Sensation 30

74 2 0
                                    

Sensation 30

 

Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay galing ng mall show ay agad naman akong tumungo sa kwarto ko. Hindi nga ata napansin nila mom and dad na nakauwi na ako dahil dire-diretsyo lang ako sa kwarto. Medyo napagod at nangalay lang talaga ang katawan ko ngayon, kaya nakahiga lang ako sa kama ko. Kinuha ko naman sa bulsa ko 'yong calling card na binigay sa akin ni Jennel na taga HPC. Napatitig na lamang ako.

            Dalawang pinto na ang nagbukas sa akin para pasukin ang mundong ito pero ngayon kailangan kong pag-isipan na ng mabuti kung anong hakbang na ang sunod kong gagawin. Tatanggapin ko ba o hindi?

            May mga plano na ako kung sakaling pabagsakin ako ni Johannes sa career ko ngayon, hindi ako natatakot dahil sa plano ko pero ipnangangamba ko rin na baka ang lahat ng ito ay magdulot ng kaguluhan. Hindi ko alam kung ano pero kung papatulan ako ni Johannes na pabagsakin ang career ko bilang online sensation, hinding hindi ako magpapatalo sa kanya.    

            Kung ang pagiging sikat ang iniingatan niya pwes ako dignidad at kung anong meron ako ang iniingatan ko.

            Bukas ay meron ulit kaming mall show, hindi agad nasabi ni Ched sa amin 'yong noong nakaraang araw pero bukas daw ay mag-mo-mallshow kami sa ibang mall naman iyon. Ang sarap lang sa pakiramdam na ito ang magiging stepping stone naming lahat.

            Sa daming success na nangyari sa akin ngayon, wala na akong hihilingin pa. Sobrang dami na nito.

—BMATS—

Tanghali na nang magising ako dahil sa sobrang pagod ko kaya ako naman ito na sobrang naghahabol na sa oras dahil ilang sandali na lang din ay darating na ang service namin. Medyo malayo-layo pa naman ang mall na pupuntahan namin kaya sa biyahe medyo matatagalan kami pero pwede naman magpahinga doon kaya todo madali na ako. Nagmake-up naman ako, simpleng dress na lang din ang kinuha ko sa closet ko at nagboots ako. Ang perfect ko lang.

            At tamang tama naman ng matapos akong mag-ayos ay dumating na rin ang service. Kinuha ko na ang shoulder bag ko na kung ano ano ang laman. Nang makalabas naman ako at pumasok sa service ay tahimik lamang silang nasa loob.

            Tumabi naman ako kay Tiffany na sobrang tahimik lang sa akin. Wala atang kalog vibes 'to ngayon or mataray vibes. Nang balingan ko naman si Arjay ay umiwas na lang ito ng tingin sa akin at nang tingnan ko naman ang iba kong mga kasamahan ay nginitian ko sila at nginitian rin naman nila ako pero pansin ko na parang pilit ang mga 'yon.

            "Tiff, anong meron, ang tahimik niyo?" siko ko pa sa kanya.

            "W-wala, Megan." Aniya.

            Napakibit balikat na lang din naman ako. Sa buong biyahe namin ay sobrang tahimik. Hindi ko nga alam kung bakit eh kaya pinili ko na lang din na matulog. Nakakapanibago lang kasi kahapon naman, medyo maingay sila at daldalan at ngayon hindi ko alam kung bakit.

            Ilang oras nang marating namin 'yong mall na dinayo namin ay isa isa naman kaming bumaba. Nauna na ako sa kanila na pumunta sa fire exit. Nahuli nga si Tiffany at nauna ako sa kanya. Nakakapanibago talaga sila ngayon, tapos kapag tatanungin ko naman sila kung anong meron ang sagot lang nila sa akin ay wala kaya ayun hindi ko na tinanong kung ano meron kasi mukhang wala naman talaga.

            "Megan, wala ka talagang alam?" tanong naman ni Kurt sa akin.

            Napakunot noo naman ako sa tanong niya, "Anong alam?" taka ko namang tanong sa kanya.

Between Me and the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon