihin ko sa kanya kasi medyo nahihirapan ako baka kasi 'yong way ko na pagsabi sa kanya, masakit ang dating sa kanya.
"Theo."
"Megan."
Natawa na lang kaming dalawa na halos sabay naming banggitin ang pangalan naming dalawa.
"Sige, you go." Aniya.
I giggles, "No, ikaw na, ano sasabihin mo?" So awkward.
Umayos naman ng pagkakaupo si Theo at humarap sa akin. Dahan dahan pa nito na kinuha ang mga kamay ko. Nagulat pa ako sa ginawa niya pero hindi na lang ako pumalag at hinihintay na lang kung anong sunod niyang gagawin.
"Megan..." banggit nito sa pangalan ko.
"Hmm..."
"I like you..." aniya. Diretsyo sa mga mata ko ang mga titig niya. "I don't want to pretend to be your boyfriend, I wanted to be just your boyfriend. It's hard for me to do it dahil may nararamdaman na ako pero don't worry if aint ready I'm willing to wait."
BINABASA MO ANG
Between Me and the Star
Teen FictionStar Series After having Johannes Harrest Wesley in the life of Ethan and Reizel will now conquer the world of singing industry after the successful careers of his parents. Would Johannes across as same as the biggest part of Reizel and Ethan in t...