Between Us 41
~Megan's POV
Everything is surreal. Hindi ko kayang ipaliwanag 'yong saya na nararamdaman ko ngayon. Unti unti ko nang nababawi kung ano ako noon, kung ano dapat ang kinikilala nila sa akin. Masaya ako kasi all this time, kahit marami na akong nagawang mali sa kanila. Hindi nila ako sinukuan, hindi nila ako iniwan dahil from the start ako na pala ang nang-iiwan sa kanila, masyado ko lang tinutuon ang sarili ko sa kung anong dapat mangyari sa akin. Hindi ko na alam na ako pala ang nawawala at napapalayo sa kanila. Pero this will be the start of everything at isa na doon ang pagiging maayos namin ni Johannes.
Pauwi na kami ngayon sa bahay namin, parang first time ulit ang lahat dahil babalik na naman ako kung saan ako lumaki ang naging studio. Mas masaya dito kahit na ta-tatlo lang kami na nakatira doon pero hindi naman napapalitan kung anong saya ang dala noon namin.
Umuwi na rin naman sina Johannes at ang mga kabanda nito, maging sina Tiffany at Arjay. Nailabas na rin naman si mom sa hospital at gamot na lang daw ang kanyang kailangan inumin para hindi na ito atakihin sa puso kaya ito, ako ang nag-da-drive papunta sa bahay namin.
Ilang saglit lang din naman ng makarating kami doon ay nanginginig ang mga tuhod ko papasok ng bahay dahil parang hindi na ako welcome dito.
"Go, Megan, pumasok ka na." ani dad.
Napangiwi naman akong nakatingin sa kanya at dahan dahan na binuksan ang loob ng bahay at gano'n pa rin wala namang pinagbago sa paligid 'yon nga lang nalipat-lipat ang mga gamit, parang nagkaroon tuloy kaagad ng renovation ang bahay namin dahil malinis at ito ang namiss ko habang nasa iba akong bahay.
"Megan, puntahan mo ang recording room mo." Ani dad.
"Bakit po?" tanong ko naman sa kanya.
"Sige na, 'wag ka na magtanong puntahan mo na lang."
Napakibit balikat na lang din naman ako na tumungo sa recording room. Parang may kakaiba akong nararamdama na sobrang nagpapakaba naman sa akin. Hindi ko alam kung excitement ba 'to o hindi? Kasi dito ako nagsimula eh, dito ko binuo ang pagiging Megan Ynez ko. Dito ko binuhay kung sino ba talaga ako.
Dahan dahan ko namang pinihit ang seradura at binuksan ang ilaw at nang buksan ko naman ng tuluyan ang pinto upang makita ang kabuuan ng room na ito ay nabighani na lamang ako. Parang naging isang attraction na lang siya sa mata, isang museum na akala mo bawal galawin ang mga gamit at naiiyak na lamang ako kapag naaalala ko ang mga masasayang alaala na nabuo ko dito.
This is my best moment.
"Maganda ba?" nagulat naman ako ng biglang dumating si dad at inakbayan ako.
Tumango naman kaagad ako kay dad, "Yes, dad, hindi ko inaasahan na ganito ang babalikan ko."
"Habang wala ka, lagi kong inaayos ang mga gamit mo dito, nililinis dahil may tiwala ako na babalik ka nga at alam kong matutuwa ka kapag nakita mo ang mga bagay na kinahihiligan mo." Napangiti na lamang ako.
Hindi ko akailan na magiging ganito ang recording room ko. Parang na-under renovation siya dahil nag-iba ng mga pwesto ang mga gamit at umaliwalas sa mata ko ang kulay ng paligid. Ang sarap lang kung dito tumambay. Ilang buwan ko rin itong iniwan, ngayon na nandito na ako. Babalikan kita, ikaw ang unang naging first love ko.
BINABASA MO ANG
Between Me and the Star
Подростковая литератураStar Series After having Johannes Harrest Wesley in the life of Ethan and Reizel will now conquer the world of singing industry after the successful careers of his parents. Would Johannes across as same as the biggest part of Reizel and Ethan in t...