Between Us 44

72 2 0
                                    

Between Us 44

 

~Megan's POV

"Akala ko talaga, ikaw 'yong nasa loob kanina! Walang hiya naman kasi kung sino 'yong nag-text sa akin, ang adik!" aniya. Napahilamos naman ito ng kamay niya sa mukha niya. Nakaupo lamang kami dito sa upuan sa labas ng emergency room.

            Natawa naman ako ng bahagya, "Paanong ako?"

            "Natatawa ka pa, paano kaya kung ikaw nga 'yong nandoon sa loob? Alam mo kung anong gagawin ko?" aniya.

            "Okay sorry," tugon ko naman sa kanya. "Sorry, okay."

            "Saka bakit hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko? Kanina pa ako tumatawag sayo hindi mo naman sinasagot tapos may magte-text na lang sa akin bigla na nasaksak ka? Ang g*ago lang." he hissed."

            I took a deep breath, "Okay, seriously, naiwan ko ang phone ko sa bahay at naalala ko na lang habang nasa biyahe ako, okay na ba? Sorry naman kung hindi ko nasasagot ko kasi naiwan ko nga saka anong ako ang nasaksak? Nagpa-text lang kasi ako at pinaliwanag mo naman sa kanya, baka hindi mo lang naintindihan?" ani ko pa sa kanya.

            "Ito ha, basahin mo." Kinuha naman niya ang cellphone niya.

            Inagaw ko naman sa kamay niya, "Akin na!"

            Binasa ko naman 'yong message sa kanya ni Tamino at nang mabasa ko naman iyon ay napanganga na lang din ako at hindi ko alam kung matutuwa ba ako or something ito ang nakalagay sa text at kaya nag-panic din siguro si Johannes.

            "Johannes, pumunta ka ngayon dito sa hospital nandito si Megan nasaksak..." at putol na ang message.

            Binalik ko naman kay Johannes ang phone niya, "Putol 'yong message eh."

            "Oh tingnan mo, sinong hindi mag-aalala diyan? Saka bakit ganyan ang suot mo?"

            Tumayo naman ako sa harap niya, "'Yong dress ko, puro duguan na. Bumili ako diyan sa labas ng damit mabuti na nga lang ay nasiksik ako sa cycling ko nap era at nakabili pa ako. Pati 'yong sasakyan ko tinangay na."

            "What?!" gulat naman nitong sabi sa akin.

            "Oo, tinangay ng carnaper ang kotse ko at nagpahatid na lang naman kami papunta dito sa taong nag-text syao, gets?" he nodded, "So ngayon, kailangan nating hintayin na maging maayos at stable na si Manilyn."

            "No, Megan, may dinner tayo."

            I sighed, "Saglit lang 'to Johannes, tawagan mo muna si Millette Madrigal at papuntahin dito at kapag okay na si Manilyn, pwede na tayong tumuloy sa inyo, at ituloy ang dinner okay? Sabihan mo rin family mo ang nangyari at medyo male-late tayo ng dating."

            "Okay." Aniya.

            Tumayo naman si Johannes para kausapin ang family ni Manilyn at dad niya para sabihin na medyo male-late kami dahil nga sa aksidenteng nangyari. Maayamaya lang din naman ay lumabas na ang doctor sa ER at lumapit naman kaming dalawa doon ni Johannes.

            "Ayos na ang pasyente." At sa mga salitang iyon ay nakahinga na ako ng maluwag. "Dadalhin na namin siya sa kanyang room at pakitawagan na lang din ang mga kamag-anak niya."

            "Natawagan na po namin doc, marami pong salamat."

            "Walang anuman, gawain naman talaga namin ang iligtas ang buhay ng isang tao." Aniya at umalis na rin naman.

Between Me and the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon