Between Us 50
~Megan's POV
Best day of my life. Hindi ko kayang maipaliwanag kung anong saya ang dinala sa akin ngayon. For sure ay ito na ang birthday ko na hindi ko makakalimutan. Ang daming surprise na nangyari sa akin ngayon, like sila Tiffany at Arjay ay may hinanda pala sa aking surprise na birthday celebration with my fans at 'yon ang hindi ko in-expect dahil akala ko na binibiro niya lang ako pero parang naging mallshow na naman ang datingan ng makita ko kung gaano kadami ang dumating sa event na 'yon for me and its because of Arjay and Tiffany. Naghati-hati pa sila for the buffet and my lovely fans who gave me an awesome cakes—with S dahil tatlo ang binigay nila sa akin, isa ang galing kila Tiffany at Arjay at dalawa naman sa mag supporters ko na isang mukha ko ang nakalagay sa cake at isang normal cake lang.
Ang sarap pala talaga sa feeling na kapag madami kang kaibigan mas alam mong mahalaga ka at ngayon na bumabalik ako sa pagiging online sensation ko ay mas maraming humahanga sa kakayahan ko bilang isang sensation o kung star man ang tawagin nila sa akin. Wala na sa akin ang titulo man na tawagin nila basta ang mahalaga sa akin ay makapagpasaya ako ng mga tao.
At hindi pa natatapos ang araw ko nang makauwi naman ako ay binigyan naman ako nila mom at dad ng surprise at 'yon ang mas ikinatuwa ko dahil nag-effort silang bigyan ako ng isang celebration. That was my best ever gift tapos binigyan pa nila ako ng kwintas na hugis star.
Wala ring nakakakaalam 'yong ginawang surprise sa akin ni Johannes dahil kaming dalawa lang ni Cara ang nakakaalam no'n. Hindi ko nga in-expect na ganito kabongga ang magiging birthday celebration ko kahit na hindi ko kasama si Johannes ay feeling ko kasama ko pa rin siya at hindi ko pa rin makalimutan 'yong ginawa niya sa akin.
Kapag aalalahanin ko 'yon, mas lalo nahuhulog kay Johannes. Parang first time na naman ang lahat. At this time, hindi na siya masasaktan.
Nakausap ko pa si Johannes at ang mga kabanda nito thru skype at binati naman nila ako at ang kukulit lang nila dahil tinutukso pa nila si Johannes kaya ayun, nakatulog ako ng masaya dahil ang daming tao na nagparamdam sa akin na mahalaga pala ako sa kanila.
—BMATS—
Ilang araw na ang nakakalipas. Kalahating buwan na nasa tour sina Johannes at kapag nagco-concert na sila ay nagvi-video call naman ito sa akin at ipapakita ng live ang mga tao na sumuporta sa kanila. Proud na proud ako sa kanya dahil in the first place naman ay deserve na niya kung nasaan siya ngayon dahil ang mga magulang niya ay mga sikat na singer kaya hindi ako nagkamali na pati siya matatanggap ang gano'ng klase ng suporta sa mga tao. Johannes is had an unbelievable talent na akala mo ay siya lang ang may natatatanging talent na gano'n.
Papunta nga ako ngayon sa GNV dahil ino-offeran na ako ni Ched na pumirma ng contract. Kasama ko naman sina Tiffany at Arjay dahil may meeting din daw sila na pupuntahan at kung hindi ako nagkakamali ay iyon na ang magiging first ever tour nilang dalawa. They were real couples at bagay na bagay naman silang dalawa at hindi ako nagkamali sa sinabi ko noon na they will fall for each and eventually it happens!
Tumungo naman ako sa room kung saan nandoon si Ched at sina Tiff at Arjay naman ay sa ibang meeting room tumungo dahil nandoon daw ang mag staffs and organizers ng magiging tour nila kaya naiwan naman akong mag-isa kasama si Ched.
"Hindi mo pa ba tatanggapin ang offer namin sayo? Alam naman namin na naging maganda ang takbo ng career mo sa kabila pero mas maalagaan ka naman namin dito kaya kailan mo ba pipirmhan 'tong contract ha?"
BINABASA MO ANG
Between Me and the Star
Teen FictionStar Series After having Johannes Harrest Wesley in the life of Ethan and Reizel will now conquer the world of singing industry after the successful careers of his parents. Would Johannes across as same as the biggest part of Reizel and Ethan in t...